part 39

183 22 12
                                    

MIRA

Katatapos ko lang magbihis at pababa na ako sa hagdan ng masalubong ko si grandpa.

"Where are you going sweetie."?

"Pupunta lang po ako sa mall Grandpa para bumili ng ireregalo kay Marco mamaya. Wala akong maisip na iregalo eh kaya maghahanap nalang muna ako sa mall." Sagot ko.

"Okay take care sweetie." Grandpa said, lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa pisngi at nagpaalam.

Hindi kami natuloy ni Marco sa pagpunta sa Bahay ko noong nakaraan, dahil hindi pumayag si grandpa. Dahil hindi nito gusto ang idiya na magsasama kami ni Marco sa iisang bubong na hindi pa kasal. Kaya ang ending tigang ang gurang ng ilang Araw.

Dumadalaw naman ito dito araw-araw, at pagkatapos ng trabaho nya. Ngunit kwentohan lang ang nagagawa namin at nakaw na halik. Dahil dyos ko, napaka OA ni grandpa eh ilang beses na nga kaming nag chukchakan ni Marco eh.

"Hey dad good morning." Bati ko kay daddy ng mabungaran ko ito sa labas ng Bahay na nagmamasid sa fountain.

"Oh hi princess good morning too. May lakad ka ba."?

"Yes dad, mamaya na ang birthday party ni Marco, kaya bibili ako ng pang regalo sa kanya."

"Oh okay, just take care sweetie hmm."

Tumango ako kay daddy at hinalikan ito sa pisngi at nagpaalam.

Nang marating ko ang parking lot, naghihintay na sa akin si Roven at agad akong pinagbuksan.

"To the nearest mall tayo Roven." Saad ko at kinuha ang cellphone ko ng tumunog ito.

"Hmm."? Malambing na sagot ko. Katatawag lang nito kanina, at tawag din nito ang nagpagising sa akin.

"I miss you baby." Paos sa saad nito kaya napailing ako kasabay ng pagsilay ng ngiti sa aking labi.

"Kada tawag mo aking pinuno 'yan lagi ang bungad mo." Mapang asar na wika ko.

"Kase naman baby, sabihin nalang kaya natin na ilang beses ng may nangyari sa atin sa grandpa mo." Reklamo nito kaya umikot ang eyeballs ko. Sinong baliw ang sasabihin sa strektong Lolo ang ganun.

"Tumigil ka nga pinuno ko, magkikita naman tayo mamaya kaya sulitin nalang natin."

"Ahg, mabigat na ang kargada ko baby."

"Hhm, Sige na nandito na kami sa Mall. See you later, I love you." Malambing na paalam ko.

Hindi ko na narinig ang sinabi nito dahil agad kong pinatay ang tawag. Nandito na kase kami sa parking lot ng mall at hahaba lang din ang usapan namin at puro reklamo lang naman ang maririnig ko.

Unang bumaba si butler Roven at pinagbuksan ako. At habang papasok sa mall ramdam kong may nakatitig sa akin o mas tamang sabihin nagmamasid.

Hindi ako nag tangkang lingunin kung saan ito at nanatiling kalmado. Sanay na ako sa ganitong bagay.

"There is someone spying on us lady Amira." Seryusong alarma sa akin ng katabi.

"Just act like you don't feel their presence butler Roven." Walang pakialam na saad ko.

Pumasok kami sa kilalang boutique ng men's section. Lalapit na sana ako sa may counter kung saan ang mga mamahaling relo, ngunit napahinto ako ng makita ang stepmother ni Marco at ang linta. Masaya silang pumipili ng relo, kaya nagkibit balikat ako at pumunta nalang kung saan naka display ang mga necktie.

Nakasunod parin sa akin si Roven at nagmamasid sa paligid.

"Maganda ba ito Roven."? Wika ko at tinuro sa katabi ang kulay maroon na necktie.

"Kabilang Mundo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon