CHAPTER 07

29 4 0
                                        

SOBRANG lamig at nahihirapan na sila Hugo, Peter, at Sandra makakita dahil sa lakas ng ulan at hangin ngunit sa kabila nito ay takbo pa rin sila ng takbo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SOBRANG lamig at nahihirapan na sila Hugo, Peter, at Sandra makakita dahil sa lakas ng ulan at hangin ngunit sa kabila nito ay takbo pa rin sila ng takbo.

Sa gitna ng malakas na pagbuhos ng ulan, dumagsa ang mga tao sa mga lansangan habang umaalingawngaw ang alarma sa evacuation center. Desperado ang mga tao habang tumatakbo, ang ilan ay may mga payong, ang iba ay basang-basa habang nagmamadali patungo sa kaligtasan.

Kabadong-kabado rin sila dahil anumang oras ay pwede silang biktimahin ni Tandang Ozul. 

"I told you we should have gone to that stupid room!" giit ni Hugo na panay punas sa mukha at labi. 

"Paano kung may ibang pumunta doon? Delikado!" sigaw naman ni Peter. Saglit itong tumigil kaya napasunod sa kanya 'yong dalawa.

Lumiko si Peter sa isang eskinita bilang shortcut papunta sa evacuation center. Ang evacuation center nila ay makikita sa pinakatuktok ng bayan kung kaya't ito ang pinakaligtas na mapupuntahan tuwing bagyo. Sanay na si Peter sa daan patungo roon dahil malapit din doon ang simbahang kinalakihan niya. 

Huminto mula sila sa tabi ng eksinita at sinamantala ang pagkakataon para makahinga. 

"Tama ba itong dadaanan natin?" tanong ni Sandra na nahihirapang makakita sa tindi ng ulan.

Wala masyadong tao dito sa eskinitang ito hindi tulad kanina. Tahimik din ang lugar at tanging kulog at ulan lamang ang maririnig.

"Mas mapapadali tayo kung dito tayo dadaan," wika ni Peter at nangunang tumakbo.

Ang kadiliman ng eskinita ay naliliwanagan lamang ng paminsan-minsang kidlat, dito makikita ang kanilang nagliliyab na mga hakbang habang desperadong makarating na sa pupuntahan. Ang dagundong ng kulog ay umalingawngaw sa kanilang mga tainga ngunit nangingibabaw pa rin ang kaba sa kanilang dibdib kung sakali mang makakaharap nila ang demonyo.

Ilang liko pa ay natanaw na nila ang daan paakyat ng evacuation center at sa wakas, meron na ulit silang nakakasamang mga tao.

Sa gitna ng napakalakas na ulan, litong-lito si Sandra kung bakit umiiyak ang ilan o di kaya'y nakatingin sa kanilang likuran. At dahil sa curiousity ni Sandra, hindi na niya napigilang pa ang tumingin din sa direksyon na iyon. 

Nanlamig si Sandra sa takot, ang kanyang mga mata ay nakatuon sa labis na dugo sa kanyang likuran. Sa kabila ng malakas na ulan, naroon pa rin ang dugo ng mga biktima. Pinilit niyang intindihin ang malagim na eksena sa likuran niya. Nagkalat ang mga katawan sa lupa at ang kanilang walang buhay na mga mata ay nakatitig sa langit. 

Walang ibang makakagawa nito kundi si Tandang Ozul! Alam niyang kailangan niyang umalis doon, ngunit ayaw gumalaw ng kanyang mga paa.

"Sandra!" 

Muling bumalik sa realidad si Sandra matapos marinig ang sigaw ni Peter na kasalakuyang tumatakbo pabalik sa kanya. 

Si Sandra at Peter ay tumakbo para sa kanilang mga buhay habang ang demonyo ay patuloy na nagbibiktima ng mga kawawang mortal. Bumilis ang tibok ng kanilang mga puso, at ang kanilang mga hininga ay pigil na pigil habang nagpatuloy sila sa pagtakas. 

Blood Hunter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon