part 5

212 15 3
                                    

AMIRA (POV)

Tumayo ako at binalance ang katawan para hindi matumba. At agad pinaputukan ang lobong nasa gilid na ng kariton. Fucking shit! Akala ko ba endangered species na Ang mga hayop na'to, eh bakit naka kalat ito dito. Sunod-sunod kong pinaputukan ang mga lobong kulang nalang ay sumakay sa kariton. At ng maubusan ng bala ang baril ko ay agad kong kinuha ang samurai at sinaksak ang lobong susugod sana kay Marco.

Rinig ko ang iyakan ng dalawang bata, kaya kinuha ko ulit ang Isa pang baril ko para matapos na ito. Habol ko ang aking hininga at pumikit para pakiramdam ang buong paligid. At ng Wala na akong maramdamang panganib ay pabagsak akong umupo sa kariton habang habol ang hininga.

Inangat ko ang aking ulo, dahil ramdam ko ang titig nilang apat. Kumunot ang noo ko dahil parang Wala sila sa sarili habang nakatulala sa akin. Anyare ba.?

"May mali ba akong ginawa? Dapat ba hindi ko pinatay ang mga lobo."? Nagugulohang tanong ko sa kanila.

"Isa kang napaka galing na warrior binibini, dahil kung simpleng mamamayan lang ay aabot nang sampong katao bago makitil ang buhay ng Isang lobo." Manghang wika ni Lucia sa akin kaya napakamot ako sa batok.

Iniisip ko pa lang na magsuot ng armor katulad ng mga warriors sa TV natatawa na ako.

"Nandito na tayo." Saad ni can haman, etse ni Marco pala.

Nilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Marami akong nakitang mga Kubo na dikit-dikit, at ang malaking bonfire lang na nasa gitna ang nagsisilbing liwanag sa buong kabahayan.

"Bumaba kana binibini, para makapag hapunan na tayo at nang sa ganun makapag pahinga kana." Lucia said. Dahil nakababa na ito at ako nalang ang nasa kariton. Kaya pantalon akong bumaba, kaya nanlaki na naman ang mga mata nilang tatlo, samantalang si Marco ay kinunutan ako ng noo.

"Hindi maganda sa isang babae ang kumilos ng magaspang binibini." Malamig na wika ni Marco sa akin kaya napakurap ako. Nginaaaaa! Dapat bang sanayin ko na ang sarili ko na maging mahinhin, bakasakaling magustohan nya. Pinilig ko ang aking ulo, dahil imposibleng maging mahinhin pa ako.

"Pinunong Marco."

Wika ng babaeng lumapit sa pwesto Namin, at bahagya pang yumuko kay Marco.

"Mabuti at maayos lang po ang kalagayan nyo. Kanina pa kami hindi mapalagay sa isiping gabi na at hindi parin kayo nakakauwi." Saad ng babaeng lumapit sa amin.

"Maayos lang kalagayan namin binibining Brenda, at maari bang ihanda nyo na ang hapagkainan dahil may panauhin Tayo." Marco said.

Tumingin ang babaeng nagngangalang Brenda sa akin. Nanlaki ang mga mata nito ng makita ako, tinuro pa nito ang damit ko. Kaya Hindi na ako nagulat sa mga reaksyon nila.

"Anong klaseng kasuotan ang suot ng babaeng iyan.? At bakit dinala nyo sya dito pinuno. Baka magdala sya ng pangan,-'

Hindi natapos ang sasabihin dahil biglang sumabat si Marco.

"Hindi kita binigyan ng pahintulot para pakialaman ang desisyon ko binibining Brenda." Malamig na wika ni Marco.

Nangingilid ang luhang yumuko ang babae bago humingi ng patawad.

"P-patawarin n'yo po ako pinuno sa aking kapangahasan. Sandali lang po at sasabihan ko ang iba na ihanda na ang hapunan." The woman said at tinalikuran kami.

Naagaw ang atensyon ko sa isang puno na nasa taas ng burol malapit sa kinatatayuan ko. Kahit sinong makakakita sa puno'ng ito ay mabibighani dahil sa kulay pink na mga dahon nito, lalo na't sumasayaw ang mga dahon nito dahil sa hangin at mas lalong tumitingkad din ang kagandahan nito dahil sa sinag ng buwan.

"Maganda po ba binibini? Ang tawag po sa puno'ng iyan ay ang liway-liway ng pag-ibig." Wika ni Lucia na nasa tabi ko.

"Liway-liway ng pag-ibig."? Nagugulohang bulalas ko.

"Opo binibini, kase sabi ng mga nunonoan namin ay kapag lumapit ka daw sa puno'ng iyan pagsapit ng kabilugan ng buwan magmimistulang nyebe daw ang mga dahon nyan kapag natagpuan mo na ang lalaking tinadhana sayo."

Hindi ko alam kung bakit lumakas ang tibok ng puso ko ng magtama ang mga mata namin ni Marco. Ako ang unang umiwas at tumingin kay Lucia.

"Nakakatuwa naman kong ganun." Naiiling na saad ko. Hindi kase ako naniniwala, imposible naman kase.

"Nakahanda na po ang hapunan pinuno." Saad ng matandang babaeng lumapit kay Marco. Tumingin ito sa akin at ngumiti, kaya gumanti din ako sa kanya ng tipid na ngiti. Ramdam ko kaseng walang halong kaplastikan ang pinapakita nito.

"Humayo na tayo para makapag hapunan, at nang mahatid kana ni Lucia sa magiging tahanan mo binibini." Marco said at naunang naglakad.

"Halikana po binibini." Saad ni Jonas, ngumiti ako sa Bata at sumunod sa kanila papunta sa kumpulan ng mga tao na nasa unahan malapit sa bonfire.

_____&&&&&

"Kabilang Mundo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon