NASA LABAS NA AKO NG hospital ng maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko 'to sa bulsa ng pantalon ko saka ko binuksan ang cellphone ko.
Hinatid lang ako ni Lorcan dito sa hospital pagkatapos kong maligo sa apartment ko at nag palit narin ng damit dahil sa mga mantsya ng dugo.
Binasa ko ang message saka ko 'yon binura. Naka kuyom ang kamao ko habang nang gagalaiti sa nabasa kong message.
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko saka ako pumasok sa loob ng hospital. Dumeritso agad ako kung saan ang operating room. Nakita ko agad si Lord na nakatayo habang nakasandal ang likod nito sa pader.
"Anong balita sa mag-ina ko?" tanong ko sakanya ng makalapit ako.
"Wag ka sanang mabibigla," seryosong sabi ni Lord sakin kaya mas lalo akong kinabahan.
"A-anong ibig mong sabihin? Pwede bang sabihin mo na!" sigaw ko dahil sa takot na nararamdaman ko. Ayaw ko! Ayaw kong may mawala sakanila. Hindi pa ako nakakabawi sa mag-ina ko, hindi ko pa sila nakakasama.
Bumuga ng malalim na hininga si Lord saka 'to nagsalita. "August is dead. Nilipat na siya sa mortuary pati narin ang yaya ni Xanth." saad ni Lord kaya napaluhod ako sa sahig.
"No! Hindi yan totoo. Panaginip lang 'to." umiiyak kong sabi saka ko pinalo ang ulo ko para magising ako sa bangungot na 'to. Pero, putangina! Naramdaman ko ang sakit ng pag palo ko sa ulo ko kaya napa-iyak ako lalo dahil totoo ang lahat.
"Ang anak mo lang ang naka survive," saad ni Lord sakin. "Pero inoobserbahan parin 'to, 50/50 parin ang lagay ng anak mo." dagdag na sabi ni Lord.
Bakit 'to nangyayari sakin, bakit si August at si Xanth pa. Gustong-gusto kong makasama ulit si August kasama ang anak naming si Xanth. Lagi kong sinasabi kay Xanth na magkakasama din kaming tatlo at magiging masaya. Pero anong nangyari? Wala na. Wala na ang babaeng mahal ko. Iniwan na niya ako ng tuluyan. Ang mas masakit pa ay hindi ko man lang nasabi sakanya kung gaano ko siya ka mahal. Hindi man lang ako nakabawi sakanya sa tatlong taong mahigit na nagkalayo kaming dalawa.
Hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon na makasamang muli si August.
Sana, makaligtas ang anak ko para naman may alaala ako kay August.
Tumayo ako sa sahig para puntahan ang sinasabing mortuary ni Lord kung saan nilipat si August. Para akong walang buhay na naglalakad at hindi alam kung saan tutungo.
Naramdaman kong may umakbay sa balikat ko saka niya ako inalalayan. "Ihahatid kita doon," saad ni Lord sakin.
Nang makarating kami sa nakasarang pinto ay may nakita kaming lalaking naka uniporme na nakatayo sa labas. Hindi ko magawang magsalita kaya si Lord na ang nag tanong.
Sinabi ng lalaki na nandoon nga ang bangkay ni August sa loob kaya agad binuksan yun ni Lord. Napalunok ako ng ilang beses at wala paring tigil ang luha ko habang nakatitig sa kumot na naka patong sa katawan ni August.
Tinapik ni Lord ang balikat ko kaya tumingin ako sakanya. "Sige na! Pumasok kana!" saad niya kaya tumango ako.
Dahan-dahan akong naglakad hanggang sa makarating ako sa gilid ni August. Nanginginig ang mga kamay ko habang binababa ang kumot ni August.
"Dios ko! moya Iyubov," umiiyak kong sabi.
"Aasarin pa kita, moya Iyubov eh. Susuyuin pa sana kita at araw-araw na liligawan. Pero paano ko magagawa 'yun kung wala ka na. Paano ko sasabihin kay Xanth na wala kana kapag naka survive ang anak natin. Kung pwede lang ako sumunod sa'yo sa kabilang buhay baka kanina ko pa ginawa, ngunit kailangan ako ng anak natin," umiiyak kong sabi sa wala ng buhay na si August.
BINABASA MO ANG
Assassin Series 7: Atticus Romero
Romance[R-18 🔞] ||✅Complete|| {Matured Content} (UNDER EDITING) Atticus Romero, the tracker of assassination group obsessed to policewoman August Suãrez who is seeking justice for her father's death.