CHAPTER 14

28 1 0
                                        

"SUMAMA ka sa 'min at ipapakita namin sa 'yo kung paano pinatay ng mga mortal ang iyong pamilya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"SUMAMA ka sa 'min at ipapakita namin sa 'yo kung paano pinatay ng mga mortal ang iyong pamilya."

Lumayo si Peter mula sa proteksyon ni Hugo at lumapit sa demonyong nagsabi no'n. Isa itong matandang babae na kung susuriin, maaring namatay sa edad na animnapung taon. Nakayuko ito habang sinenyasan siya gamit ang kaniyang nakakunot na kamay. Sa kabila ng kaniyang pag-aalinlangan, nilapitan ito ni Peter.

"Huwag, Peter! Don't let the demons fool you," giit ni Hugo na hawak pa rin ang punyal.

"Sino ka ba, ha?!" Hindi na napigilan pa ni Peter na mapasigaw. "Paano kung totoo ang sinasabi nila, Hugo? Ipagkakait mo pa ba sa 'kin ang pagkakataon na malaman ko kung anong nangyari sa mga magulang ko?! Alam kong wala kang pakialam sa nangyari sa 'kin noon pero hindi ibig sabihin no'n ay kaya mo kong utus-utusan d'yan. Lagi ka na lang nanlalamang!"

Punong-puno na si Peter sa pag-uugali ni Hugo, dahilan kung bakit namumula na ito sa tindi ng galit niya. Hindi man malinaw dahil sa dilim ngunit kitang kita ang kaniyang panginginig sa galit. Tumulo ang kaniyang mga luha sa kaniyang mga mata. Hindi niya maiwasang ikumpara ang sarili sa kaniyang pinsan, kinasusuklaman ang katotohanang hindi siya naging matagumpay, masuwerte, o gaanong nagustuhan tulad ng kaniyang pinsan. Napaka-unfair at hindi na nakayanan pa ni Peter.

Naghintay ang luhaang si Peter ng sagot ngunit makaraan ang ilang sandali ay umiling-iling lamang si Hugo. "In the end, you ended up being like them..." alamig at walang kaemo-emosyon na wika ng pinsan. Sa sinag ng buwan, napansin ni Peter ang braso ni Hugo na sunog na sunog.

Nagtaka si Peter sa nangyari sa pinsan ngunit agad niya iyong iwinaksi. Pumikit siya nang mariin at pinunasan ang kaniyang mga luha. "A-ano?"

"What? Totoo naman, 'di ba? You've been fighting all your life to give justice to your parents and now, for Sandra, yet you ended up like them! Demonyo ka, Peter!" biglang bulyaw ng galit na si Hugo, dahilan para mapapitlag si Peter sa gulat.

"Shut up! Hindi mo alam kung anong pinagdadaanan ko kaya kung ako sa 'yo, tumigil ka na. Please lang, huwag kang umastang may pakialam ka sa 'kin dahil una pa lang, hindi mo na ako trinatong kapamilya mo! Suwerte ka dahil nasa 'yo na lahat. Laro-laro lang sa 'yo 'to pero para sa 'kin, buhay ko ito!"

Sarkastikong napangisi si Hugo, rumehistro ang galit sa mukha niya. "Then go! Wala lang pala sa 'yo lahat ng tulong ko, e. Go, you fucking moron."

"Fine!" Naglakad palayo si Peter habang nakataas ang noo. Sinamahan siya ng mga demonyo na tuwang tuwa sa nasaksihan. Nais ipakita ni Peter kay Hugo na kaya niyang maging matagumpay mag-isa para sa mga memoryang hindi niya maalala.

Nanginginig man, nakuhang hawakan ni Peter ang kamay ng matandang babae at nagsimula siyang huminga nang malalim. Tuluyan na niyang iniwan si Hugo nang mag-isa na mukha rin namang walang planong sumunod sa kaniya kaya pinabayaan na niya ito.

Ginabayan ng mga demonyo si Peter patungo sa gubat. Ilang mga bangkay ang mga nadaanan nila ngunit parang nasanay na sa amoy at itsura si Peter. Dinala ng mga demonyo si Pedro sa gitna ng kagubatan. Ang binata ay nagnanais na malutas ang nawala niyang alaala.

Blood Hunter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon