part 35

175 23 13
                                    

MIRA

Nagising ako na wala na sa tabi ko si Marco. Dahandahan akong bumangon at hindi ko mapigilang ngumiwi dahil subrang sakit ng balakang ko.

Damn! Simula ngayon hindi ko na pagseselosin ang gurang, dahil baka sa susunod mapilay na talaga ako.

Pumasok ako sa banyo at nag toothbrush at naghilamos. Nang matapos ako ay lumapit ako sa malaking bintana dito sa hotel room ni Marco.

Maganda ang sikat ng araw at masarap sanang maligo sa mga Oras na ito. Kaso wala akong ibang dalang panligo at kung meron man baka ibalibag na ako ni pinunong Marco.

Tinaas ko ang aking kamay kung saan ang daliri ko na may suot na singsing. Napangiti ako dahil hindi ko aakalain na sa isang iglap lang ikakasal na ako.
At hindi ko lubos maisip na may magmamahal pa pala sa isang katulad ko na mamamatay tao.

Mas lalong sumilay ang ngiti ko ng may yumakap sa akin mula sa likod. Presinsya palang nito kilalang Kilala ko na.

"What are you thinking hmm."? Malambing na wika nito at pinong hinalikan ang leeg ko.

"Good morning." Bati ko at humarap sa kanya. Hindi parin nito binitawan ang beywang ko kaya humawak din ako sa beywang nito.

"Hindi lang ako makapaniwalang engaged na agad ako. Hindi ko kase lubos maisip na may magmamahal pa pala sa katulad kong mamamat___

Hindi nito pinatapos ang sasabihin ko dahil agad nitong siniil ng halik ang labi ko.

"Lahat ng ginawa mo baby may dahilan. Hindi ka hahantong sa paghihiganti kung hindi dahil sa ginawa sa buong pamilya mo ng mga taong isinangla na sa demonyo ang kaluluwa." He said ng maghiwalay ang mga labi namin.

Nangilid ang mga luha ko kaya yumakap ako sa kanya ng mahigpit.

"I love you pinuno ko." Malambing na wika ko.

"I love you too more than my life āmíçā mēà." Ganti nito kaya napangiti ako.

Matagal kaming natulog ni Marco kagabi pagkatapos naming, alam nyo na. Dahil nag kwentohan pa kami tungkol sa mga Buhay namin. May Kapatid pa pala si Marco at nasa Amerika ngayon nakatira kasama ang mommy nila. Ang daddy naman ni Marco ay nandito lang sa pilipinas at pinapatakbo ang iba nilang negosyo.

"Let's eat baby, dahil magsisimula na ang event ng mga employee ko mayamaya kaya dapat makababa na tayo."

Tumango ako ng inakay ako nito papunta sa couch. May dala pala itong tray kanina na puno ng pagkain.

Nang makaupo ako, nilingon ko ang mga sinira nito kagabi ngunit hindi ko na ito nakita. Siguro pinalinisan na nito habang tulog ako.

"I want to marry you baby this month, kaya sa Araw ng birthday ko ipapakilala kita sa publiko. Then mag pupukos agad ako sa paghahanda para sa kasal natin." Saad nito habang sinusubuan ako. May pagka sweet naman pala ito kahit para itong lion sa kama. Halos masira pa namin ang kama kagabi kung hindi ko ito sinuway.

"Masyado yatang maaga Marco. Alam na ba ito ng mga magulang mo.? Baka magulat sila na bigla kang ikakasal sa ibang babae imbis kay Annica." Sagot ko at uminom ng tubig.

"That's my decision and that's final. Ako ang makakalaban kung sino mang humadlang sa mga Plano kong pakasalan ka." Seryusong wika nito kaya napailing ako.

"Tapos na ako Marco at maliligo na muna ako."

Agad akong tumayo at pumunta sa Cr ng Hindi na nililibgon si Marco. Ngunit nagulat nalang ako ng nasa likod ko na ito at naghuhubad ng damit.

"Anong ginagawa mo."? Kunot noong tanong ko.

"Sasabay sayo, kailangang magtipid ng tubig baby dahil maraming mahihirap na mas nangangailangan ng tubig." Pang uuto nito kaya napairap ako.

Mang uuto pa eh.

______fast forward ______

Sabay kaming bumaba ni Marco at pumunta sa tabing dagat kung saan gaganapin ang event. Sinabi ko dito na hahanapin ko muna sina Bernadette, ngunit hindi ito pumayag. Hindi ko nga alam kung anong nangyari ng Kunin nito ang maleta ko sa hotel room ko eh.

Nakasuot ako ngayon ng sleeveless bohemian maxi dress na kulay sky blue.

Kaya ang gurang nagalit na naman ito kanina, ngunit sinabi kong hindi ako sasama at lalabas kung pagsusuotin nya ako ng pantalon. Kaya wala itong nagawa, ngunit pinatungan nito ng tuwalya ang balikat ko.

Apaka seloso my ged.

"Bakit magkasama kayo?! Hindi kaba talaga nahihiya slut huh.!! Engaged na ang lalaking kasama mo pero patuloy ka pa ring dumidikit sa fiance ko."!!! Malakas na sigaw ni Annica, kaya nakaagaw ito ng maraming atensyon.

Bigla nalang itong umiyak, kaya inalis ko lahat ng emosyon sa Mukha ko. Iniiwasan kong magalit dahil minsan hindi ko nakokontrol ang sarili ko. Ngunit malapit na akong masagad ng bruhang ito.

"Are you that stupid, idiot or dumb miss Valdez.? Sa tingin ko mas nakakaintindi pa ang grade one student sa inaasal mo.! Mahirap ba talagang ipa intindi sayo na umatras na ako sa engagement natin. O gusto mo pa talagang ikalat ko sa buong mundo ang kalandian mo." Seryusong wika ni Marco at nagpipigil na sumigaw.

May mga kumukuha ng video, kaya alam kong sisikat agad ang eksinang ito ano mang Oras.

Biglang humalakhak si Annica na parang baliw at pinunasan ang mga luha. Ngumisi ito sa akin na parang wala na sa tamang pag-iisip kaya tinaasan ko ito ng kilay.

"Dahil lang sa Isang muchacha! Squatter na katulad nang babaeng iyan babe nagkaka ganyan kana.!! Hindi kaba nahihiya na pinagpalit mo lang ang Isang mayaman at sikat na Modelo sa babaeng Isang kahig at Isang tukang iyan."!! Tumatawang asik nito kaya nagmumukha itong impakta na may walong sungay.

Lalapitan sana ito ni Marco kaya agad kong pinigilan ang braso nito. Namumuti na ang kamao nito dahil sa mariin na pagkakakuyom at halos marinig ko na ang pagtatagisan ng ngipin nito kaya baka masaktan pa nito si Annica ng Wala sa oras.

"Mas gugustuhin ko pang makasama ang mga taong iniinsulto mo Annica kay'sa sa katulad mong kulang sa disiplina at aruga. At Ikaw na ang nagsabi na mayaman ka diba! So baka may binibintang magandang ugali kaya bumili ka." Walang ganang wika ko.

"Bakit! Natamaan kaba sa sinabi ko huh. Look at yourself bitch! A gold digger! Slut, Mang aagaw."!

"FUCKING ENOUGH ANNICA."!!!

Halos mabingi ako sa malakas na sigaw ni Marco at halos lahat din ng nakikishismis ay napaatras.

"Insult her again! And I will fucking show you who really am I.!! Pinakikisamahan kita ng maayos dahil kababata kita at magkaibigan ang mga pamilya natin. Ngunit hindi ko palalampasin ang pang iinsulto mo sa fiancee ko." Malamig na saad ni Marco at hinapit ang beywang ko.

"W-what do you m-mean f-fiancee."? Nauutal na tanong ng bruha.

Inangat ko ang aking kamay at pinakita sa kanya ang daliri ko na may suot na singsing.

"Where engaged, kaya tumigil kana habang kaya ko pang pigilan ang sarili ko na patulan ka." Seryusong wika ko.

"M-magbabayad kayo!! T-tandaan n'yo y-yaaan"!!!! Malakas nitong sigaw at tumakbo paalis.

Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa likod ni Annica. Bakit ba kase Hindi ito makaintindi na ayaw na ni Marco na ituloy ang kasal nila. Sinabi ni Marco sa akin kagabi na arrange marriage lang sila ni Annica dahil magkababata sila at magkaibigan ang both sides nila. Sinabi din ni Marco na walang namamagitan sa kanila ni Annica at wala syang nararamdaman para dito.

nalaman din ni Marco na ilang beses ng nasangkot si Annica sa isang sex scandal ngunit pinagtatakpan lang ito ng ama kaya hindi lumalabas sa publiko ang video kaya mas lalong ayaw ng magpakasal ni Marco sito.

"Let's go baby." Marco said at marahan akong hinila sa beywang.





___&&&&&____

Ngayon lang nakaud ang author n'yo dahil umatend akits ng parents orientation ng anak ko para sa kanilang national learning camp.😊 Share ko lang😁😂

Enjoy, vote and comments para sa next chapter 😊 ❤️ 🥰  but to tell you the truth talaga readers, napapangiti ako kapag nababasa ang kuminto n'yo. Kaya nga inaabangan kong may mag comment bago ako magsulat ulit😂





"Kabilang Mundo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon