part 12

165 20 10
                                    


AMIRA

Malapit na ako sa tarangkahan ng bigla nalang may yumakap sa akin mula sa likod.

"B-binibini, wag ka po'ng umalis. Gabi na at mapanganib sa daan."

Hinarap ko si Julia at nginitian ng tipid. Nakita ko din ang iba na malungkot na nakatingin sa akin, Isa na si inang Berta at Jonas.

Pinunasan ko ang luha ni Julia, dahil umiiyak ito.

"Gustohin ko mang manatili dito Julia, pero hindi pwede. Tama ang iba, panganib lang ang dala ko dito kaya dapat lang na umalis ako. Pero kahit Wala na ako dito, tutulungan parin kitang hanapin ang ate mo hmm." Malambing na sambit ko at pigil ang luha.

Mas lalong umiyak si Julia kaya kinabig ko ito at niyakap.

"Mag-iingat kayo palagi hmm, alam kong hindi pa ito ang huli nating pagkikita kaya palagi mong tandaan ang mga bilin ko." Dugtong ko at humilay sa yakapan namin.

"B-binibini."

"Shhh, here." Sambit ko at inabot sa kanya ang Isa sa samurai ko. Nanlaki ang mga mata nito at napaawang ang labi kaya ako na ang naglagay ng samurai sa kamay nya.

"Iyan lang ang maiiwan ko para maprotiktahan mo ang sarili mo pati si Jonas at inang Berta, Julia. Gusto kong iwan ang baril ko, ngunit dilikado ito dahil hindi nyo pa alam kung paano ito gamitin." Saad ko.

"Mauna na ako, dahil lumalalim na ang Gabi." Dugtong ko at tiningnan ang lahat bago tumalikod.

Nasasaktan ako sa di ko malamang dahilan. Subrang kirot ng puso ko lalo na ng madaanan ng mga mata ko ang lalaking nakatayo di kalayuan sa amin.

Pinilig ko ng ilang beses ang ulo at pumasok sa kagubatan. Ramdam ko ang panganib pag apak ko palang sa madilim na kakahuyan, ngunit wala akong makapang takot dahil mas nangingibaw ang sakit sa loob ko.

_____

MARCO (POV)

Mahigpit na nakakuyom ang aking kamao habang nakatingin sa babaeng papalayo. At sa mga Oras na'to, wala akong ibang gusto kundi saktan ang ama ni Brenda na ngayo'y nakangiti habang nakatingin sa papalayong bulto ng babae.

"H-hindi ko a-alam, hindi ko lubos maisip na sa lahat ng naitulong ni b-binibining Mira sa atin, ito pa ang isusukli natin."

"Para narin tayong kampon ng hari sa ginawa natin." Galit na asik ni Lucia.

Mas lalo akong kinain ng puot at galit sa mga taong nandito, dahil sa pag-iyak ni Julia at sa sinabi nya at ni Lucia.

"Nararapat lang sa kanya Julia na umalis dito! Dahil panganib lang ang dala nya sa atin." Malakas na wika ni Grigo. Ang duwag na ama ni Brenda.

Malaki ang malasakit ko sa mga taong nandito, dahil sila ang tumulong sa akin at ginawa akong pinuno ng hukbo. Ngunit sa mga Oras na'to gusto ko silang talikuran at sundan ang babaeng nakatali na ang tadhana sa akin. Alam kong napansin ni Mira ang asul na lubid sa pagitan namin noong nasa balon kami, patunay iyon na nakatali kami sa isat-isa.

"Ngayong wala na si binibining Mira ngayon Grigo, ipangako mong tutulong ka sa pag tatanggol sa mga taong hindi kayang lumaban dito kung sakaling lusubin ulit tayo." Malamig at walang emosyon kong wika. May plano ng nabuo sa isip ko, susundan ko si Mira at walang makakapigil sa akin nino man.

"Bilang Isang pinuno, hindi n'yo ginagalang ang disisyon ko.! Wala pa man akong sinasabi ngunit nauna na kayong mag disisyon sa pagpapaalis dito kay binibining Mira." Matigas na wika ko sa lahat.

"Ipangako nyong lahat sa nag paalis dito kay binibining Mira, na mapoprotiktahan nyo ang mga sarili ny___

Hindi ko natapos ang sasabihin dahil humahangos na dumating si inang Berta.

"Si J-jonas pinuno! W-wala sya sa Kubo namin. K-kasama ko lang sya kanina, ngunit bigla n-nalang syang nawala. Akala ko b-bumalik lang sya sa Kubo namin, ngunit wala akong n-nakitang Bata sa loob." Umiiyak na sambit ni inang kaya naalarma ako.

"Kumilos ang lahat at hanapin si Jonas sa paligid." Malakas na sigaw ko at agad ding kumilos.

"Julia! Ikaw na ang bahala kay inang Berta." Utos ko sa nakatulalang si Julia.

"Fucking hell." Malakas na mura ko sa isip, hindi ko isinatinig at baka may makarinig sa akin.

___&&&____

This is a short update!! And alam kong nagtataka kayo kung bakit nagmumura si Marco gamit ang salitang English, tapusin nyo po ang kwento at malalaman n'yo ang katotohanan at kababalaghan sa KABILANG MUNDO. Charr!😂😂

Sa lahat din ng mga silent readers ko Dyan, patikim naman ng boto nyo at comments oh....!😭

"Kabilang Mundo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon