part 28

181 27 16
                                    


MIRA

Walang imik ang mga kasama ko ng umalis ako sa hapag kagabi. At kahit mismo si nanay ay walang nasabi sa nangyari.

Napabuntong hininga ako habang tinutupi ang mga bagong nilabhan namin ni Bernadette kailangan kong ipagpatuloy ang trabaho dahil nakakahiya naman sa mga kasama ko kung hindi ako kikilos.

Kanina ko pa napapansin si Bernadette na patingintingin sa akin, alam kong gustong gusto nitong mag tanong.

"Hoy! Pinapatawag ka ni ma'am Annica."

Pariho kaming napatingin ni Bernadette kay tresha ng bigla nalang itong sumigaw at sumulpot.

"Bakit? Anong kailangan nya."? Walang gana kong tanong at pinagpatuloy ang ginagawa. Wala akong planong sumunod sa sinabi ni tresha, sa pagkakaalam ko kase Isa lang ang amo ko.

"Basta sumunod ka nalang sa sinabi ni tresha." Nakangising wika ng bagong dating na si Jaira. So mga alipores ito ng linta.

"Sa pagkakaalam ko Isa lang ang amo ko, so no hindi ako susunod sa sinabi n'yo." Sagot ko na hindi tumitingin sa kanila.

"Ang yabang mo talaga Amie! Akala mo kung sino ka e Isa ka lang namang muchacha! Kaya hindi namin lubos maisip na kaya mo'ng sagot sagutin si sir Kael ng ganun." Galit na sigaw ni tresha sa akin kaya tinaasan ko ito ng kilay.

"Hindi kita kaibigan tresha para sabihin sayo ang tungkol sa nangyari kagabi so alis na, dahil may trabaho kami at istorbo kayo." Kalmadong wika ko. Akala mo rin kase kung sino ang dalawang ito eh kaya ko silang tabunan ng bilyones ko.

"Ayaw mo'ng harapin si ma'am Annica, dahil takot ka. Takot ka dahil Tama ang hinala namin na may ninakaw ka. Ang nagkakahalaga pa talaga ng million na bracelet ni sir Kael ang ninakaw mo huh." Nakangising wika ni Jaira.

Malamig ko silang tiningnan kaya nawala ang ngisi ni Jaira.

"Ginalaw n'yo ang gamit ko." Malamig na wika ko.

"S-so ano naman ngayon, sumunod ka kung ayaw mong ang mga police ang kumaladkad sayo." Pasigaw na asik ni Jaira at tinalikuran kami.

"A-amie." Nahintatakotang tawag ni Bernadette sa akin.

Tinigil ko ang ginagawa at sumunod sa dalawang babae. Kapag may nasira sa importanteng gamit na dala ko Hindi ko talaga palalampasin ang gumawa nito.

Pagdating ko sa sala, hawak na ng linta ang bracelet na binigay sa akin ni Marco. Nakaupo sa couch ang linta samantalang nakatayo naman ang dalawang alipores nito sa likod nya na nakangisi ng makita ako.

"Will will, ilang Araw ka palang dito ngunit pinakita mo na agad ang ugali mo'ng squatter ha.! Ang Isa pa talaga sa pinakamahal na bracelet ni Kael ang ninakaw mo."! Sigaw nito at nagpupuyos sa Galit.

"At ano tong nababalitaan ko huh! Na nilandi mo ang fiance ko. Isa kang putaa at gold digger kaya dapat sayo burahin sa mundong ito." Dagdag nito kaya napatikwas ang kilay ko.

"Then be it! La kong pakee. Just give me back the bracelet." Walang ganang saad ko.

"How dare you."

Sigaw nito at sinugod ako at sasampalin sana, ngunit agad kong nasalo ang kamay nito. Mahigpit kong hinawakan ang pulso nito kaya napangiwi ito.

"No woman, just don't dare to try my patients. Because, oh I'm not that good. I can kill you easily with my bare hands and no mercy." Nakangising wika ko kaya nakita ko ang takot sa mga mata nito.

Binawi nito ang kamay nya na ngayon ay subrang namumula na.

"Sino ka para pagbantaan ako huh? Hindi mo ba kilala kung sino ang nasa harap mo."!

Biglang bumalik ang confidence nito kaya napailing ako at tinaas ang bracelet na kanina ay hawak nito na ngayon ay nasa kamay ko na.

Nanlaki ang mga mata nito at pinanlisikan ako.

"Nahuli ka na nga'ng nagnakaw pinatunayan mo pa talaga."!!

"Whatever." Sagot ko at tatalikod na sana ng bigla nalang pumasok ang apat na lalaki sa main door.

Agad ngumiti si Theo sa akin at gaganti na sana ako ngunit naiwan sa eri ang ngiti ko ng makita ang nakakuyom na kamao ng gurang. Inirapan ko ito at inukutan ng mga mata.

"B-babe, look! She hurt me." Sumbong ng linta at pinatulo ang luha bago yumakap sa gurang kaya mas lalong tumirik ang mga mata ko.

"And you know what babe, she stole your bracelet." Sumbong nito habang pekeng humihikbi.

Sarap talagang ingudngud sa sahig.

Muntik na akong humagalpak ng tawa ng marahas itong tinabig ni Marco kaya muntik na itong masubsub sa sahig.

"This is the last time na aapak ka sa pamamahay ko Annica Valdez. Kapag Nakita pa kita ulit dito, e pupull out ko lahat ng shares ko sa kompanya nyo. And of course mawawalan ka ng Mukha sa modeling industry." Malamig na wika ni Marco at tinapunan ako ng malamig na tingin bago tumalikod.

Inirapan ko din ito at lumapit kay Theo.

"Hey beautiful." Theo said at yayakapin na sana ako, ngunit pariho kaming natigilan ng bigla nalang may nabasag na vase.

Napalingon kami sa lalaking paakyat ng hagdan at mahigpit na nakakuyom ang mga kamao. Nakita ko din ang pag-iling ng dalawang kaibigan nito.

"Mukhang malaki ang tama sayo ng kaibigan namin ah." Pang aasar ni Theo sa akin kaya napailing ako.


___&&&&____

Vote and comments para sa next chapter 😊 ❤️ 🥰








"Kabilang Mundo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon