part 23

205 26 9
                                    


MIRA

Hindi natuloy ang pagpunta ko sa office ni sir Kael kahapon, dahil may urgent itong lakad. At kung nagkataon na s'ya nga si Marco, nasa panganib na ang Buhay ko.

"Marunong kaba talagang mag laba Amie? Hindi naman kase ganyan magkusot eh, ayan tuloy puro sugat na ang kamay mo."

Napangiwi ako sa sinabi ni Bernadette, kami kaseng dalawa ang nakatuka sa labahin eh. Kaya kung minamalas ka nga naman talaga, sa gawain pang hindi ako marunong nalagay.

Shit! Anong idadahilan ko.

"Ah kase naninibago lang siguro ako bern, ang huling napasukan ko kase ay taga linis ako." Nakangiwing wika ko.

Napatingin ako sa dalawang kamay ko na puro na sugat kaya mas lalo akong napangiwi.

"Ah ganun ba, Sige Ikaw nalang ang magsampay sa mga kurtina Amie, ako nalang ang magbabanlaw."

Nahihiya ako sa sarili ko. Simpleng trabaho lang hindi ko pa magawa ng maayos. Tanginaaa naman kaseng washing machine eh, kung saan ako pumasok Doon pa nasira.

"Okay lang Bern, pagtulungan nalang natin." Casual na wika ko.

"Oyy nakalimutan kong sabihin sayo. Baka biglang dumating ang fiancee ni sir Kael, naku Amie umiwas ka hanggat maari. Napakasilosa non at pinaglihi sa sama ng ugali, maganda ka pa naman kaya tiyak na pagdidiskitahan ka non."

Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Bernadette, ngunit agad din akong napahawak sa dibdib ng makaramdam ito ng kirot sa kadahilanang may fiancee na ang kamukha ni Marco.

"Wag nya lang akong subukan Bern dahil pumapatol ako kahit kanino basta alam kung nasa tama ako."

"Hayy naku Amie wag mo'ng subukan, dahil palagi iyong kinakampihan ni sir Kael. Lalo din at anak iyon ng governor kaya masyadong spoiled brat."

Bigla akong napangisi, hindi mo rin ako kilala Bernadette. Gusto kong isatinig ngunit maspinili kong tumahimik.

Ilang Oras ang nagdaan ng sa wakas natapos din kami ni Bernadette sa paglalaba. Sakto namang tanghalian na kami natapos kaya dumiritso na kami sa kusina. Naabutan namin ang iba na kumakain na, kaya pumiwisto narin kami ni Bernadette.

"Kumusta ang unang araw Amie, ayos lang ba.?"

Nilunok ko muna ang nasa bibig ko bago tumango kay nanay Ashang. Ngayon pa lang humihingi na ako ng tawad sa lahat na nandito lalo na kay nanay Ashang sa pagsisinungaling ko. It's part of my job to hide my identity and also my feeling.

"Mabuti naman kung ganun." Nakangiting wika ni nanay, kaya agad akong umiwas ng tingin.

Kailangan ko ng matapos ang mission ko sa lalong madaling panahon para agad akong makaalis dito. Pumasok sa isip ko ang isang kwarto nasa third floor. Nilibot kase ako ni nanay Ashang kahapon sa buong kabahayan, at tinuro nya ang kwartong iyon na mahigpit daw na ipinagbabawal ni sir Kael ang pumasok doon. So I guess nandon ang kasagutan sa mission ko. Hindi ako dapat magpa dalosdalos, kailangan kong kabisaduhin at tingnan ng maigi ang bawat sulok ng Bahay dahil baka may mga hidden camera'ng nakatago.

"Ayos ka lang ba Amie, bakit bigla Kang natulala dyan."?

Nabalik ako sa realidad ng marinig ang boses ni Leah.

Tabingi akong ngumiti at tumango bago sumubo ulit.

"Baka nag iisip kung paano akitin si sir Kael." Nakataas ang kilay na asik ni Jaira.

Hindi ako sumagot at pinagpatuloy lang ang pagkain. Hindi ako katulad ni Lara na mahaba ang pasinsya kaya iiwas ako bago pa ako makapatay ng kawawang katulong.

"Ay hindi nakasagot Jaira, mukhang Tama ang sinabi mo. Haystt! Hindi na ako magtataka Jai, mukha nya pa lang malandi na." Sabat ni tresha.

Napatiim bagang ako at marahas na ikinuyom ang kamao.

Binaba ko ang hawak kong kutsara at agad uminom ng tubig para pakalmahin ang sarili.

"Hindi ko kayo papatulan Jaira at tresha, ang maipapayo ko lang sa inyo tigilan nyo ang pambibintang sa akin kung alam nyo naman sa mga sarili nyo na kayo ang gumawa non." Seryusong saad ko.

Nakita kong parihong natigilan ang dalawa kaya napailing ako.

"Oh para akong natamaan ng kidlat." Pambubusko ni Susette kaya nag tawanan ang tatlong babae.

"Tumigil na kayo, tapusin nyo na ang pagkain." Sabat ni nanay Ashang.

Ramdam ko ang masamang tingin ng dalawa kaya napailing ako. Baka atakihin kayo sa puso girls kapag nalaman nyo kung gaano ako ka brutal pumatay. Naiiling na wika ko sa isip.

"Bakit ba palagi mo nalang akong iniitsapwera babe huh.!! Alam mo'ng importante sa akin ang event na iyon kaya bakit hindi ka dumating huh. Alam mo bang napahiya ako dahil sinabi ko sa kanila na pupunta ka sa interview ko."

Natahimik kaming lahat ng marinig ang mga boses sa labas. At gusto kong matawa dahil pati yata hininga ng mga kasama ko ay pinigilan nila.

"I'm fucking tired annica so stop bugging me.! Umalis kana bago ko makalimutang na babae ka."!

Pati ako napalunok sa malamig at malalim na boses ni sir Kael.

"I'm sorry babe, gusto lang naman kitang makasama eh. So please forgive me, I'm really sorry."

napairap ako sa biglaang paglambing ng boses ng babae. Parang kanina lang ay para itong dragon na gusto ng bumuga ng apoy ah.

Wala na kaming narinig sa labas, kaya mabilis na kumilos ang mga kasama ko at niligpit ang mga pinagkainan Namin.  Gusto kong matawa dahil mukhang may trauma ang mga ito sa fiancee ng amo namin.

Niligpit ko nalang din ang pinagkainan ko at nag hugas ng kamay. May nakatuka dito sa kusina kaya sinabi ni nanay Ashang na pwede na kaming magpahinga total tapos na ang trabaho namin.

Sumunod ako kay Leah at Susette ng Mauna silang lumabas. Ngunit nagtaka ako dahil napahinto silang dalawa at parang nakakita ng multo.

Tiningnan ko kung ano ang nakita nila kung bakit ganyan nalang ang reaction nila. Ngunit para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita. I know he's not Marco, pero bakit ganito ang reaction ng katawan ko.

Inalis ko ang lahat ng emosyon sa aking mukha ng tumigil sa paghahalikan ang dalawa ng dumapo ang mga mata ni Marco sa amin o mas tamang sabihin sa akin.

Nakaupo si Marco sa sofa habang nakabukakang nakaupo ang babae sa hita nya kaya mabilis nya kaming napansin.

Umiwas ako ng tingin at naunang naglakad kay sussette at Leah. Kahit si Marco at Kael ay iisa wala parin naman akong karapatan na makaramdam ng kahit ano dahil wala namang namamagitan sa amin ni Marco.


___&&&&___

Vote and comments kung gusto nyo ng next chapter 😂🥱 tinatamad ang otor nyo eh😂





















"Kabilang Mundo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon