part 22

186 20 10
                                    


MIRA

Nandito na ako ngayon sa harap ng malaking gate ni Mr Villamore, suot ang disguise kong pang manang. Mahabang palda na halos umabot na sa talamapakan ko, pinarisan pa ng maluwag na t-shirt, malaking salamin sa mata at pekeng braces. Bitbit ko rin ang may kalakihang lumang traveling bag na nag lalaman ng mga damit ko.

Nag door bell ako ng dalawang beses, at laking pasasalamat ko ng bumukas ang malaking gate at niluwa ang may katandaan ng babae.

"Anong atin ining."?

"Ah ako po si Amie Batongbakal, ang katulong na pinadala ng agency." Nakangiting wika ko, ramdam kong mabait ang matanda kaya dapat lang na maging magalang ako.

"Ayy oo! Naku pumasok ka ining pasok, Ikaw pala ang pinadala ng agency. Naku! Umalis na kase ang Isang katulong dito kase nabuntis ng Isa sa taohan ni sir Kael, kaya ayon tumawag ako sa agency para kumuha ng kapalit nya. At mukhang mabait ka naman at sanay sa trabaho." Madaldal na sambit nito sa akin, napangiwi ako sa salitang mabait. Kung alam lang ng matandang ito na anak ako ni Lucifer, iwan ko nalang.

"Ayy nakalimutan ko palang magpakilala ining, ako pala si Ashang, tawagin mo nalang akong Nanay Ashang. Ako ang mayordoma dito, at patagal ng katulong ng mga Villamore."

"Nagagalak ko po kayong makilala Nanay Ashang." Mahinhin na wika ko kaya gusto kong palakpakan ang aking sarili.

"Oh halikana at ihahatid natin ang mga gamit mo sa magiging kwarto mo. Para paglabas ni sir Kael, ipapakilala kita sa kanya." Nanay Ashang said, kaya tumango ako.

Habang naglalakad nilibot ko ang aking paningin, mukhang hindi pipitsugin ang mamanmanan ko ah, sa laki ng mansion nito alam kong maraming nakatagong mga hidden camera. Kaya kailangan kong maging maingat.

Pagpasok namin sa loob ng mansion, muntik na akong mapanganga sa Ganda ng interior design. Wooh, it's look like you enter a palace. Subrang Ganda ng loob at mukhang mamahalin lahat ng gamit.

"Ito ang dinning room Amie." Turo ni Nanay Ashang sa malaking pinto.

Narating namin ang Isa pang malaking pinto malapit sa kusina, kaya binuksan ito ni Nanay Ashang at tumambad sa akin ang mahabang hallway at puro kwarto ang magkabilang gilid. Binilang ko ang mga pinto at nasa walo ang kwarto dito. Ang rich nemen pele.

Nagsimulang maglakad si Nanay Ashang kaya sumunod ako.

"Ito ang magiging kwarto mo Amie." Nanay Ashang said at binuksan ang Isang pinto. Tumambad sa akin ang di kalakihang kama, maliit na lamesa, di kalakihang kabinet at Isang electric pan. May Isa pang pinto akong nakita at mukhang ito ang cr.

"Mamaya mo na ayusin ang gamit mo Amie, dahil baka nagugutom kana. At para mapakilala na din kita sa mga Kasama nating katulong."

Ngumiti ako kay Nanay Ashang at binaba ang aking bag at agad sumunod sa kanya palabas.

"Paalala ko lang sa iyo Amie, wag kang gagawa ng bagay na ikapapahamak mo." Seryusong saad ni Nanay Ashang, kaya muntik na akong mapairap.

Binuksan ni Nanay Ashang ang malaking pinto kaya tumambad sa akin ang malawak ng dinning area. Nakita ko din ang anim na mga babae na kumakain. Nakita ko ang pagtaas ng kilay ng dalawa at ngumiti naman sa akin ang apat. Hmm, mukhang alam ko na kung sino ang iiwasan ko, iiwas ako dahil baka tuluyan na tlaga akong makapatay ng kasambahay.

"Oyyy, ang Ganda mo! Ikaw ba ang kapalit ni Inday."

Ngumiti ako sa nagsalita at tumango. Gusto kong matawa dahil natulala ito, may pagka boyish kase ito.

