CHAPTER 01

89 6 3
                                        

"ALAM niyo po, miss na miss ko na kayo," malungkot na saad ni Peter habang nakatingin sa puntod ng kaniyang mga magulang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"ALAM niyo po, miss na miss ko na kayo," malungkot na saad ni Peter habang nakatingin sa puntod ng kaniyang mga magulang.

Luminga-linga siya sa kaniyang paligid, tahimik ang kapaligiran. Siya lang ang tanging tao na nasa sementaryo ngayon. Marahil ay dahil makulimlim ang langit at nasa trabaho o eskuwelahan pa ang iba.

Pagkatapos ng kaniyang pasok kaninang ala-una ng hapon ay dumiretso na siya rito. Ikalabing-anim na taong anibersaryo ng kamatayan kasi ngayon ng kaniyang mga magulang at hindi niya maiwaksi sa kaniyang isipan ang sinabi ng kaniyang guro kanina.

"Hindi ko na po alam gagawin ko, 'Ma, 'Pa. Iniisip ko na lang pong tumigil sa pag-aaral..." Kinausap kasi ito ng kaniyang guro. Ilang beses na itong bumabagsak sa kaniyang mga pagsusulit at kung gano'n pa rin siya sa susunod, maaaring mawalan na siya ng scholarship. Ang scholarship niya kasi ang tanging pag-asa niya upang magpatuloy sa pag-aaral.

Mag-isa na lang sa buhay si Peter sa edad na bente. Noong apat na taong gulang siya ay inampon siya ng mga madre sa simbahan at sila na ang tumayong magulang nito. At noong nagkolehiyo siya ay tumayo na siya sa sarili niyang mga paa. Tuwing Sabado, nagtatrabaho siya bilang kahero sa isang convenience store at tuwing Linggo naman ay tumutulong siya sa simbahan.

Kailangan kasi niyang kumita para may pangkain at pambayad sa upa ng bahay, pati sa tubig at sa kuryente.

Hindi niya maalala kung paano namatay ang kaniyang mga magulang, basta ang sabi ng mga madre sa kaniya ay naaksidente sila. Nang makarating na ro'n ang ambulansya, hindi na humihinga ang mga ito at siya naman ay natagpuang naghihingalo sa kanilang tabi. Wala raw itong masagot sa mga madre at kapulisan noong tinatanong siya ng mga ito tungkol sa nangyari. Ayon sa doktor, maaaring nagkaroon siya ng Dissociative Amnesia. Sa tindi ng trauma na natamo niya sa pangyayaring iyon, hindi na niya naalala kung anong nangyari.

Halos sampung minuto rin siyang nakatitig sa puntod ng kaniyang mga magulang. Bagama't matanda na siya, hindi niyang maiwasang maghanap ng kalinga at pagmamahal ng isang magulang.

"Sana, nandito po kayo para mayakap ko."

Nagpasya nang umuwi si Peter bago pa tuluyang dumilim. Pinatong niya muna sa harap ng puntod ang mga bulaklak na dala bago umalis. Malayo ang sementaryo mula sa mga bahayan at eskuwelahan ngunit naisipan na lang niyang maglakad para makatipid. May mga ilang poste ng ilaw sa gilid ngunit halos lahat naman nito ay walang sindi. Alas kwatro pa lang ngunit kinakain na ng dilim ang langit.

Malalim ang iniisip niya habang naglalakad. Hindi man lang nito napansin ang babaeng tila takot na takot habang tumatakbo palayo patungo sa direksyon niya.

"Aray!" Tinignan ni Peter ang nakabangga sa kaniya.

Bakas naman ang takot sa naglalakihang mga mata ng babae at hindi mapakali ang mga paa. "Tumakbo ka na! Paparating na siya!"

Napakunot naman ng noo si Peter dahil do'n. Lumingon siya sa likod upang tignan kung ano ang tinutukoy ng babae. Dito pa lang niya napansin ang iilang tao na tumatakbo rin. Ang karaniwang terminal ng mga dyip at tricycle ay bakante rin. Lahat sila ay may iisang ekspresyon sa kanilang mga mukha.

Blood Hunter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon