part 25

175 24 16
                                    


MIRA

Hindi ako pinatulog sa sinabi ni sir Kael kagabi. I need to more careful, yeah sabihin na natin ito talaga si Marco at may nangyari sa amin ng nasa ibang mundo pa kami. But my point is his really different from this word. Iba ang Marco'ng nakilala ko na makatao. Hindi katulad ngayon na mukhang sa isang pagkakamali mo lang ay kabaong agad ang kababagsakan mo.

"Hoy Amie! Kanina ko pa napapansin ang titig ni sir Kael sayo. Kaya ang mukha ng tsonggo hindi na maipinta."

Kumunot ang noo ko sa bulong ni Adelyn. Nandito kase kami ngayong tatlo ni Bernadette at Adelyn sa may swimming pool at naglilinis. Tinulungan namin si Adelyn kase Wala naman kaming labahin ni Bernadette.

Tumingin ako sa pwesto ni sir Kael at sa fiancee nitong mukhang linta. Totoo nga ang sinabi ni Ade dahil nasalubong ko ang titig ni sir Kael at hindi man lang ito umiwas.

Napailing ako at muntik pa itong irapan lalo pa't kumandong ang linta sa hita nya.

"Baka binabantayan ang kilos natin." Sagot ko nalang at hindi na ulit lumingon sa gawi ng linta at kay tatang.

Mamayang gabi ang plano kong pasukin ang kwartong bawal naming puntahan. I need to finish my mission immediately, dahil gusto ko na talagang umalis dito. Hindi ako baliw para turturen ang sarili ko.

"Sir Kael! Nandito po ang mga kaibigan n'yo."!

Pariho kaming tatlo napalingon kay nanay Ashang na syang nag inporma sa amo namin.

Agad tumalima si tatang Kael, kaya napasimangot ang linta. Iwan ko ba kung bakit nakuha itong Modelo eh mukha itong poste. Hindi naman kase masyadong makurba ang katawan nito, o talagang may kapit lang ito sa modeling industry.

"Amie! Bernadette! Tulungan n'yo akong maghanda ng meryenda." Nanay Ashang said. Kaya pariho kaming tumango ni Bernadette.

"Maiwan ka na muna namin Ade, babalik nalang kami mamaya." Saad ko. Ngumiti ito sa amin kaya iniwan na namin ito.

Sa likod na kami dumaan ni Bernadette para mas madali kaming makarating sa kusina.

Nadatnan namin si nanay Ashang at si Jaira, tresha na naghahanda na ng meryenda. Kumunot pa ang noo ko dahil parang binudburan ng asin ang dalawang babae.

"Mag-iingat kayo Jaira at tresha! Ayaw kung pumalpak kayo tulad ng dati." Paalala ng matanda sa dalawang babae.

"Oh Amie at Bernadette, kayo na ang magdala ng iba."

Tumango kami ng katabi ko at kinuha ang tray na may lamang mga baso. Si Bernadette naman ay ang tubig na nasa pitcel.

"Hmm, makikita ko na naman ang crush kong si sir Liam." Kinikilig na bulong ni Bernadette sa akin kaya napailing ako.

Paglabas namin sa kusina ay bumungad sa amin ang apat na lalaki at ang linta na nakakapit na naman sa braso ng amo namin.

Sarap ingudngud eh.

Nang makalapit kami sa kanila ay agad naming nilagay ang mga dala Namin. Hindi ako nag angat ng tingin sa mga bisita dahil wala naman akong paki sa kanila.

Aalis na sana ako ng bigla nalang nagsalita ang linta.

"Bago ka ba dito? Ngayon lang kita Nakita ah." Mataray na tanong Ng linta kaya pinigilan ko ang sarili na mapairap.

"Ah-m opo ma'am, ako po ang pumalit Kay Inday na labandira." Casual na sagot ko. Tumaas ang kilay nito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"You look familiar."

Nilingon ko ang Isang lalaki na nagsalita at para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makilala ito.

"Captain Theodore Roosevelt, hell Anong ginagawa ng kapitan na'to dito." Bulalas ko sa isip.

He's my companion since I was in training.

"Ngayon lang po kita nakita sir." Nakangiting sagot ko kahit gusto ko ng tumakbo paalis dito.

Mas lalong kumunot ang noo nito at mariin akong tinitigan. I know kung hindi lang dahil sa malaking eyeglasses ko at brazee ay siguradong Hindi na ito magtataka kung sino ako.

Biglang tumaas ang gilid ng labi nito at mukhang may napagtanto.

"Hindi mo naman sinabi Kael na may napaka ganda ka palang katulong." Malukong saad ng Isa pa.

Hmm lahat ng kaibigan ni Kael ay parang mga Greek god, lalong lalo na si Theodore. Ngunit mas gwapo parin si Marco ko.

"Enough that Jacob, ang baba naman ng standard mo kung papatol ka sa katulong." Maarteng wika ng linta ngunit hindi ko ito pinansin.

"Kung wala na po kayong ipag uutos sir, aalis na po ako." Malumanay na wika ko at agad umalis sa harap nila. Ramdam ko ang ilang titig ng pares ng mga mata ngunit nagpatuloy ako papunta sa labas kung saan ang pool.

Kaya na ni Jaira at tresha, Bernadette Doon. Kaya mas mabuti ng umiwas kay'sa masupalpal ko ng masakit na salita ang lintang iyon.

Malapit na ako sa pool ng bigla nalang may pumigil sa braso ko, kaya napangisi ako.

Nilingon ko ito na nakangisi kaya bahagya itong nagulat, ngunit sandali lang at nginisihan din ako.

"So hindi nga ako nagkakamali, Amira Kaye Thomas." Nakangising wika nito at bigla nalang kinabig ang beywang ko at dinikit sa matigas nitong katawan at mahigpit akong niyakap.

Napailing ako at gumanti sa yakap nito.

"I miss you Theo." Mahinang saad ko at mas sumiksik sa mabangong dibdib nito. His one of my trusted friend.

Humiwalay ako sa kanya at kinunutan ito ng noo.

"Alam kong alam mo kung bakit ako nandito." Seryusong wika ko.

Sumiryuso din ang mukha nito, ngunit hindi parin binibitawan ang beywang ko.

"Kung ano mang information ang nakuha ng chief commander n'yo ay mali ito. Matagal ko ng kaibigan si Kael at alam ko din ang likaw ng bituka nito. Alam mo'ng Isa akong tapat na sundalo Mira, at kahit ako pa ang magdala sayo sa bodega ng mga collection nitong baril ay lahat ito selyado at may government permit." Mahabang saad ni Theo, kaya natawa ako at napailing.

"Pinaaga mo ang pagtapos ng mission ko captain ah." Natatawang wika ko, kaya napailing din ito at mahinang pinisil ang ilong ko kaya napanguso ako. Kung sana sa lalaking ito nalang tumibok ang puso ko, Masaya na sana ako ngayong bumubuo ng pamilya. Ilang beses kase itong nanligaw sa akin, ngunit ilang beses ko din itong binasted. Hindi naman kase natoturuan ang puso.

"So you know each other huh.?" Malamig na tanong ng taong nasa likod, kaya bumitaw ako kay Theo at tumingin sa bagong dating.

Muntik na akong ngumisi dahil sa madilim na mukha nito at namumuti narin ang kamao dahil sa mahigpit na pagkakakuyom.

"Yeah, he's my boyfriend sir.  May masama ba don." Mahinhin na saad ko kahit gusto ko ng ngumisi, dahil mas lalong tumiim ang bagang nito.

Nilingon ko si Theo ng makita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagkunot ng noo nito.

Kinindatan ko ito, para ipahiwatig na sabayan ang kabaliwan ko. Kaya Napailing ito at mahinang natawa.

____&&&&____

Vote and comments para sa next chapter 😊 ❤️ 🥰












"Kabilang Mundo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon