Chapter 16

31.1K 713 83
                                    

BUMANGON AKO SA kama ng makaramdam ako ng uhaw. Nakatulog pala ako ng maaga na may kasamang sama ng loob sa ginawa sakin ni Atticus.

Lumapit ako sa lamesa saka kumuha ng baso para maka inom ako ng tubig. Habang uniinom ako ay napadako ang tingin ko sa orasan at nakitang 8PM pa pala. Hindi na din ako kumain ng hapunan dahil tinamad na akong bumaba para bumili ng pagkain.

Nagsalin ulit ako ng tubig sa baso ko saka ko 'yon ininum. Ngunit, muntik na akong mabilaukan ng may narinig akong kumakanta. Boses ng lalaki 'yon at hindi ko alam kung kumakanta ba 'to o umuulong na parang aso.

Naglakad ako papunta sa may bintana habang hawak ko parin ang baso at pitchel. Dumungaw ako sa bintana at halos mapa-mura ako ng makita ko si Atticus na kumakanta. May dala pa talaga itong guitara kaya hindi ko tuloy malaman kong sino ang sintonado, ang guitar ba o ang nag gu-guitara.

Binuksan ko agad ang bintana ko saka ako nagsalita. "Hoy!! Ang ingay mo!" sigaw ko sakanya kaya napa hinto siya sa pagkanta.

Ang iba kong mga kapitbahay ay nanonood din at halatang kinikilig kay Atticus. May mga babae din na naka tambay sa kalsada at kinikilig din ang mg ito kay Atticus.

"Moya Iyubov," sambit niya sa lagi niyang tinatawag sakin. Na search ko na sa google yang kaya alam ko na ang meaning.

"Itigil mo na yang ginagawa mo, Atticus. At baka ihampas ko pa ang guitara sa ulo mo," sigaw ko sakanya saka isinara ang bintana ulit.

Ngunit hindi pa ako nakaka hakbang ng kumanta na naman si Atticus ng ipag patawad mo. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiirita dahil ang pangit ng boses niya. Ang lakas ng loob niyang haranahin ako pero hindi naman pala marunong kumanta.

Binuksan ko ulit ang bintana kaya napa ngiti si Atticus. Kumanta pa siya ulit kaya kinilig na naman ang mga babae at mga binabae sa paligid.

"Itigil mo na nga yan!" sigaw ko sakanya. Ngunit ang loko, mas lalo pa talagang kumanta.

Sa sobrang inis ko ay binuhosan ko siya ng tubig mula sa pitchel na hawak ko. Sumakto pa talaga 'to sa mukha ni Atticus kaya napa pikit siya.

Akala niya siguro ay madadala niya ako sa mga ganyan. Mainit pa ang ulo ko sakanya kaya dapat wag muna siyang mag pakita sakin.

"Umalis kana rito! At wag ka ng babalik pa!" galit kong sigaw saka isinara ang bintana.

Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko na narinig pang muli ang pag kanta ni Atticus.

Humiga nalang ulit ako sa kama at agad ipinikit ang mga mata ko.

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil mag pa-patrol na naman ako.

Sa banyo narin ako nag bibihis simula ng makita ko ang device na inilagay ni Atticus sa kwarto ko. Kung dati ay tinatanggal ko ang saplot ko malapit sa kama ko, ngayon ay sa banyo na ako nag huhubad. Mahirap na at baka may device pa pala na hindi ko nahahanap dito sa apartment ko.

Lumabas ako ng apartment ko at siniguradong naka lock 'yon. Kinausap ko din ang caretaker ng apartment na walang papasukin na kahit sino sa apartment ko. Naka usap ko kasi siya kahapon at tinanong kong may pumasok ba sa apartment ko nong nakaraan. Pilit pa niyang inaalala kong meron ba, hanggang sa naalala niya na may pumunta daw na lalaki at nag pakilala sakanya na tubero. Ang sabi pa daw kay ate ay ako daw mismo ang nag papunta sa tubero. Sinamahan naman daw niya don sa apartment ko at hindi daw niya iniwan ang lalaki.

Kaya nagtataka ako kung pano na ilagay ni Atticus ang device na 'yon.

Paglabas ko ng apartment ay agad nalukot ang mukha ko ng makita ko si Atticus. May dala itong trapulin kaya binasa ko ang naka sulat.

Assassin Series 7: Atticus RomeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon