PROLOGUE

107 6 1
                                        

THIS STORY CONTAINS content that may be troubling to some readers, including, but not limited to, depictions of and references to death, vivid nightmare imagery, child abandonment, and more related themes. Please be mindful of these and other possible triggers.

Remember to practice self-care before, during, and after reading. You are loved <3

MABILIS na kumaripas ng takbo ang bata matapos marinig ang kaluskos mula sa kagubatan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MABILIS na kumaripas ng takbo ang bata matapos marinig ang kaluskos mula sa kagubatan. Hindi pa nito lubos na maisip kung bakit sa dami ng tao ay magulang pa niya ang napiling biktimahin nito.

"Dugo... dugo... dugo..."

Isang malalim at nakakikilabot na boses ang kaniyang narinig mula sa kaniyang likuran kung kaya't mas lalo pa niyang binilisan ang pagtakbo. Tagaktak na ang pawis niya at pakiramdam niya ay makakawala na sa kaniyang dibdib ang kaniyang puso sa lakas ng tibok nito. Ngunit hindi ito naging dahilan para tumigil.

Ang bayan ng Pápa ay kasalukuyang tahimik. Walang sinuman ang may lakas ng loob na lumabas ng ganitong oras dahil sa demonyong sikat sa kanilang bayan simula pa noong unang panahon. Kahit pa sumigaw ka ng saklolo ay walang maglalakas-loob upang tulungan ka. Ang bayan ay malapit sa gubat kung saan ang sabi-sabi ay ito ang tirahan ng mga alagad ni Tandang Ozul.

Walang ibang ginawa ang bata kun'di tumakbo, hindi man niya alam kung saan pupunta. Basta ang mahalaga ay makatakas siya sa kung ano mang demonyong humahabol sa kaniya.

Kailangan niyang mabuhay upang maipaghiganti ang kaniyang mga magulang na walang awang pinatay at kinatay ng demonyong iyon. Hindi pa ito nakuntento at talagang sinipsip pa lahat ng dugo nila. Dilat ang mata at naglilang balat na ang mga ito.

Ang simpleng paglabas at paglaro ay nauwi sa ganitong trahedya. Marahan siyang pumikit upang pigilan ang mga luha. Buo na ang loob niya sa kaniyang planong gawin. Hindi na niya pababayaang patuloy ang pagpatay nitong demonyo sa kanilang bayan.

Sa pagkadesperado, hindi nito napansin ang bato na nakabaon sa lupa kaya nadapa siya. Napasigaw siya sa sakit at kahit anong pilit niyang tumayo, hindi niya maigalaw ang kaniyang binti.

"Katapusan ko na rin ba?" tanong niya sa kaniyang isipan.

Tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha na kaniyang pinipigilan magbuhat kanina. Lahat ng kaniyang plano para maghiganti ay tila nawala nang parang bula. Kung mabubuhay lang din naman siya na wala ang kaniyang mga magulang, mabuti na rin namang mamamatay na lang siya at makasama sila.

Isang malamig at magaspang na kamay ang humawak sa pisngi niya. Tila pinunasan pa nito ang mga luha niya. Agad na gumapang ang matinding kilabot sa buong katawan niya.

"Dugo... dugo... dugo..."

Idinilat niya ang kaniyang mga mata, ngunit kadiliman lang ang sumalubong sa kaniya. Tumahimik na rin ang buong paligid at pakiramdam niya, anumang oras ay may magpapakita na lang sa kaniya.

Hindi nga siya nagkakamali dahil bigla na lang may lumabas na dalawang pulang mata sa kaniyang harapan at hinablot siya patungo sa kagubatan.

Isang matinis na sigaw ang kaniyang pinakawalan bago tuluyang lamunin ng kadiliman.

***

Kinabukasan, ipinalabas sa balita ang kwento ng isang pamilya kung saan may mag-asawang namatay. Bakas ang dalawang marka ng ngipin sa kanilang leeg at hindi na pinakita sa balita ang tyan nilang gutay-gutay na. Samantala, ang anak nitong lalaki ay hindi mahanap sa loob ng bayan.

Isa na namang malumbay na balita ito sa bayan ng Pápa dahil muli na naman silang nabawasan. Kahit pa takot na takot na sila, wala silang magagawa kun'di harapin ang mga susunod na araw. Hindi rin naman kasi sila maaaring lumipat ng bayan dahil bali-balita raw ay wala pang sinumang nakaaalis nang buhay sa mga nagtangkang tumakas mula sa demonyo.

Ano pa nga bang magagawa nila upang matapos na ang lahat ng kamalasan at pagdurusa nila?

Ano pa nga bang magagawa nila upang matapos na ang lahat ng kamalasan at pagdurusa nila?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Blood Hunter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon