part 17

193 26 14
                                    

MIRA

Napangiwi ako ng kumirot na naman ang gitnang bahagi ng mga hita ko. Nginaa! Naman kase, bakit ba ang laki ng alaga ni tatang Marco. Namula ako ng maalala ko ang nangyari kagabi, puta! Hindi lang mukha ni Marco ang gwapo, kundi pati ang katawan nya. Nyemaass, ang walong pandesal nya, v-line, namumukol na muscles at ang mal___"

"Okay ka lang ba aking binibini? Masama ba ang pakiramdam mo? Masakit pa ba ang nasa pagitan ng mga hita mo."?

Mas lalo akong namula sa tanong ni Marco. Naglalakbay na kami ngayon papunta sa kaharian ng hari, at magkatabi kami dito sa kariton. Si Lindon naman ang nagpapatakbo ng kabayo.

"A-ayos lang ako, ah-m medyo hindi na masakit dahil uminom ako kanina ng painkiller, ang ibig kung sabihin ay gamot galing sa mundo ko." Sambit ko, totoo naman uminom ako ng painkiller na galing sa med kit ko. Ngunit masakit parin talaga, Ikaw ba naman ang ararohin ng malaking batota.

Napatingin ako sa mga kahon na nasa harap namin ni Marco. Mga katana, bomba, baril at iba pang sandata ang laman nito. Nakasunod din sa amin ang ibang taga bayan na may malaking Galit sa hari. At si inang Berta naman at si Jonas kasama ang dalawang ginang ay iniwan namin sa kweba.

Napatigil ako sa iniisip ng biglang kinuha ni Marco ang kanang kamay ko. Napakurap ako ng ilang beses ng sinuot nito sa pulsohan ko ang Isang itim na bracelet at may maliit na gold bar sa gitna na may naka engraved na initial.

Napatingin ako kay Marco at balik naman sa bracelet na sinuot nya sa akin. Kumunot ang noo ko at pabalik balik ang tingin sa bracelet at sa kanya.

"Para saan 'to Marco,? At ah-m uso na pala dito ang ganitong bracelet.?" Naguguluhang tanong ko, ngunit sa loob ko ay natutuwa ako. Hinaplos ko ang letter na naka engraved, "MV."

hindi ko namalayan na naisatinig ko pala.

"Matagal ko ng iniingatan 'yan binibini, bigay 'yan ng aking Ina. Kaya gusto kong ingatan mo iyan para sa akin." He said.

Napangiti ako at napatango ng wala sa Oras.

"Salamat, iingatan ko ito." Sambit ko habang nakangiti at hindi inaalis ang mga mata sa bracelet. It's so beautiful at bagay din sa kamay ko.

"Mas maganda ka binibini kapag nakangiti." Saad ng Isang lalaki na Kasama namin, hindi ko natatandaan ang pangalan nya kaya nag kibit balikat nalang ako.

Inalis ko lahat ng emosyon ko ng sinabi ng Isang kasama namin na malapit na kami.

Huminto kami sa gilid ng mataas na pader. Inimporma kami ni Haison na inutusan ni Marco na mag manman dito na wala daw'ng nagagawi ditong mga kawal.

Tumayo ako, ngunit agad ding napabalik ng kumirot na naman ang gitnang bahagi ko. Damn! Humugot ako ng malalim na hininga bago tumayo.

"Fuck."!

Narinig kong may sinabi si Marco, ngunit hindi ko nalang ito pinansin.

Tatalon na sana ako pababa ng kariton, ngunit napatigil ako dahil nakatayo na sa baba si Marco at nakataas ang kamay para saluhin ako. Nag init ang pisngi ko, kaya agad kong pinilig ang aking ulo.

"Hali ka, at ayaw kong makarinig ng pagtutol."

Napataas ang kilay ko sa pagiging bossy nito. Hindi nalang ako umimik at hinayaan nitong buhatin ako pababa. Dahil kumikirot parin ang pagkababae ko.

Nang maibaba ako nito sa lupa ay muntik pa akong ma out balance, ngunit dahil alerto si tatang Marco ay agad ako nitong hinapit sa beywang kaya dumikit ang mga katawan namin.

Agad akong napalyo kay Marco ng makarinig ako ng mga tikhim. Naalala ko kase ang sinabi ni inang Berta na sa mundong ito na kung hindi mo kasintahan ay hindi mo pwedeng hawakan. Gusto kong matawa, dahil subra pa sa hawak ang ginawa namin ni Marco kagabi.

"Hintayin nating gumabi, bagamat sa harap ngkastilyo gagawin ang pagtitpon at kasayahan para sa kaarawan ng hari. Hintayin nating ilabas ng mga kawal ang mga bihag, bago tayo kumilos. Pipili ang hari ng ilang binibini sa mga bihag para magpaligaya sa kanya. At kapag nakapili na sya, Doon pa tayo papasok sa tarangkahan, patayin ang kung sino mang haharang na mga kawal. Walang ititira sapagkat ganun din ang gagawin nila sa atin kapag nagkataon." Seryoso at malamig na wika ni Marco.

Nilagyan ko ng silencer ang mga baril na gagamitin namin. Labing-isa lang kami ang gagamit ng baril, dahil wala ng panahon para turuan ang iba na galing sa bayan. Spada  ang gagamitin nila, dahil Doon sila magaling.

Kinuha ko ang di kalakihang itim na bag pack at nilagyan ng ilang c4, katana, at baril. Sinuksok ko rin ang dalawang paborito kong katana sa belt holder na nasa hita ko.

Nang matapos ako ay pinusud ko ang aking mahabang buhok. Dama kong may nakatitig sa akin kaya hindi ko nalang ito pinansin.

Ilang Oras pa kaming maghihintay dahil pasado alas dos pa lang ng hapon. Ngunit kailangang maging handa, dahil nasa paligid lang ang kalaban.

Busy sa kanya-kanyang paghahanda ang lahat kaya pumunta ako sa unahan kung saan may malaking Patay na puno.

Nang makaupo ako sa mga tuyong dahon ay sumandal ako sa kahoy at napabuntong hininga. Pinikit ko ang aking mga mata, ngunit agad ding napamulat ng pumasok na naman sa isip ko ang mga hubad naming katawan ni Marco. Napailing ako at napakagat labi, dahil feeling ko naka dikit parin ang mainit nyang labi sa labi ko.

"Namumula ka aking binibini."

"Paksheett." Bulalas ko at sinamaan si Marco na biglang umupo sa tabi ko. Damn! Ganun ba kalalim ang iniisip ko kaya hindi ko napansin ang tatang na'to.

Bigla itong humalakhak kaya natigilan ako. Ito pa lang ang unang pagkakataon na tumawa ito simula ng makilala ko ito. Hell! Ang gwapo.

Tumigil ito sa pagtawa at naiiling na humarap sa akin. Biglang sumeryoso ang mukha nito kaya napataas ang kilay ko. Bipolar si tatang.

"I-ipangako mo sa akin āmíça mēà na lalaban ka sa bawat araw pagkatapos ng labanan na ito." He said seriously, ngunit bakas ang lungkot sa boses. Bigla akong nanlamig at dinagsa ng hindi ko mawari na pakiramdam. Bakit feeling ko may mangyayaring hindi maganda mamaya.

"Ma-marco." Naiiyak na bulalas ko. Oo aaminin ko na sa mundong ito ay napakaiyakin ko.

Pagak itong ngumiti at malungkot na tumingin sa akin. Hinaplos nito ang pisngi ko kaya napapikit ako at dinama ang init ng palad nya. Maraming pumasok sa isip ko, kaya agad kong minulat ang aking mga mata. Nasalubong ko ang magagandang mga mata ni Marco kahit hindi ito mababakasan ng emosyon. Biglang dumapo ang mga mata nito sa labi ko, kaya napakagat labi ako at nag iwas ng tingin. Ngunit agad ding napabalik ng bumaba ang kamay nito sa batok ko at bigla akong siniil ng halik. Nagulat ako ng una, ngunit agad ding pumikit at gumanti. Wala akong pakialam kung may makakakita man sa amin, dahil ang alam ko ay naaadik na ako sa mga halik ni Marco.

Pariho kaming kinapos ng hininga kaya bumitaw kami sa mainit na halik na pinagsaluhan namin.

"Tē āmō āmíçā mēà."

Hindi ko naiintindihan ang sinabi nito, ngunit bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko.

Napailing nalang ako at tinaasan sya ng kilay.

"Baka minumura mo na ako nyan pinunong Marco huh." Nakataas kilay na asik ko para pagtakpan ang kilig kahit hindi ko alam kong saan galing.

Napailing ito at pinisil ang pisngi ko kaya napanguso ako. Ginawa pa akong Bata.


____&&&&_____

Alam kong nagtataka kayo kung bakit palagi akong nag uud dito sa kabilang Mundo. Nasa isip ko na po kase ito hanggang ending, kaya tinodo ko na.😂😂 Will lahat naman ng story ko kabisado ko na ang plot at ending. Mas gusto ko lang talaga itong tapusin😊 may favoritism kase ang otor nyo😂😂 char lang😂😂

Btw, vote and comments para sa next chapter!! Mga silent readers Dyan! Paramdam naman kayo😭


















"Kabilang Mundo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon