part 6:

193 14 1
                                    


AMIRA (POV)

Dinala ako ni Lucia sa isang balon para maglinis ng katawan at para makapag palit narin. At habang naglalakad kami papunta sa isang Kubo or anong tawag nila sa bahay na iyon dahil puro bubong lang ito at walang ding-ding at may mahabang mesa sa gitna kung saan nakapalibot ang ibang mamamayan dito para sa hapunan. ay napapangiwi ako dahil sa suot kong bistida, abot talampakan ang haba nito kaya hindi ako comfortable.

Pagdating namin sa hapag kainan ay lahat ng nandito ay nakatingin sa akin. Iwan ko ba sa mga taong nandito kung bakit nagugulat sila sa Mukha ko. Samantalang tao din Naman ako, hindi naman ako tikbalang na kalahating tao at kalahating kabayo.

"Umupo kana binibining Mira."

Shitt! Nagsigalawan yata lahat ng kitikiti sa loob ng tiyan ko dahil sa tawag ni Marco sa akin.

Umupo ako sa bakanteng upoan sa tabi ni Jonas.

Napatingin ako sa mga pagkaing nakahanda sa mesa at napakurap ako dahil puro nilagang kamote at patatas ang nasa harap ko. Meron din namang inihaw na isda at Karne, ang hinahanap ko kase ay kanin.

Nagsimulang manalangin ang matandang lumapit sa amin kanina. Kaya yumuko ako ng nagsiyukuan ang lahat. Hindi ko parin talaga lubos maisip kung bakit napunta ako dito.

"Kumain na tayo."

Napatikhim ako nang magsalita si Marco. Nakita kong nagsikuhaan na ng pagkain ang lahat kaya dahandahan akong kumuha ng nilagang kamote at inihaw na Karne.

Inamoy ko muna ang inihaw na karne dahil malay mo karne pala ito ng dragon.

Dahandahan akong sumubo at nang sumabog sa loob ng bibig ko ang masarap na lasa ng Karne ay sunod-sunod ang subo ko. Gutom na gutom kaya ako, Ikaw ba naman ang walang hapunan, umagahan, pananghalian tingnan lang natin kung hindi ka magiging patay gutom katulad ko.

Napatigil ako sa pagnguya dahil nakatingin pala silang lahat sa akin. Tumingin ako sa aking tabi kung saan si Jonas, at nakatulala din ito sa akin.

"M-may M-mali ba akong g-ginawa."? Nauutal na tanong ko sa lahat pagkatapos kong lunukin ang pagkain sa bibig ko.

"Nagniningning ang iyong kagandahan sa madilim na gabi binibini. Ang ganda mo'y hindi matutularan kahit nino man."

Napangiwi ako sa sinabi ng lalaking hindi ko kilala na nasa harap ko.

"Magpatuloy na sa pagkain ang lahat." Malamig na wika ni Marco kaya napatingin ako sa kanya. Mahigpit na nakatiim ang bagang nito na tila may Galit sa lalaking nagsalita. Napailing nalang ako at nagpatuloy sa pagsubo.

Nang matapos ako sa pagkain ay agad kong ininom ang tubig na nilagay ni Jonas sa tabi ng plato ko. I mean platong gawa sa dahon ng saging.

"Kung iyong mamarapatin binibini, pwede mo bang ipakilala ang iyong sarili sa lahat ng nandito." Marco said.

Tumikhim muna ako bago tumayo na parang Isang transfere sa school at magpapakilala sa mga bagong classmates.

"Ah-m ang pangalan ko ay Amira, at g-galing ako sa a-ano ah-m."

Ano ba ang sasabihin ko, na galing ako sa ibang Mundo.

"Saan binibini."? Tanong ng babaeng nagngangalang Brenda. Halata mo ang kaplastikan nito, kaya naiilang ako. Isa sa mga pagsasanay na pinagdaanan ko ang kumilatis ng tao kaya madali kong nabasa ang pinapakitang kaplastikan ni Brenda dahil nababasa ko sa mga mata nito ang pagka disgusto sa akin.

"Ah-m galing ako sa ibang Mundo at hindi ko alam kung bakit ako napunta  dito. Basta nalang nahulog ang sinasakyan kong kotse sa bangin at dahil sa paglalakbay narating ko ang bayan kong saan ko nakilala sila Lucia." Mahabang paliwanag ko.

"Ibang Mundo? Kotse? Nagpapatawa kaba binibining Amira. Walang ibang Mundo na sinasabi mo! O baka Naman ay Isa kang ispiya ng hari."

Natawa ako sa sinabi ni Brenda. Ispiya ng hari my ass.

Tinukod ko ang aking siko sa mesa at pinatong ang aking baba sa likod ng aking palad. Pagkatapos ay tumingin ng masinsinan kay Brenda.

"Nakita mo ang kasuotan ko ng dumating ako dito binibining Brenda Diba. So sa tingin mo! Mukha ba akong ispiya ng hari. At kung hindi ka naniniwala sa mga sinabi ko! Nasa sayo na iyon." Nakataas kilay na wika ko sa babae. At dahil mukhang hindi ito papatalo kaya nagkibit balikat ako.

"Kung taga ibang Mundo ka! Baka Isa ka sa magdadala ng panganib dito sa bukang liway-liway." Saad ng lalaking matanda na katabi ni Brenda.

"Tama si ama, pinunong Marco. Baka magdala ng panganib ang babaeng iyan dito sa bukang liway-liway." Brenda said. So mag-ama pala sila ng lalaking unang nanghusga sa akin.

"Wag kayong mag-alala, bukas na bukas din ay aalis ako dito." Casual na saad ko. May Punto naman kase ang lalaking matanda na ama ni Brenda, hindi ako taga dito kaya dapat lang na umalis ako.

Biglang tumayo si Julia at naiiyak na tumingin kay Marco.

"K-kung hindi sa k-katapangan ni b-binibining Mira pinuno pinag p-pasapasahan na ng mga kawal ngayon ang k-katawan ko. O marahil ay p-patay na ako sa mga Oras na'to. K-kaya hinihiling ko po pinuno na p-pumarito na po muna sya bilang k-kabayaran sa p-pagligtas nya sa akin." Naiiyak na wika ni Julia.

"Tama ang apo ko pinunong Marco, napaka walang puso natin kung paaalisin natin ang Isang binibining walang matutuluyan. At Isa pa tama ang apo ko, k-kung hindi dahil kay b-ninibining A-amira ay marahil may m-masamang nangyari na sa apo ko." Naiiyak na wika ng matanda na lumapit sa amin kanina.

"Mananatili sya dito hanggat hindi nya pa nakikita ang Daan pabalik sa pinanggalingan nya. At kung sino man ang tutol ay maaaring harapin ang parusa ko." Marco said. Kaya napahawak na naman ako sa garter ng pante ko.

_____&&&&

Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰

"Kabilang Mundo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon