TALK

1.5K 21 9
                                    

LISA

After a few days. Medyo gumagaan naman na ang aking pakiramdam dulot ng sakit na nangyari saamin ni jen, Araw Araw ay nagiisip ako kung paano ako makakatakas sa sakit na aking nadarama, may mga araw din na hindi ko naiisip si Jen and yeah kahit papano naman ay may masasayang ala-ala din kami ni Jen at yun ang dahilan kung bakit hirap din akong kalimutan at sya lang din ang mahal ko at ang gustong gusto ko pero wala eh iba ang pinili nya.

lisa ang lalim naman ata ng iniisip mo dyan, sino na naman ba yan?
tila ba ay nagulat naman ako dahil bigla naman akong tinapik nito

ah wala, may iniisip lang ako but nevermind. Bakit nga pala andito? i thought na nanonood ka sa taas? Pagtatanong ko naman dito.

Wala, naisip ko lang din na bumaba dahil nakaramdam ako ng gutom tsaka ang boring kaya, ayaw mo ba lumabas? Tanong naman ni chiquita saakin.

Maybe later chi kumain muna tayo ng tanghalian and then mga 5pm dun na tayo umalis. I said and smiled,

Okay let's go to eat na. Pag aya naman nito at sabay na rin kaming tumayo para mag asikaso ng kakainin.

Hindi nyo pa sya kilala no? Chiquita is my New Friend, nakilala ko sya sa bar. Siya ang tumulong saakin nung panahong lasing ako sa bar at sya rin ang naghatid saakin sa bahay, paano nya nalaman? nagtanong siya syempre at buti nalang nasa katinuan pa ako, and dun ko sinabi ang address ko, pagkahatid naman nya sa akin ay sabi ko sakanya na dito na sya magpalipas ng gabi dahil anong oras na rin at delikado sa labas and pumayag naman ito, Lumipas ang ilang araw ay madalas na kaming nagkakayayaan sa labas hanggang sa yun na mas naging close kami.

Lumipas naman ang ilang oras ay natapos na din kami at nagdesisyon na rin na lumabas ng bahay at mag gala gala sa labas.

Chi saan ba tayo pupunta? pagod na ako oh maawa ka naman sa paa ko, kanina pa tayo palakad lakad eh. Pagrereklamo ko naman dito dahil kanina pa kami naglalakad, hindi kasi malaman kung san sya pupunta eh iligaw ko kaya to.

Easy ka lang malapit na tayo oh, gupitin ko iyang bangs mo eh. Dun na tayo magpahinga kahit ako rin pagod na eh. She said at wala na rin naman akong nagawa kundi sundan ito, konti nalang makakaltukan ko na tong babae nato eh.

Andito na tayo, dito na tayo magpahinga bibili na rin ako ng icecream gusto mo ba? Tanong nito at tumango naman ako rito

Habang nag aantay naman ako rito ay parang may nakikita akong babaeng familiar saakin kaya naman tinitigan ko ito nang tinitigan para malaman kung sino ito

Huy!! sino na naman ba yang tinitignan mo lis, babae na naman ikaw talaga. Nabigla naman ako rito

Sira! may tinitignan kasi ako na babae na parang familiar sa'kin pero hayaan mo na. Sabi ko naman dito at hinayaan ko na rin kung sino man yun. Patuloy na kinakain naman namin ang Icecream na binili nito.

Hey lis nga pala! Ano na plano mo sa Flight mo? tuloy kapa ba? Tanong naman nito at siyang kinabigla ko rin dahil naalala ko na nagplano pala ako na umalis

Hindi ko pa alam kung itutuloy ko pa chi, tsaka medyo okay na rin naman ako at buti nandyan ka para tulungan ako. Saad ko dito bilang pasasalamat na rin, kundi naman din dahil sakanya ay nagiging maayos ako

Okay, magsabi ka nalang if tutuloy ka or hindi for me mas okay na h'wag ka nalang umalis para hindi rin magalit ang kapatid mo saiyo. Tama naman sya wala rin kasing kaalam alam sila Jisoo unnie na aalis ako

Fine, But titignan ko pa rin, btw tara na chi gusto ko na umuwi kanina pa tayo andito eh sakit na ng pwet ko kakaupo. Parehas naman kaming natawa sa sinabi ko.

After many many hours joke. Lumipas naman ang ilang oras ay nakarating na rin kami sa bahay, dito na rin sya natutulog pansamantala dahil kailangan ko rin naman ng kasama and okay naman sakanya.
Nagkanya kanya na kaming akyat sa kwarto at para makapag pahinga na rin at para makatulog na rin. I'm here to my bed at iniisip pa rin kung sino yung nakita ko kanina, as in kasi sobrang familiar sya saakin bigla lang din kasi ako ginulat ni chi kaya nawala sa aking paningin yung babae na iyon. Hayaan na nga makatulog na nga. I'm happy for today.










MY WIFE IS CHILDISH AND POSSESIVEWhere stories live. Discover now