chapter 1

297 18 0
                                    

AMIRA (POV)



Shit, Ang sakit ng katawan ko. Arhhhg akala ko ba patay na ako bakit nakakaramdam parin ako ng sakit sa katawan.

Kinurot ko ang aking braso, at napangiwi ako dahil sa sakit. Buhay pa pala ako pero bakit wala akong makita.

Tinanggal ko ang seatbelt na suot ko at kinapkapan ang dashboard para hanapin ang cellphone ko. At ng makuha ko na ito, agad ko itong binuksan para e turn on ang flashlight.

Nang maturn on ko na ang flashlight inilawan ko ang katawan ko. Kung may sugat ba ako, at sa awa ng dyos Wala naman akong natamong sugat. Masakit lang talaga ang katawan ko dahil sa bogbog sa paulit-ulit na pag gulung ng kotse ko.

Binuksan ko ang pinto para tingnan kung nasaan ako, mukhang nasa loob ako ng nabiyak na lupa at naging bangin. Dahil may nakikita akong maliit na liwanag sa taas.

"The hell, where am I."?

Napakadilim dito at tanging ang maliit lang na liwanag sa taas ang makikita mo.

Inilawan ko ang paligid kung may madadaanan ba, at ng may nakita ako.

Pumasok ako ulit sa loob ng kotse, para paandarin ito. Ngunit ganun nalang ang inis ko ng hindi na ito umandar.

"Great just great. Hindi nga ako namatay tinamaan naman ako ng malas arhhhg. Wala na akong ibang choice kundi iwan dito ang kotse ko at maghanap ng pwedeng tutulong sa akin." Kausap ko sa sarili ko na parang baliw.

Bumaba ulit ako at pumunta sa likod, para kumuha ng protection. Malay mo may mga mababangis na hayop dito. O cannibal ba,! Mabuti ng handa kay sa kainin ng walang kalaban-laban.

Kinuha ko ang lagayan ng sniper rifle ko at kinabit sa braso. Kumuha din ako ng dalawang baril at nilagay sa likod ng pantalon ko. Kinuha ko rin ang dalawang samurai at ang flashlight na nakita ko.

"I am now Dora de explorer. Ang kaibahan lang namin ay mukhang sasabak ako sa gira."

Nilock ko muna ang kotse ko bago nag simulang mag lakad. Iiwan ko muna ito dito, dahil hahanap ako ng pwedeng tumulong na hilain ito.

Kailangan ko ng makabalik agad, dahil baka e charge lahat sa akin ang mga dala kung baril at bomba. Siguradong mamumulubi ako pag nagkataon. Dahil billiones ang halaga ng mga baril na dala ko.

"Fuck!! Napamura ako ng may makita akong malaking ahas.

Wag lang itong magkakamaling tuklawin ako, dahil siguradong hihiwalay ang ulo nito sa katawan.

Naglakad lang ako ng naglakad, dahil Wala parin akong nakikitang pwede kong labasan.

Ahhhrg. Ang sakit pa naman ng katawan ko.

Mag iisang Oras na akong naglalakad, bago ko nakita ang maliit na liwanag sa di kalayuan kaya halos takbuhin ko na ito.

Nang marating ko ang bukana ng bangin na kiruruonan ko ay sumuot ako sa makapal na damo na nakaharang dito.

Nakahinga ako ng maayos ng makalabas na ako, at ganun nalang ang pagningning ng mga mata ko dahil sa tanawin na nasa harap ko.

"Wow! This is paradise." Bulalas ko, dahil sa napakalinis na karagatan at white sand pa.

Dito nalang kaya ako tumira. Pero paano naman ako mabubuhay dito, eh hindi ako marunong magluto ng kakainin ko. Siguro pag nag-asawa nalang ako ganern. Dadalhin ko sila dito.

Hmm, good idea. Sa ngayon hahanap Muna ako ng pwedeng tumulong sa akin.

Nagsimula na ulit akong mag lakad. At habang naglalakad nakarinig ako ng kaluskos.

Pinakiramdaman ko ang paligid, at Ramadan kong hindi ito tao.

Kinuha ko ang isang baril ko na may silencer at kinasa.

Hindi ako lumingon at tinutok lang Ang baril ko sa likod. "Got you." Bulalas ko at nilingon ang lubong Wala ng buhay.

Lumapit ako dito at napailing. "Hindi n'yo ako masisindak, dahil useless lang ang pinag-aralan ko ng eighteen years sa pakikipag laban at pag gamit ng armas kung hindi ko kayo maramdaman.

Hindi ko rin alam kung saan ko nakuha ang kakayahang marinig na parang bumulong ang hangin na may panganib.

Simula ng araw na mawala ang mga mahal ko sa buhay. Doon din nag simula ang pakiramdam na'to.

Pero kakaiba kanina ng may babaeng bigla nalang sumulpot sa gitna ng daan. Yun talaga ang ipinagtataka ko kung saan ito galing at hindi ko rin naramdaman ang panganib na darating sa akin kanina.

Ang alam ko,! hindi ko naman nasagasaan ang matanda, dahil nakailag agad ako.

Umupo muna ako sa malaking bato na nakita ko, dahil kanina pa ako napapagod sa paglalakad.

Mag tatatlong Oras na pero wala parin akong nakitang kabahayan dito.

Saan ba banda sa pilipinas ang lugar na'to.? Pero mukhang walang nagagawi dito, dahil may mga mababangis na hayop kagaya ng lobo.

Tumunog ang tiyan ko kaya napangiwi ako. Kinuha ko ang aking cellphone para tumingin sa Oras .

Kumunot ang noo ko, dahil six am, palang ang Oras sa cellphone ko. Pero tanghali na sa lugar na kinaruroonan ko.

Anyari,? Baka nasira ang cellphone ko sa pagbagsak kanina. Wala rin namang silbi ang cellphone ko dito dahil kahit isang bar wala itong signal.

"Hayst, I should keep going. Baka gabihin ako at hindi lang isang lobo ang makasalamuha ko kung nagkaganun.


____&
Pasinsyahan nyo na ang bibig ni Amira na Palamura.😁😁



Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰








"Kabilang Mundo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon