part 3

226 13 2
                                    


AMIRA (POV)


"Pero bakit hindi kayo nag report sa mga police kung may nangyayari palang ganun dito."?

Nakita ko na naman ang pagkamangha sa mga mukha ng kaharap ko sa sinabi ko. Anong nangyayari sa kanila.?

"Nakakatuwa ang iyong ginagamit na lingwahe binibini. At kung iyong mamarapatin binibini, pwede ba naming malaman kung saan ka galing.?

"Galing ako sa Quez,'-

Hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil sa batang sumisigaw at umiiyak.

"Wag ang ate ko, mga ginoo! Maawa kayo sa amin."!

"Lapastangan! Sino ka para humiling ng kalayaan para sa ate mo Bata.!! Sigaw ng lalaki na nakasakay sa kabayo at hawak sa mga bisig nito ang dalagitang umiiyak at nagpupumiglas.

Nawalan ng emosyon ang mga mata ko, at agad kinuha ang aking samurai ng akmang ihahampas na ng lalaking nakasakay sa kabayo ang kanyang ispada sa kawawang batang lalaki.

Binitawan ko ang bag na naglalaman ng sniper. At agad tumakbo para sanggain ang ispada ng hayop na lalaki. Gulat na gulat ito sa ginawa ko. Ngunit saglit lang dahil napalitan ng pagnanasa ang emosyon nito.

Tumingin ako sa paligid at ganun nalang ang panlalamig ko, dahil napakaraming nakahandusay na katawan sa lupa at naliligo ng dugo.

Bumalik sa isip ko ang nangyari sa mga magulang ko at sa kakambal ko. Pinangako ko na sa sarili ko na hindi na mangyayari ulit ang trahidyang iyon.

Lumingon ako sa bata at nginitian sya. "Pumikit ka at wag mong ididilat ang iyong mga mata kapag hindi ko sinabi." Sabi ko dito, sumunod Naman ito sa akin.

"Pakawalan nyo ang mga babaeng hawak nyo." Sabi ko sa kanila dahil nagsilapitan na sa amin ang iba pang kasamahan nito.

"Ika'y napakaganda binibini kaya hindi ko nalamang papansinin ang iyong sinabi. Sumama ka sa amin at maabot mo ang langit aking binibini."

Napansin ko ang isang babae, Na sakay ng kabayo at hawak ng isang lalaki na sinasabi ditong mga kawal daw ng hari.

Dumudugo ang mga labi nito dahil sa mariing pagkagat sa kanyang sariling labi, dahil sa ginawang kadimonyohan ng lalaking nakahawak sa kanya.

Nasa loob na ng suot nitong bisteda ang kamay ng lalaki at may ginagawang kadimonyohan.

Biglang nanlamig ang aking katawan at ramdam ko rin ang panginginig nito dahil sa galit.

"Ginising nyo ulit ang demonyong natutulog sa katawan ko." Malamig at walang kabuhay-buhay na wika ko at hiniwa ang leeg ng lalaking nasa harap ko gamit ang samurai na hawak ko.

Nahulog ito sa lupa na nakadilat pa ang mga mata. Hinawakan ko naman ang dalagita ng muntik na din itong mahulog.

Natulala ang lahat ng kawal sa nangyari sa kasamahan nila. At Mukhang ang lalaking pinatay ko ay ang leader nila dahil ito lang ang naiiba ng damit sa kanila.

"Pinuno.!!!

Sigaw ng mga kalalakihan at sabay-sabay na sumugod sa akin.

Sinalubong ko ang pagsugod nila. At Ang labanan ay isa laban sa sampo.

Dalawang samurai ang gamit ko.

At bawat pag sangga ko sa ispadang tatama sa akin ay ang pagbagsak Naman ng may hawak nito.

Huminto ako ng umatras ang dalawang lalaking natitira. Tinutok ko sa kanila ang samurai na hawak ko.

"Wala akong pakialam sa patakaran ng hari nyo dito. Dahil labag sa patakarang pangtao ang ginagawa nya. At sa Oras na mangyari ulit ang ganito, tataniman ko ng walong bala ang katawan nya." Sabi ko sa dalawang lalaki at binaba ang aking samurai.

Mabilis itong sumakay sa kanilang mga kabayo at pinatakbo. Muntik pang mahulog ang isa ng gumalaw Ako.

Nang wala na sila, lumapit ako sa batang lalaki na ngayon ay yakap na ang dalagitang hawak kanina ng lalaking pinatay ko.

"Okay lang ba kayo."?

Malambing na tanong ko sa dalawa. Nagulat ako ng lumapit silang dalawa sa akin at lumuhod sa harap ko.

"What the hell." Bulalas ko,

"Lubos kaming nagpapa salamat sa iyong katapangan binibini at sa pagligtas mo sa akin. At kung iyong mamarapatin ay pwede mo kaming maging alila binibini.

Napanganga ako sa sinabi ng dalagita. Ano daw.? Gusto nilang maging alila ko sila.

"Sino ka at paano mo natutonang makipag laban at gumamit ng ispada."?

Napalingon ako sa lalaking nagsalita at tumigil na naman ang mundo ko ng masalubong ko ang napaka gwapong mukha nito.

Bakit ba nakakalaglag panty ang kagwapohan ng lintekkk na'to.

Nakatitig ito sa akin ng mariin. Kaya napaiwas ako dahil subrang lakas ng tibok ng puso ko.

Imbes na sumagot sa lalaking nasa likod ko, ay nag tanong ako sa dalagitang nasa harap ko.

"Ah-m, nasaang banda ang lugar na ito sa pilipinas.?

Kanya-kanyang bulungan ng mga tao sa paligid ko at kumunot naman ang noo ng dalagita sa harap ko.

"Saan nanggaling ang salitang pilipinas binibini.? Ngayon lang Namin narinig ang salitang iyan."

"What the,! Bumalik ba ako sa nakaraang panahon.?

"Anong taon na ngayon.? Tanong ko sa kaharap.

"Taong dalawanlibo at ikalabimpito binibini.

What the, hindi naman ako bumalik sa nakaraan dahil 2023 palang Ngayon sa lugar na pinang galingan ko.

"Ahm, Anong buwan na.? Tanong ko ulit, bakas sa mukha nito na nagugoluhan pero sinagot parin Naman ako.

"Ika pito ng marso binibini."

The heck. Katulad lang ng buwan sa pinanggalin ko. Today is March 7, 2023. Ang kaibahan lang ay ang taon.


___&&&&





Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰








"Kabilang Mundo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon