CHAPTER 06

31 4 0
                                        

GULONG-GULO ang batang Peter sa inaasta ng kaniyang mga magulang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

GULONG-GULO ang batang Peter sa inaasta ng kaniyang mga magulang. Para kasing hindi sila mapakali at may kinatatakutan.

"Kailangan na nating umalis dito! Papatayin nila tayo," wika ng kaniyang ama habang kumukuha ng ilang damit mula sa kanilang cabinet.

Ang kaniyang ina naman ay pasimpleng sumisilip mula sa kanilang bintana upang magsilbing bantay sa kung ano mang papatay sa kanila.

"'Ma? Ano pong nangyayari?" tanong ng inosenteng bata.

"'Nak! Naglalaro lang tayo, basta hindi nila tayong pwedeng makita dahil mamamatay tayo!" sagot ng kaniyang ina at muling binalik ang tingin sa bintana.

Sino ang tinutukoy nila?

"Hindi ka kasi nagdadahan-dahan, e!" gigil na saad ng kaniyang ina sa kaniyang ama.

Nang masigurado ng kaniyang ama na kumpleto na ang kanilang mga gamit, dahan-dahan silang dumaan sa likod ng kanilang bahay. Inikot ng kaniyang ina ang door knob at maingat na itinulak iyon.

Naririnig pa rin nila ang mga hiyaw ng kung ano man sa harapan ng kanilang bahay kaya naman wala nang ibang paraan na naiisip pa ang mga magulang ni Peter kun'di ang dumaan sa ipinagbabawal na gubat upang makatago sa humahabol sa kanila.

Ang karaniwang kalmado na magulang niya ay hindi halos mapakali habang naglalakad pailalim ng gubat. Habang naglalakad sila nang mas malalim sa ipinagbabawal na kagubatan, unti-unting naiintindihan ni Peter na hindi lamang basta laro ang kanilang ginagawa. Nararamdaman din niya na tila may sumusunod nga sa kanila kaya kahit pa nangangawit na ang kaniyang mga binti, pinilit niya pa ring makipagsabayan sa hakbang ng kaniyang mga magulang.

Tagaktak na ng pawis ang kanilang mga noo at hingal na hingal na rin sila. Panandalian silang huminto sa likod ng isang malaking puno upang magpahinga. Sa wakas, naipaliwanag na nila sa kanilang anak kung bakit sila nasa ganitong sitwasyon.

"Kahit anong gawin mo, paglaki mo, Anak, 'wag na 'wag kang makikipaghalubilo sa kanila. Kalaban natin sila at hindi nila tayo titigilan hangga't hindi nila tayo nauubos. Delikado sila, Anak," paalala ng kaniyang ama at sa sandaling iyon, tumigil ang mundo ni Peter.

***

Napatayo si Peter sa kama, hingal na hingal at mabilis ang tibok ng puso niya. Tumutulo rin ang pawis sa mukha niya na para bang nakipagkarera ito. Habang pinakakalma ang sarili, napansin niya ang isang pigura na nakatayo sa tabi ng kaniyang pintuan. Nakasarado ang ilaw ng kaniyang kwarto kung kaya't hindi niya ito makita nang maayos at tanging sinag lang ng buwan mula sa kaniyang bintana ang siyang nagsisilbing ilaw ng kaniyang kwarto.

Ilang segundo pa ang lumipas bago niya napagtantong isa lamang pala itong anino ng kaniyang jacket na nakasabit sa likod ng kaniyang pintuan. Nagpakawala siya ng isang malalim na bugtong-hininga sa nalaman at saka kumalma na.

Blood Hunter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon