part 15

161 18 8
                                    


MIRA

Nang marating namin ang kweba kung saan ang kotse ko, agad kaming pumasok nila Marco at iba pang kalalakihan. Inawan namin si inang Berta at Jonas sa labas ng kweba at ang dalawa pang ginang.

Dama ko ang pagkamangha ng iba ng makita ang kotse ko. Sinabihan ko silang ilabas lahat ng mga gamit na nasa loob ng kotse ko dahil mapapakinabangan namin itong lahat.

Wala akong imik kahit tinatanong ako ng iba kung ano ang laman ng mga kahon. Blangko ang isip ko at tanging iniisip lang ay ang kalagayan ng mga kababaihang dinakip. Anong klase akong agent kung hindi ko sila maliligtas, nag tagis ang mga ngipin ko habang iniisip ang mukha ni Julia na umiiyak. Oo Isa akong mamamatay tao, ngunit hindi nawawala sa sestima ko ang pagiging maawain at mapagmahal sa mga inaapi.

Ginagap ni Marco ang kamay ko ng makalabas kami sa bukana ng kweba. Iwan ko o ako lang ba na feeling close na ang lalaking ito.

Binaba nila ang mga kahon kaya lumapit ako dito at binuksan isa-isa. Pagtataka ang nakikita ko sa lahat. Kumuha ako ng Isang baril at pinakita sa kanila.

"Ang bagay na hawak ko ay mas mabisang sandata kay'sa sa espada. Isang kalabit lang ng gatelyo nito ay babagsak ang kalaban nyo ng wala ng buhay kapag natamaan nyo ang parte ng katawan ng kalaban kung saan mas madali silang mamatay katulad ng ulo at puso." Paliwanag ko sa malamig na tono.

"Bukas na bukas ay tuturuan ko kayo kung paano gamitin ang mga ito. Wala ng Oras at panahon kaya sikapin nyong matuto kung gusto nyong maprotiktahan ang inyong sarili at maligtas ang mga mahal nyo sa buhay." Dugtong ko.

"K-kung ganun binibini subrang mapanganib pala ng mga bagay na iyan. At paano ka nagkaroon ng mga bagay na iyan."?

Tumingin ako kay Lindon ang lalaking nag salita.

"Lahat ng sandata ay mapanganib ginoong Lindon. Nasabi ko na sa inyo na hindi ako galing sa mundong ito, at sa mundong pinanggalin ko ay ang mga bagay na ito ang mas pinakamabisang sandata." Malamig na saad ko.

"Kung ganun anong trabaho mo sa mundo mo binibini at bakit napakarami kang sandata."? Ulit na tanong ni Lindon kaya napangisi ako at tiningnan sila Isa-isa at pinakahuli ay si Marco.

"Isa akong bayarang mamatay tao Lindon." Nakangising wika ko habang hindi pinuputol ang pagkakatitig sa mga mata ni Marco. Hindi ko ito nakitaan ng gulat bagkus napansin ko ang amazement sa mga mata nito.

Narinig ko ang singhapan ng lahat, at dama ko din ang takot nila. Kaya mas lalo akong napangisi at iniwan ang mga mata ni Marco.

Napaatras pa ang iba ng mapatingin ako sa gawi nila.

"Afraid huh." Natatawang sambit ko.

"Isa akong bayarang mamatay ng goberno Lindon. Katulad dito, may hari kayong namumuno. Ganun din sa amin, sila ang nagpapatupad ng batas. Ngunit hindi katulad sa batas ng hari nyo, bawat munisipalidad sa mundo ko ay may nakahalal na tinatawag naming Mayor. Sya ang nagpapanatili ng katahimikan at gumagabay sa pag-unlad ng bayan na nasasakupan nya. Will depende parin kung paano mamuno ang Isang mayor o geberno." Paliwanag ko.

"Malaki ang pagkakaiba ng Mundong ito sa pinanggalin kong Mundo. dahil ang haring katulad ng hari nyo ay kung nasa mundo ko pa sya ay matagal na syang nakakulong o Patay na. Isa sa pinakamahigpit na batas sa mundo ko ang pumatay, Mang angkin ng hindi sayo, mag nakaw lalong lalo na ang manggahasa katulad ng ginagawa ng hari nyo." Dugtong ko.

"Kung ganun binibini dapat ka ri'ng hulihin at ikulong."? Tanong ni martin.

Umiling ako at umupo sa malaking bato na nasa harap ng malaking apoy. Gabi na kaya kailangan naming magsiga ng mga kahoy para hindi makalapit ang mga mababangis na hayop.

"Hindi nila magagawa iyon sa akin martin dahil isa ako sa alagad nila. Ang goberno mismo ang nag babayad sa akin para tapusin ang Isang tao na subra-subra na ang kasalanan at pagsuway sa batas, mga taong halang ang kaluluwa at sakim sa kapangyarihan at Pera." Sagot ko.

"Kung ganun Isa ka po'ng hero binibini." Namamanghang wika ni Jonas kaya napahalakhak ako na mas lalo nilang kinatahimik.

The f_ck!! Si wonder woman lang ang peg.

"Beautiful."

Pinahiran ko ang luha sa gilid ng aking mga mata dahil narinig kong bumulong bulong si Marco. Minsan talaga naiisip kong baka minumura na ako ng mokong.

Tumayo ako at lumapit sa mga ico bag kung saan ang mga delata at mga cup noddles. Dala nila ang ibang kagamitan nila dahil sinabi ni inang Berta na sinunog ang tirahan nila ng mga kawal kaya mas lalong nag ngitngit ang loob ko. Sinabihan ko si inang kanina na magpa init ng tubig. Kaya ng makita kong kumulo na ay kinuha ko ang mga cup noddles.

Binilang ko kung Ilan kaming lahat Ang nandito. Nasa labinlima nalang kami at ika labin-anim si Jonas.

Binuksan ko isa-isa ang cup noddles at nilagyan ng mainit na tubig. Nakatingin lang ang lahat sa akin at naguguluhan.

"Isa ito sa pagkain sa mundo ko, ahm pampalipas gutom pala." Saad ko. Dumaan ang ilang minuto at nilagay ko na ang seasoning at binigay sa kanila isa-isa.

"Ihalo nyo lang bago higupin ang sabaw." Dugtong ko at huling inabutan si Marco na bakas ang pagkamangha o pag-aasar, iwan. Kaya napairap ako.

"Kung wala lang tayo sa ganitong sitwasyon malamang kanina pa nangangatal ang labi mo sa halik ko."

Napatda ako sa binulong nito, bakit feeling ko hindi naman talaga maginoo ang kumag na'to. Feeling ko Isa itong arrogante.

"Nakaka adik ba ang halik ko kaya nawawala ang pagka ginoo mo." Mataray na asik ko, bigla itong ngumisi kaya napaatras ako. I feel it, may kakaiba sa lalaking ito. Ramdam kong hindi ito ordenaryong tao lang.

"Natatakot kaba sa akin aking binibini hmm."? Malokong tanong nito, tinaasan ko ito ng kilay at inirapan bago tinalikuran.

His aura, so intimidating and full of authority. Mas higit pa ang kayang gawin kay'sa sa akin. Iyan ang nararamdaman ko sa kanya.

___&&&&____

Vote and comments para sa next chapter 😊❤️🥰

"Kabilang Mundo"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon