CHAPTER 03

27 3 0
                                    

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin maiproseso ni Sandra ang sinabi ni Peter

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin maiproseso ni Sandra ang sinabi ni Peter. Ang ibig sabihin nito... ang mapupulang mata na nakikita niya kagabi ay ang demonyo!

"Sandra? Ano bang meron? Anong nakita mo?" bulalas ni Peter saka hinawakan ang magkabilang balikat ng dalaga para huminahon ito.

Biglang may kumalabog mula sa kwarto. Tila paheras silang nawalan ng kakayahang huminga at pinakiramdaman ang paligid.

Katahimikan. Sa sobrang tahimik at lapit nila sa isa't isa ay rinig nila ang malalalim na hininga na pinakakawalan nila.

Muling may kumalabog mula sa kwarto kaya hindi na napigilang magpakawala ng isang matinis na tili ni Sandra hanggang sa napagtanto nilang si Hugo lamang pala iyon.

"What? Did I ruin something?" Halatang kagigising lang ni Hugo at bakas sa mukha niya ang pagtataka sa nakitang posisyon ng dalawa. "Get a room." Sabay pasok niya sa banyo upang mag-ayos.

Napakurap-kurap naman si Sandra sa sinabi ni Hugo kaya naman lumayo na ito kay Peter dala ng hiya. Bumalik si Peter sa kusina upang ayusin ang hapagkainan. Lumingon ang dalaga sa direksyon ng banyo at saka hinila ang kamay ng kalalabas lang na si Hugo.

"Peter! Kailangan nating tignan kung nandoon pa siya!"

Kahit si Hugo ay naguguluhan sa turan ng dalaga pero wala naman itong magawa dahil hawak-hawak siya nito.

"Bakit?! Sinong siya?!" tanong pa ni Peter, halatang natataranta sa turan ni Sandra.

"M-mata! P-pulang mata! Bintana!" paulit-ulit na saad ni Sandra habang tinuturo ang pintuan ng kaniyang kwarto.

Lumapit si Hugo sa doorknob at saka ito pinihit. Dahan-dahan nitong binuksan ang pintuan at sumilip sa loob. Marahang pinikit ni Sandra ang kaniyang mga mata. Napansin naman ito ni Peter kaya pasimple nitong hinawakan ang kaniyang kamay.

"I don't see anything." Niluwagan ni Hugo ang pagkakabukas ng pinto saka sinindihan ang ilaw. Wala na ro'n ang inakalang painting ni Sandra. Maliwanag na ngayon ang pwesto na inakala niyang painting dahil sa sikat ng buwan. 'Pagkat nangilabot sa natuklasan ay nakahinga si Sandra nang maluwag dahil wala na ito.

Isinara na lang ulit ni Hugo ang pinto. Hindi man nakwento nang buo ni Sandra ang nakita niya, alam na niya ang tinutukoy nito. Hindi siya nag-aksaya ng oras at kumuha na lang ng pagkain mula sa lamesa saka nagkulong sa kwarto.

Naiwan sa salas si Peter at Sandra. Pansin ni Peter ang nanginginig ang mga kamay ng kasama habang magkaharap sila sa lamesa.

Dahan-dahan niya itong nilapitan bago niyakap at hinila palapit sa kaniya. "Magiging maayos din ang lahat," bulong niya sa tainga ni Sandra. "Nandito ako para sa iyo."

"Paano kung may nangyari na pala sa 'kin noon?" mahinang usal niya.

Marahang hinaplos ni Peter ang kaniyang buhok upang pakalmahin siya. "Hinding hindi na mauulit 'yon," paninigurado niya rito. "Kumalma ka lang. Wala na siya."

Blood Hunter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon