CHAPTER 02

57 7 1
                                        

"SHH

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"SHH..."

Halos kapusan ng hininga ang dalawa nang makita ang isang pigura ng lalaki sa loob ng tirahan ni Peter. Ito ang taong humila sa kanila paloob ng bahay at saka mabilis na isinirado ang gate.

"Anong ginagawa mo rito?" Bumakas agad ang galit sa mukha ni Peter. "At saka bakit ka nakapasok sa bahay ko?"

"Relax, couz. Parang hindi ko sinagip buhay niyo, ah? Hindi mo ba ako nami-miss?" ani ni Hugo at nakuha pang ngumisi. "Also, do you think wala akong susi rito sa bahay na ako mismo ang nag-refer sa 'yo?"

Bumusangot si Peter bilang sagot sa pinsan niya. Si Hugo ay pinsan niya sa tatay at naninirahan ito sa California. Bihira lang ito umuwi ng Pinas kaya hindi niya inaasahang nandito ito.

Una niyang nakilala si Hugo noong nakalabas na siya ng ospital matapos ng aksidente nilang magkakapamilya. Hindi man maalala ni Peter ang nangyari sa kaniya nang naaksidente sila, naaalala niya pa rin naman ang pinsan na ikinukuwento ng kaniyang ama. Ito lang kasi ang natatanging pinsan niya dahil ang nanay naman niya ay nag-iisang anak.

Ang buong akala ng mga pulisya at madre ay kukupkupin nila ang bata ngunit ang pakay lamang pala nito ay makuha ang kayamanan na naiwan ng tatay ni Peter. Nagwagi naman ang pamilya ni Hugo sa kanilang pakay at bumalik na rin agad sa California. Sa huli, namuo ang galit ni Peter sa natitirang kapamilya niya hanggang ngayon.

"Sino siya, Peter?" takang tanong ni Sandra. Ang alam din kasi ni Sandra ay nag-iisa lang ito sa buhay.

"Pinsan ko, si Hugo. Huwag mo na pansinin 'yan. Gusto mo ba ng tubig?" alok ni Peter. Tumango naman ang dalaga kaya agarang kumilos si Peter papunta sa kusina.

Humarap si Sandra kay Hugo at pinagmasdan ang binata. Hindi maipagkakaila ni Sandra na nakuha agad ni Hugo ang kaniyang paningin. Si Hugo ay may matalas na pisikal. Matangkad, maputi, may batak na pangangatawan, at may matulis na jawline. Ang kaniyang ginintuang kayumangging mga mata ay malalim at makahulugan, tipong maaari kang mawala kung tititig ka nang matagal.

"You done staring?"

Hindi namalayan ni Sandra na napansin na pala siya ni Hugo. Napaiwas tuloy ito ng tingin. "Kapal! Hindi ko lang alam pa'no ako magpapasalamat sa 'yo sa ginawa mo kanina, pero huwag na lang pala."

Dumating na si Peter na may dalang dalawang baso ng tubig para sa kanila ni Sandra. Maliit lang na bahay ang inuupahan ni Peter. Pagpasok ay makikita mo na agad ang salas at kusina. May dalawa itong kuwarto at isang banyo.

"Thank you," pasasalamat ni Sandra saka kinuha ang baso sa kamay ni Peter. Sa pagkauhaw ay pati kamay ng binata ay nahawakan niya rin.

Namula agad ang tainga at pisngi ni Peter sa botalyeng kuryenteng naramdaman niya sa palad ng dalaga. Mabuti na lamang ay agad nabawi ni Sandra ang kaniyang kamay kun'di ay hindi na alam ni Peter ang gagawin sa kilig.

***

"Can you guys describe to me what you have seen?" Nilabas ni Hugo ang maliit niyang notepad at ballpen.

Blood Hunter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon