part 21

158 19 6
                                    

MIRA

Pinagpapawisan ako habang sakay sa aking kotse papunta sa opesina ng chief commander namin.

Damn! Alam kong sasabunin ako nito, kaya hinanda ko na ang aking sarili. Tsk! Kararating ko pa lang sa bahay kanina, ng tumawag ang assistant ni chief commander na gusto akong makausap ng commander namin. We are under of NBI Philippines, ang kaso lang wala kaming mukha sa publiko kase nga secret agent kami. Ang nakakakilala lang sa amin ay ang mga kasamahan lang naming agent at ang nasa taas.

Humugot ako ng malalim na hininga ng marating ko ang Lugar na pakay ko.

Bumaba ako sa kotse at inayos ang aking itim na sumbrero, bago tuluyang pumasok sa loob.

"Welcome back agent Acid."

Tinanguan ko lang ang mga bumati sa akin. At nagpatuloy sa paglalakad habang walang mababakas na emosyon sa mukha. Ganito kami kapag nandito kami sa teritoryo ni commander.

Nang marating ko na ang opisina ni commander, agad itong binuksan ng assistant nya na mukhang kanina pa naghihintay sa akin.

"Welcome back agent Acid." He said, kaya tumango ako at pumasok na sa loob.

Naabutan ko si commander na may binabasa kaya bumati ako para maagaw ang atensyon nito.

"Good day sir, agent Acid reporting! Ahm gusto n'yo po daw akong makausap sir." Sambit ko.

Nag angat ito ng tingin sa akin, kaya muntik na akong mapaatras. Heck! He's intimidating aura is so damn scary. Sigaw ng isip ko. Tanginaaa! Kaya siguro ako nito pinatawag dahil sa mga baril na naiwala ko. Naiwala nga ba? Kontra ng isip ko kaya napailing ako.

"How are you feeling Acid? Humingi ako ng pasinsya sa pagkaka comatose mo."

"Ahm, Wala po kayong dapat e hingi ng pasinsya sir, it's a part of our job as well." Casual na sagot ko.

"Okay, at alam mo na siguro kong bakit kita pinatawag hmm." He said, kaya muntik na akong mapangiwi.

"Hindi ko e chacharge sayo ang mga baril na nakumpiska mo noong huling mission mo. But,"

Napalunok ako ng marahas sa but! Na sinabi ni sir.

"I know nasa stage kapa sa recovery ngayon sa pinsalang natamo mo. Ngunit alam mong bawat pagkakamali nyo ay may punishment kayong matatanggap."

Gusto kung umirap, ngunit hindi ko ginawa dahil imbis na magaan lang ang parusa ko baka madagdagan pa.

"So as your punishment, bibigyan kita ng maagang mission. Hindi na muna kita ilalagay sa bakbakan, dahil sa nangyari sayo noong huling mission mo." Dagdag nito.

"Kaya ang mission mo ngayon ay papasok kang katulong sa mansion ni Mr Villamore para mag manman, may nakalap kaming information na bumibili ng mga illegal na armas itong Villamore sa ibang bansa kaya iyon ang aalamin mo."

Tuluyan na akong napangiwi, puta! Noong pumasok din ako ng katulong para kumuha ng ebidinsya sa isang kilalang negosyante na palihim na nag pupuslit ng droga, muntik na akong makapatay. Muntik ko ng mapatay ang kasama kong katulong dahil sa pagiging sipsip nito at pagiging pakialamira at feeling amo. Kaya ayaw ko sa ganitong mission shit.

"Ahm, sir pwede nyo naman po akong ipadala sa mabibig___."

"As a punishment agent Acid, no more buts and do your job. Are we cleared." Seryusong saad nito kaya napaayos ako ng tayo at napatango ng wala sa Oras.

"Dismissed, ibibigay ng assistant ko ang mga papeles na gagamitin mo. Kailangan mong mag disguise at palitan ang pangalan mo, dahil masyado kang maganda para maging katulong."

Napangiwi ulit ako bago tumango at nagsalute bago lumabas. Naabutan ko si rechard sa labas ng pinto at inabot sa akin ang Isang envelope. Gusto kong mag dabog sa inis. Paking shit talaga! Alam naman siguro ng matandang iyon na kunti lang ang pasinsya ko.

Binati ulit ako ng iba ngunit hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy lang sa pag labas at agad pumasok sa aking kotse. Agad kong binuksan ang laman ng envelope at napangiwi ako ng makita ang Isang birth certificate.

"Amie Batongbakal! Puta! Mukhang nananadya talaga ang mukong na iyon ah." Asik ko at halos punitin na Ang papel na hawak ko.

"Hayst! Nakakainis talagang buhay 'to." Reklamo ko at mabilis na pinaharurot ang aking kotse. Kailangan kong magpatulong kay Lara sa disguise na gagamitin ko. Will ano bang alam ko sa mga ganong bagay, alam naman nila na sa mga baril at katana lang ako magaling.



___&&&&____


Vote and comments para ulit sa next chapter 😊❤️ kase nakakatamad po'ng mag ud kapag walang kahit boto man lang. Alam ko namang hindi kagandahan ang story ko, pero kase sa comments at vote n'yo lang ako kumakapit.😭😭







"Kabilang Mundo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon