part 18

183 20 8
                                    

WARNING: this story is fictional and based by author imagination only.!!!

MIRA

Madilim na kaya lahat kami ay nandito na malapit sa tarangkahan at nakakubli sa mga puno. Maliban pala kay Lito na nasa taas ng puno at nagmamasid sa nangyayari sa loob. Sinyas lang nya ang hinintay namin. Hawak ko ang dalawang baril na may silencer, ganun din si Marco. Magkatabi kami ngayon at parihong seryoso ang mukha.

Usapan namin na ako ang unang magpapakita sa mga bantay kaya mas lalo akong naging excited pumatay at patayin ang hari.

Ilang minuto pa bago suminyas si Lito, kaya napangisi ako at tumayo. Lalabas na sana ako sa pinagtataguan namin, ngunit bigla nalang hinawakan ni Marco ang kamay ko.

"Mag iingat ka āmíçā mēà."

Tinago ko ang ngiting gustong kumawala sa labi ko.

"Aye aye captain." Sagot ko.

Tuluyan na akong lumabas at naglakad na parang dyosa, agad akong nakita ng apat na kawal na nagbabantay sa may tarangkahan kaya agad silang naging alerto kaya napangisi ako.

"Hi guys!! Gusto ko sanang makikain sa loob eh, Diba nga kaarawan ng hangal na hari ngayon."? Nakangising wika ko.

"Lapastangan!! Sino ka para tawagin ang hari na ganyan."!! Galit na sigaw sa akin ng isa, at tingin ko ito ang leader nila.

"Oh Will! Ako pala si Sata! Si satanas na susundo sa sakim nyong hari." Malamig na sambit ko at walang ano ano'y pinagbabaril silang apat.

Naglabasan na rin sila Marco kaya tumakbo ako papasok sa loob.

Nagulat ang lahat ng makita ako, lalo na't nakita din nila si Marco at ang iba pa sa likod ko. Napangisi ako na parang demonyo ng sabay-sabay na sumugod ang maraming kawal.

"Mga hangal!!! Tawagin lahat ng kawal at tapusin ang mga lapastangan na iyan." Rinig kong sigaw ng Isang matanda na kasama ang iba pang matatanda na parang mga sanggano. I think ito ang sinasabi nilang konseho.

Wala akong pinatawad at pinaputokan sa ulo ang mga sumugod sa akin. Naubusan ng bala ang gamit kong baril kaya sinuksok ko ito sa likod at kinuha ang samurai ko. Wala na akong oras mag lagay ng bala dahil sa napakaraming kalaban. Bawat kawal na susugod sa akin ay bumabagsak na Wala ng buhay.

"Shheh! May ibubuga din pala kayo." Wika ko habang nakikipag isparing sa isang kawal na may malaking katawan. Bawat hampas nya ng ispada ay sinasangga ko ito, gamit ang samurai ko. At habang nakikipaglaban hinanap ng mga mata ko si Julia at Lucia sa mga kababaihang nasuksuk sa isang gilid at nanginginig.

Tumiim ang bagang ko ng hindi ko sila makita. Mukhang napili sila ng demonyong hari ah.

"Sorry manong! Ngunit kailangan na kitang tapusin, dahil may hahanapin pa ako." I said at mabilis na umikot sa likod nya, at walang pasabi at hiniwa ang leeg nya. Tumalsik pa sa Mukha ko ang dugo, ngunit hindi ko na ito pinansin at tumakbo papunta sa loob ng kaharian. Nilingon ko sila Marco at nakikipaglaban na ang mga ito gamit ang ispada. Siguro wala ng Oras ang mga ito na magpalit ng bala, kaya mas pinili ang makipaglaban gamit ang ispada.

Pumasok ako sa loob ng malapad na paselyo at pinakinggan ang paligid. Hindi masyadong maririnig ang ingay sa labas dahil sa laki at haba ng paselyong tinatahak ko. Binuksan ko lahat ng kwartong madadaanan ko, baka sakaling makita sila Julia.

"M-maawa po kayo m-mahal na hari! W-wag po."

Napahinto ako sa paglalakad, at napatingin sa Isa pang paselyo. Dito galing ang ingay, kaya wala na akong sinayang na sandali at agad itong tinahak..

"Kabilang Mundo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon