part 26

162 23 14
                                    


MIRA

Nandito ako sa kwarto ko ngayon para mag impaki. Aalis na ako dito bukas, dahil pinatunayan na ni Theo na walang illegal na gawain si Kael so kailangan ko nalang itong e report sa chief namin.

And Isa din sa rason ko ay nakakabagot ang ganitong mission, iyon lang naman ang pakay ko dito ang alamin kong may illegal bang kalakaran si tatang Kael na mga baril. So dahil si Theo na mismo ang nagsabi na Isang captain army so ano pang gagawin ko dito.

Nang matapos kong e impaki ang lahat ng mga gamit ko. Agad akong lumabas para hanapin si nanay Ashang. Sa kanya nalang ako magpapaalam dahil simula kahapon noong biglang nag walk out si Kael at iniwan kami ni Theo hindi ko na ito nakita pa.

hindi ko na din kukunin ang sahod ko sa ilang Araw ko dito, dahil okay lang naman sa akin. Ang importante sa akin ay makaalis ako dito dahil baka magdilim ang paningin ko sa selos at makapatay pa ako ng linta.

Pumasok ako sa kusina at nakita ko si nanay na naghahanda para sa lulutuin para sa hapunan.

"Nanay." Tawag pansin ko sa matanda.

"Oh anong atin Amie.?"

"Ahm, magpapaalam po sana ako na aalis na sa trabaho nanay Ashang. Nagkaroon po kase ng emergency sa probinsya eh. Kailangang kailangan po ako ngayon ng tiya ko." Saad ko at gusto kong sapukin ang sarili ko dahil sa pagsisinungaling. Wala na kase akong ibang naiisip na rason. Hindi din naman pwedeng sabihin ang totoong pakay ko dito.

"Ay naku, ganun ba Amie. Paano iyan hindi pa umuuwi si sir Kael para sa sahod mo at kailangan mo ding magpaalam sa kanya. Alam mo naman bawal lumabas dito kung walang permisyon ng amo natin." Mahabang paliwanag ni nanay kaya napangiwi ako. So kailangan ko pang hintayin ang tatang na iyon para makaalis ako dito.

"Pero nanay kailangan ko na po kaseng makauwi sa lalong madaling panahon eh." Pinalungkot ko ang boses para mas kapanipaniwala.

"Paano ba iyan." Problimadong saad ng matanda, kaya agad akong tinubuan ng konsinsya.

Nagkatinginan kami ni nanay Ashang ng marinig ang tunog ng kotse.

"Naku mukhang nandyan na si sir Kael, Amie. Hindi kana mahihirapan." Nakangiting wika ni nanay at hinila ang kamay ko palabas ng kusina. Saktong kapapasok lang ni sir Kael ng marating namin ang Sala.

"Ah-m magandang hapon po sir Kael, ah-m gusto po sanang magpaalam ni Amie na aalis na sa trabaho. Dahil nagkaroon po ng emergency sa kanila sa probensya." Saad ni nanay sa lalaking bagong dating at tila may dalang bagyo ang mukha.

Walang buhay ang mga matang tumingin ito sa akin, kaya napailing ako. Ibang iba talaga ito sa Marco'ng nakilala ko.

"Follow me to my office." Malamig na saad nito kaya lihim akong napairap.

Naglakad ito papunta sa taas kaya sumunod ako. Mabuti na ding may proper goodbye kay'sa mag isip ito na may ninakaw ako dahil sa biglaan kong pag-alis.

Nang makapasok kami sa office nito ay umupo ito sa couch na parang hari at tinuro ang katapat nito. Umupo ako sa katapat nitong sofa at pinaglaruan ang manggas ng aking damit dahil bigla akong tinubuan ng kaba sa malamig na titig nito.

"Gaano na kayo katagal ni Roosevelt.?"

Kumunot ang noo ko at sinalubong ang malamig na titig nito.

"Excuse me sir, hindi po iyan ang pinunta ko dit____."

Hindi ko natapos ang sasabihin at muntik ng lumipad ang ispirito ko dahil bigla nalang nitong hinampas ng malakas ang center table sa pagitan namin.

Bweset! Ano bang problima ng ungas na'to.

"Fucking answer my question woman."! Malakas na sigaw nito at kulang nalang ay ibalibag ako.

Napakurap ako at pigil ang emosyon. Ayaw kong sumabog dahil baka kung ano pa ang masabi ko.

"Nandito ako para magpaalam ng maayos Mr Villamore. At kung ano man ang namamagitan sa amin ni Theo wala kanang kinalaman doon." Malumanay na wika ko at pigil na pigil ang sarili na sumbatan ito.

"I know, you fucking know about the contract you fucking signed bago ka pumunta dito right.! Alam mo'ng kailangan mong tapusin ang tatlong buwan na kontrata kung ayaw mong makulong." Mariin na asik nito, kaya tumiim ang bagang ko. I have a valid reason. Ngunit nasa employer ko parin kung tatanggapin nito ang pag reresigned ko.

"May valid reason po ako sir, kaya kung ayaw at sa gusto n'yo po aalis ako." Malumanay parin na sagot ko.

Bigla itong ngumisi, ngising parang sinapian ng demonyo kaya mas lalo akong kinabahan. Hell sa tanang buhay ko ito palang ang kauna unahang tao na nagbibigay ng kakaibang kaba sa akin.

"Why? Lilipat kaba sa bahay ni Roosevelt huh.!? Then my answer is fucking no! Tapusin mo ang tatlong buwan o sa kulungan ang bagsak mo."

Mariin na saad nito kaya naikuyom ko ang aking palad.

"Oo lilipat ako sa Bahay ni Theo dahil gusto ko syang makasama at makayakap sa bawat pagtulog ko katulad ng ginagawa n'yo ng fianc____."

Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil inilang hakbang lang nito ang pagitan namin at marahas akong hinawakan sa batok at nilakumos ng mapagparusang halik ang mga labi ko.

"Oh-mmp." Mahinang daing ko dahil sa marahas nitong halik. Pilit ko itong tinutulak ngunit mas malakas ito sa akin kaya hindi ako nagtagumpay.

"I fucking miss you āmíçā mēà, badly."

Napakurap ako sa sinabi nito. At maski ito ay napatigil dahil sa lumabas sa mismong bibig nya.

Binitawan nito ang batok ko at bigla akong tinalikuran. Kaya napangiti ako ng mapait.

"So hindi na natin kailangan pahirapan pa ang ating mga sarili para kilalanin ang isat-isa hmm pinunong Marco." Nakangising wika ko kasabay ng pagbara ng kung ano sa lalamunan ko at ang pangingilid ng aking mga luha.

"Unang kita ko palang sayo sa mall nakilala kana agad ng puso ko." Pumipiyok na asik ko sa kanya.

"Para akong Isang tanga na nagtatapat ng pag-ibig sa inakalang lalaking makaluma na taga ibang mundo, dahil akala ko'y hindi ito nakakaintindi ng wikang English." Natatawang dugtong ko at hindi ko na napigilan ang pagkahulog ng aking mga luha kaya agad ko itong pinunasan.

"Oh fucking life! Pinaglalaruan nga siguro ako ng Tadhana. Kase nga sa madaling panahon umibig agad ako sa taong unang kita ko pa lang tumibok na agad ang puso ko. Pinaglalaruan ako ng tadhana dahil ang lalaking minahal ko na akala ko parte lang ng panaginip ko dahil sa mahabang panahon na pagkakatulog ko ay totoo pala dahil sa bweset na bracelet na suot ko ng magising ako."!! Hindi ko na napigilan ang aking sarili at hinayaan nalang ang mga luha na mahulog para maibsan ang sakit na kinikimkim ko.

"Ang nakakatawa pa ay ang lalaking dapat kung manmanan at ang lalaking minahal ko sa ibang mundo ay iisa." Parang baliw na asik ko sa kanya, dahil umiiyak ako habang natatawa ng mapait.

"Alam mo kung ano ang pinakamasakit Marco hmm? Iyong may pagkakataon ka na sabihin sa akin lahat-lahat, lalong lalo na kung saan ka talaga nanggaling noong nasa ilalim tayo ng puno ng liway-liway ng pag-ibig at pinag-iisa ang ating mga sarili." Sigaw ko sa kanya. "At ang mas nakakatawa pa ikakasal kana pala sa mundong ito." Nanghihinang dagdag ko ng pumasok sa isip ko ang bawat hagod ng mga labi nito sa buong katawan ko. It's so pure na hindi ko man lang naiisip na puro kasinungalingan lang pala lahat.

"Kaya kahit magpanggap ka parin na hindi ako kilala, nakakatawa ka kung ganun Marco Kael Villamore ." Huling wika ko at dalidaling lumabas sa opesina nito at bumalik sa kwarto ko.

"F-fuck you mo pinunong Marco." Humahagolhol na bulalas ko ng makapasok ako sa kwartong inaakupa ko.

"Bweset talaga! Minsan na nga lang akong umibig eh sawi agad."!! Dagdag ko at sumubsub sa unan.

___&&&____

Pinaaga ko na ang aminan nila kase ayaw kong ma stress kayo😂 will ako po iyong tipo ng author na nasasayangan sa isang chapter kapag walang nangyayaring away haha 😂😂 btw! Pahihirapan muna natin si tatang Marco para makabawi naman sa sakit Ang Mira natin.😂😂

Vote and comments parin para sipagin mag ud ang author n'yo.🥰❤️❤️

"Kabilang Mundo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon