part 41

250 27 19
                                    

MIRA

Marahas akong napaungol dahil sa sakit na nararamdaman ng katawan ko. Feeling ko binugbog ako ng ilang beses dahil sa panghihina.

Pumasok sa isip ko ang mga nangyari kaya agad kong minulat ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang puting kesame at ang swerong nakakabit sa kamay ko.

What the hell happened.?

Napakurap ako ng pumasok sa isip ko ang mukha ng Isang tao na naliligo ng dugo.

Nilibot ko ang paningin at babangon na sana ngunit napaungot ako dahil parang paralisado ang buong katawan ko.

"Mabuti at gising kana sweetie."

Naluluhang tumingin ako kay daddy. Bakas ang lungkot sa mga mata nito, kaya hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng aking luha.

"H-how's butler Roven, d-daddy? Is he okay hmm."?

"Shh, stop crying sweetie. Magiging okay din ang lahat." Pag-aalo ni daddy sa akin.

"W-where is he dad? And where is Marco? Is he okay too hmm.? Gusto ko syang makita daddy."

Biglang umiwas ng tingin si daddy sa akin kaya nilikub Ako ng matinding takot.

"D-daddy."? Patanong na tawag ko, pero hindi ako nito magawang tingnan.

Marahas na bumukas ang pinto at pumasok si grandpa dala ang nakakatakot na awra.

"Mabuti at gising kana iha."

Napalunok ako dahil ni minsan hindi ako nito tinawag na ganun..

"Bakit hindi mo sinabi na natamaan ka pala ng wakisazhi huh?! Alam mo kung gaaano kadilakado ang patalim na iyon.! Mabuti nalang at sanay ang katawan mo sa matinding insayo dahil kung hindi! Hindi na sana nakayanan ng katawan mo ang ikalawang pagkakataon na malason ka."! Mariin na asik sa akin ni grandpa at pigil na sigawan ako.

Napayuko ako at kinuyom ng mahigpit ang kamao. Nawala ako sa fucos kaya nangyari lahat ito. Napakaraming bantay sa mansion ni Marco ngunit nagawa paring makapasok ng mga binayaran ni Annica na guluhin at gumawa ng kaguluhan sa birthday party ni Marco. Hindi ito mangyayari lahat kung hindi sana pumayag ang stepmother ni Marco na makisali si Annica sa event.

"W-where's M--arco dad, Grandpa.? Si butler Roven okay lang ba sya hmm? Tatlong bala ang tumama sa kanya Diba."? Pumipiyok na ulit kong tanong.

Lumapit sa akin si grandpa at umupo sa kama ko.

"Please calm down sweetie." Malambing na saad ni grandpa sa akin. Pero paano ako kakalma kung hindi nila sinasagot ang tanong ko.

"Sabihin mo grandpa! Paano ako kakalma kung hindi nyo sinasagot ang tanong ko huh." Mariin na sambit ko. I need to know everything, hindi ako mapapalagay kapag hindi nalaman ang mga nangyari sa party bago ako nawalan ng malay.

"Idiniklarang comatose si butler Roven sweetie pagkatapos makuha ang mga bala sa katawan nya. Alam nating malakas sya sweetie at lalaban, kaya kumalma ka hmm. Pinaalam na din sa amin ng doctor na maayos na ang vitals nya." Si daddy ang sumagot.

Para akong nabunutan ng tinik, ngunit agad din bumalik ang kaba ng biglang kumuyom ang kamao ni daddy at walang buhay na tumingin sa kawalan.

"But Marco is in jail princess."

Kumunot ang noo ko dahil ano Naman ang gagawin ni Marco Doon or else dadalawin.

"Anong ginagawa nya don dad? Sa pagkakaalam ko wala naman syang relatives na nakulong? O-or u-unless."?

"Yes sweetie, kinulong si Kael dahil sa tatlong bisita nya na namatay dahil sa lason."

Para akong sinuntok sa sikmura dahil sa sinabi ni daddy. Nanlamig ako kasamabay ng paggapang ng matinding galit sa buong kalamnan ko.

Pilit n'yo talagang ginigising ang demonyong natutulog sa loob ko Valdez.

Inalis ko lahat ng emosyon sa Mukha ko at dahandahang bumangon. Pinigilan ako ni grandpa ngunit hindi ako nagpapigil.

"Just fucking calm down Amira! Isusugal mo na naman ba ang Buhay ng anak mo.! Hindi paba sapat sayo na malason ka ng dalawang beses huh habang nasa sinanapupunan ang anak n'yo huh.! Hindi ako pumayag na magsama kayo ni Kael habang hindi pa kasal. Ngunit nakabuo na pala kayo ng hindi namin namamalayan." Seryusong wika ni grandpa.

Para akong tinuklaw ng ahas sa narinig.

"I a-am p-pregnant."? Hindi makapaniwalang tanong ko.

" Yes, your one week pregnant sweetie at mabuti nalang mahigpit ang kapit ng Bata kaya walang nangyari sa pinagbubuntis mo ngunit kailangan ka paring obserbahan ng ob."

Singit ni daddy kaya nanigas ako. Napakurap ako ng ilang beses at parang binuhusan ng malamig na tubig. Buntis ako at dalawang beses nalason.

Napahawak ako sa aking impis na tiyan, kasabay ng pagbuhos ng mga luha ko.

"Really? I am pregnant.?" Nakangiting wika ko habang walang humpay ang pagbuhos ng luha. "Nakabuo na kami ni Marco, nagbunga ng anghel ang pagmamahalan namin." Nakangiting bulalas ko. Ngunit agad nawala ang ngiti ko ng maalala ang kalagayan ng ama anak ko.

"Kumusta si Marco grandpa? Sino ang humawak sa kaso nya? Gusto kong malaman lahat ng detalye Grandpa." Malamig na wika ko habang walang mababakas na emosyon sa aking mga mata.

"Tatlong pamilya ang nagsampa ng kaso kay Kael iha. Ang pamilya ng mga namatay. Hinuli si Kael kahit kadidischarge lang nya sa hospital dahil sa daplis ng bala. Limang Araw kang walang malay at hindi ka rin nya Nakita dahil agad syang hinuli."

Mas lalo akong kinain ng galit at sa mga Oras na ito wala akong ibang gustong gawin kung hindi patayin ng brutal si Annica.

"Give me all the details and information about sa case ni Marco grandpa. Ako ang hahawak sa kaso nya." Walang buhay kong wika. Hindi lang ako Isang simpleng agent dahil natapos ko ang kursong law sa ibang bansa at ilang beses ng nakatanggap ng parangal. At hindi man sa pagmamayabang. Isa ako sa pinakamagaling na abogado sa buong bansa kahit limang kaso pa lang ang naipanalo ko bago ako bumalik dito sa pilipinas.

"Na gathered ko na lahat ng ibidensya iha, may humawak na sa kaso ni Kael Ngunit wala akong tiwala sa abogadong nakuha ni Marion kaya hindi ko binigay sa kanya ang hawak ko at hinintay na magising ka." Malamig na saad ni grandpa.

"Please let me do all the works grandpa and daddy. Ipapangako kong mag-iingat ako, lalo pa't may anghel sa tiyan ko. Kilala mo ako grandpa."

Napabuntong hininga si grandpa bago tumingin kay daddy.

"Pinilit kong mabuhay para makasama kapa ng matagal anak. hahayaan kita sa gusto mo Basta ipapangako mo'ng mag-iingat ka."

Tumango ako at sinabi sa kanila na gusto kong makita si butler Roven. Hindi ko na naman mapigilang maiyak ng maalala ang kagitingan nito para sa pamilya namin, hinarang nito ang sarili para kay daddy. Kaya hindi ko hahayaang mabuhay ang gumawa nito sa kanya. Ito na ang tumayong pangalawang ama sa akin, dahil Isa ito sa nagsanay sa akin na matutong makipaglaban.

And I promise this is the last time na brutal akong papatay.



___&&&&&____


Enjoy reading!! And please boto Naman talaga kayo at comments na din pang motivation lang😊🥰🥰 lab yo all.











"Kabilang Mundo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon