part 7:

213 19 1
                                    


AMIRA (POV)

Pagkatapos naming maghapunan ay hinatid ako ni Lucia sa magiging kwarto ko. I mean namin pala ni Julia dahil magkatabi kaming matulog sa iisang papag.

Nandito ako ngayon sa burol kung saan ko nakita ang puno na sinabi ni Lucia na liway-liway ng pag-ibig daw. Hindi pa kase ako dinalaw ng antok dahil siguro namamahay ang mga mata ko.

Umupo ako sa malaking bato sa ilalim mismo ng puno at tumingala sa mga dahon nito.

"Your the most beautiful tree na Nakita ko sa buong buhay ko." Bulalas ko. Iwan ko ba kung bakit ni Isang dahon ng puno ay wala akong nakikita sa lupa na nahulog. Subrang linis ng lupa na akala mo ay winalisan ngayon-ngayon lang.

"Bakit gising ka pa binibini."?

Hindi ako nagulat sa lalaking biglang nagsalita sa likod ko. Naramdaman ko kase ang presinsya nito habang papalapit sa akin.

"Hindi pa kase ako dinadalaw ng antok." Tipid na sagot ko.

Umupo ito sa Isa pang bato malapit lang sa akin. Kaya naramdaman ko na Naman ang pagtibok ng mabilis ng puso ko.

"Alam mo bang hanggang ngayon hindi ko parin lubos maisip na napunta ako dito sa Lugar na'to." Pagbabasag ko sa katahimikan.

"Sa mundong pinanggalingan ko ay puro ingay nalang ng mga sasakyan ang maririnig mo. Ingay ng mga taong nagbibinta sa mga kanya-kanya nilang paninda, puro usok ng mga sasakyan, gulo at pangungurakot ng governo sa mga mamamayan. At simula ng mawala ang pamilya ko ngayon nalang ulit ako nakaramdam ng kapayapaan sa puso ko dahil sa puno'ng ito." Pagpapatuloy ko sa pagsasalita habang nakatingin parin sa mga dahon ng puno. Napangiti ako ng mapait ng pumasok na naman sa isip ko ang nangyari sa pamilya ko. Napabuntong hininga nalang ako bago tumingin sa katabi ko.

At para akong tinamaan ng kidlat, dahil nakatitig pala ito sa akin ng mariin. Gusto kong umiwas sa mga mata nito, ngunit tila may nagsasabi sa akin na wag umiwas.

Napakurap ako ng ilang beses ng may nahulog sa ulo ko. At Dumaan sa mismong Mukha ko ang Isang dahon kaya sinalo ko ito. Tumingala ako sa taas ng puno habang hawak parin ang dahon. Napangiti ako ng matamis dahil nagmistulang nyebe ang mga dahon ng puno.

"Ang Ganda." Bulalas ko at binuka ang mga palad para mas marami pang dahon ang masalo.

"Liway-liway ng pag-ibig."

Napatingin ako kay Marco, nakatingala din ito sa puno habang sinasabi ang pangalan ng puno. At Natauhan ako dahil naalala ko ang sinabi sa akin ni Lucia.

Agad akong tumayo at pinagpagan ang suot ko.

"Mauna na ako Marco." Saad ko at agad itong tinalikuran.

Ngunit hindi ko naramdaman ang galaw nito ng hawakan ako nito sa braso at kinabig sa kanya paharap. Napakurap ako ng ilang beses sa pinakitang kilos nito. Hindi Isang normal na mamamayan lang ang kayang gumalaw ng singbilis ng hangin. Katulad ng ginawa ni Marco, dahil ang kaya lang gumawa nito ay ang mga katulad kong may matagal ng karanasan sa pagsasanay.

"Bakit nakikita ko sa mga mata mo ang takot na mapalapit sa akin." Seryusong wika nito, kaya agad kong kinalas ang kamay nito at tumingin sa kanya ng seryuso.

"Dahil ayaw kong mapalapit sa kahit sinong nandito! Dahil darating ang araw o ano mang Oras ay mawawala Ako dito." Seryusong sagot ko at tuluyan itong iniwan.

Kailangan kong makahanap agad ng paraan para makabalik sa aking pinanggalingan. Bago pa ako mapamahal sa mundong ito at sa mga taong nandito.

Pagdating ko sa harap ng pinto ng kubo na tutuluyan ko ay nilingon ko pa ng Isang beses ang puno. Tumigil na sa pagkahulog ang mga dahon nito kaya napailing ako at tuluyang pumasok sa kubo.

______

Kinabukasan ay nagising ako na ako nalang ang nandito sa loob ng Kubo. Sa tansya ko ay alas sais pa lang ng umaga.

"Ang aga namang gumising ng mga tao dito." Bulalas ko at dahandahang bumangon habang humihikab.

Kinapa ko muna ang gilid ng aking mga mata dahil baka may morning glory pa ako. Bago ko cheneck ang pinaglagyan ko ng mga gamit ko. At nang makitang kumplito naman ito ay  nagtungo na ako sa pinto para lumabas.

Nakita ko ang ibang taga rito na may kanya-kanyang mga ginagawa. Hinanap ng mga mata ko si Julia at agad ko naman itong nakita na nagpapakain ng mga manok.

"Magandang umaga binibini! Maganda po ba ang tulog nyo kagabi."

Ngumiti ako kay Julia bago tumango. Simula ng dumating ako dito, kutang-kota na ang sarili ko sa pag ngiti. Samantalang noon wala kahit ni sino man ang nakakakita sa ngiti ko. Maliban pala kay Gabriella na palaging nakikita ang ngisi ko.

"Tanong ko lang Julia, ano palang ginagawa nyo doon sa Lugar na muntik ka nang makuha ng mga kawal ng hari."? Tanong ko habang tinutulungan itong maglagay ng mga balat ng gulay sa mga manok.

"Araw-araw po kaming napaparoon binibini para magbinta ng mga gulay at manok. At para narin po makakalap ng balita sa kalakalan ng hari." Malungkot na sagot ni Julia sa akin.

"Pero bakit nyo pa ginagawa yun kung alam nyong mapapahamak kayo." Kunot noong tanong ko.

"Dahil kailangan namin ng sapat na tanso para makapag pagawa ng maraming spada binibining Mira.! At kung hindi mo mamasamain! Hindi ka na dapat nagtatanong pa kung ano-ano dahil dayo ka lang sa mundong ito."!

Nilingon ko ang nagsalita at kinunutan ito ng noo.

"Mali yata ang sinabi mong wag akong mag tanong Brenda.! Alam mo kung bakit.? Dahil Isang dalagita at Isang bata ang pinapunta nyo doon, samantalang pwede namang Ikaw."! Mataray na wika ko. Wag lang magkamali ang babaeng ito na kalabanin ako. Dahil baka baliin ko lahat ng buto nito.

"Lapastangan! Anak ako ng maharlika kaya dapat kang gumalang sa akin."!

Nginaaaaa ng babaeng ito, halos hindi ko nga galangin ang vice commander Namin sya pa kaya.



_____&&&&&




Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰❤️



"Kabilang Mundo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon