Sa bayan ng Pápa, isang alamat ng bampirang demonyo ang kilala ng bawat residente na pumapatay ng sinumang nakikita. Tuwing nakakalipas ang apat na taon sa malamig na buwan ng Nobyembre, gumagawa ng isang kakaibang kababalaghan ang demonyo. Hindi ni...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
NAGISING ang walang kamuwang-muwang na sanggol dahil sa boses ng nag-aalaga sa kaniya na madre mula sa labas ng kaniyang kwarto. Kinusot niya ang kaniyang mga mata at dahan-dahang nag-inat ng katawan.
Nang mapansin ng madre ang paggising ng bata, sumunod ang mag-asawa na mistulang nakakita ng regalo sa harapan nila. Matagal nang pabalik-balik ang mag-asawang ito kaya naman hindi na sila nanibago sa eksenang nakikita nila.
Simula pa noong ipinanganak ang bata, kinupkop na ito ng madreng nakakita sa kaniya noong isang gabi sa labas ng simbahan. Dahan-dahan niyang iniabot sa babae ang batang lalaki upang siya ang magbuhat dito.
Habang buhat-buhat ng babae ang bata, hindi nito maiwasang maluha sa tuwa at imagine-in ang kanilang pagsasama. Sisiguraduhin niyang lalaki ito na punong-puno ng pagmamahal at naibibigay lahat ng gusto. Hindi na siya makapaghintay sa kanilang kinabukasan kasama ang sanggol na si Peter.
"Masarap 'to, Peter. Tikman mo lang!" aya ng nanay ni Peter na sinusubuan siya ng broccoli. Pero hindi niya gusto ang lasa o texture ng mga gulay, kahit anong pilit ng kaniyang ina.
"Ayoko po talaga," nahihiyang sambit ni Peter. Wala nang nagawa pa ang ina kun'di ang itabi ang gulay sa ulam niya.
Lumaki si Peter na hindi kumakain ng gulay. Sinubukan ng kaniyang mga magulang ang lahat ngunit ang bawat gulay sa kaniyang plato ay sinalubong ng isang labis na pagtanggi. