NATIGILAN sina Peter, Hugo, at Sandra nang marinig nila ang malalim na ungol ng demonyo. Nagpalitan sila ng nerbiyos na sulyap bago kusang tumalikod para tumakbo.
Habang nagkakagulo at tumatakbo ang lahat, sinamantala ni Hugo ang pagkakataon para mahiwalay kila Peter at mag-imbestiga nang mag-isa sa bahay.
Nakita ni Hugo na nagtago ang dalawa sa may basurahan kaya huminto na siya sa gitna ng kalsada upang sa kaniya matuon ang mga atensyon ng mga demonyo. Kailangan na lang ay hindi mapansin ng mga demonyo ang dalawa pa niyang kasama para matuloy ang kaniyang plano. Delikado ang plano ni Hugo, ngunit kailangan niyang subukan.
"Hugo! Pst!" rinig ni Hugo na tawag ni Sandra sa kaniya kaya tinignan niya sila. Ngumisi siya dahil umaayon lahat ng plano niya nang makita ang mga demonyo papalapit sa kaniya.
Bago pa man makapagsalita pa si Sandra, naisipan na ni Hugo na sumigaw-sigaw upang siya ang mapansin ng mga ito. "Hoy! Nandito ako! Taste my blood, you blood sucking monsters!"
Ilang beses pang nagsisigaw si Hugo hanggang sa naramdaman na niyang umalis ang dalawa sa lugar na iyon kaya naman dali-dali na rin siyang umaksyon at binuksan ang bitbit na flashlight at tumakbo sa kabilang direksyon.
Tumakbo si Hugo sa mala-maze na corridors na kaniyang namasdan noong unang dating niya sa bayan. Laging may plano si Hugo sa kaniyang isip na tila ba nauuna siya ng isang hakbang sa lahat ng nakakahalubilo kung kaya't kabisado na niya ang mga galaw ng mga demonyo at inilatag ang mga potensyal na ruta ng pagtakas.
Matapos masiguro na walang nakasunod sa kaniya sa harap ng bahay ni Peter ay pumasok na siya. Sadya nilang iniwang bukas ang mga ilaw sa bahay kaya pinatay at binaba na ni Hugo ang flashlight.
Malakas ang kutob ni Hugo na may kinalaman ang sikretong silid sa buhay ni Peter dahil ang bahay na ito ang tinitirhan ng pamilya ni Peter noong bata pa sila. Marahil hindi lang matandaan ni Peter ito dahil sa trauma niya noon.
Isa ito sa mga nakuhang kayamanan ng nanay ni Hugo mula sa pamilya ni Peter. Kung tutuusin, hindi naman na nila kailangan ng pera o kahit ano pa mang kayamanan dahil maayos naman ang kanilang pamumuhay sa California. Hindi rin totoong magkapatid ang kaniyang ina at ang tatay ni Peter kaya walang awa na winaldas ng kaniyang ina ang mga kayamanan ng kapatid niya sa papel.
Maingat na pumunta si Hugo sa loob ng kwarto ni Peter, medyo basa pa ang sahig dala ng nakaraang bago. Binuksan niya ang pintuan patungo sa sikretong silid. Nangilabot si Hugo pagkabukas ng pinto bago kinuha ang flashlight at bumaba.
Walang nagbago sa itsura ng kwarto simula noong huli silang dumating. Ngunit napansin ni Hugo na nakaalis na mula sa ponograpo ang plaka na hindi naman niya inalis noong pinapatay ito ni Sandra.
"Someone still goes here," napagtanto ni Hugo.
Binaling niya ang tingin sa libro, muli niyang binalikan ang mga larawan ni Peter noong siya ay bata pa. Habang nakatapat ang flashlight, pinagmasdan at kinumpara ni Hugo ang itsura ng batang Peter kasama ang mga matatanda ngunit nakita niyang hindi nagtutugma ang kanilang mga itsura.
BINABASA MO ANG
Blood Hunter [COMPLETED]
Misteri / ThrillerSa bayan ng Pápa, isang alamat ng bampirang demonyo ang kilala ng bawat residente na pumapatay ng sinumang nakikita. Tuwing nakakalipas ang apat na taon sa malamig na buwan ng Nobyembre, gumagawa ng isang kakaibang kababalaghan ang demonyo. Hindi ni...