"Ohh sya, ito pala si Amie ang kapalit ni Inday, magpakilala kayo sa kanya." Nanay Ashang said.

"Oyy hi, ako pala si Leah." Unang nagpakilala ang may pagka boyish.

"Ako naman si Bernadette, kanagagalak kitang makilala Amie." Nakangiting wika sa akin ni Bernadette kaya nginitian ko din ito ganun din si leah.

"Ako naman si Susette Amie."

"Adelyn here, nice to meet you Amie."

"Nice to meet you too." Mahinhin na sagot ko, syempre dapat maria Clara ang peg para hindi nila mahalata ang pakay ko.

"Jaira." Wika ng jaira ang pangalan at umirap.

"Tresha." Irap din ng Isa kaya matamis ko silang nginitian.

"Nice to meet you all." Malumanay na wika ko.

"Oh sya, Kumain na tayo. Ano mang Oras ay baba na si sir Kael." Nanay Ashang said kaya nag sitanguan ang lahat.

"Dito ka nalang Amie." Saad ni Leah na may pagka boyish kung gumalaw. Ngumiti ako lumapit sa upuang tinuro nya.

"Gusto lang naming ipaalala sayo Amie, na bawal ang malandi dito. Baka kase kapag nakita mo si sir Kael ay bigla ka nalang kumiringking."

Napatikawas ang kilay ko sa sinabi ni tresha. Mukhang sa nakikita ko sa kanya sya ang may hilig kumiringking.

"Tumigil ka nga tresha, Ikaw lang naman ang lantarang nagpapa pansin Kay sir Kael ah. Tapos ipapahid mo sa iba." Malditang sambit ni Bernadette kaya muntik na akong matawa.

"Anong sab___"

Hindi natuloy ni tresha ang sasabihin ng biglang sumabat si Nanay Ashang.

"Tumigil na kayo! Nasa harap kayo ng hapag kainan kaya respituhin nyo ang pagkain." Seryusong wika ni Nanay kaya napaayos ako ng upo, hmm para kase itong terror na professor sa unibersidad.

Napailing nalang ako at nilagyan ng pagkain ang plato ko.

Ilang subo pa lang ang nagagawa ko ng bumukas ulit ang pinto ng dinning room. Hindi ko nakita ang pumasok dahil biglang nagtayuan ang mga kasamahan ko at yumuko. Hindi ako gumalaw, at natauhan lang ako ng kinalabit ako ni Leah at sininyas na tumayo.

Tumayo ako kaya nakita ko ang malaking bulto ng lalaki na nagbukas ng ref at nilagyan ang basong hawak nya ng tubig.

"Manang pakikuha nalang po ng pinagkainan ko sa taas." Malalim at malamig na wika nito habang nakatalikod parin sa amin. Teka, bakit parang narinig ko na ang boses nito.

"Ah opo sir, at tyaka po pala sir. Nandito na po ang kapalit ni Inday, si Amie Batongbakal po ang pinadala ng agency." Nanay Ashang said.

Binaba ng lalaki ang basong hawak nya sa lababo at dahandahang tumingin sa gawin namin.

Tumama ang malamig nitong titig sa akin, kaya ganun nalang din ang paninigas ko ng masilayan ang mukha nito, muntik pa akong mapaatras ng tumaas ang isang kilay nito. Ramdam ko ang panginginig ng aking kalamnan at pagrarabulan ng sikmura ko na parang may mga paro-parong nagliparan. Fuck! I saw him again, ang kamukhang kamukha ni Marco. And a big YES, hindi ito si Marco at dapat ko iyong itatak sa isip ko. Sa pangalan pa lang nila na magkaiba alam kong hindi sila iisa.

"Amie Batongbakal huh." Malamig  na Sambit nito sa pekeng pangalan ko, ngunit nakataas ng kunti ang labi na tila nasisiyahan sa pangalan ko.

"Continue eating ladies. And you Amie Batongbakal! I want to talk to you in my office." He coldly said at naglakad papunta sa pinto, ngunit ng malapit na ito sa akin ay nakita ko ang pag ngisi nito, kaya naitulos ako. Bakit feeling ko ay kilala ako nito. Alam kong hindi ito si Marco, imposible.!

___&&&&____

Don't forget to Vote and comments para sa next chapter 😊❤️🥰



"Kabilang Mundo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon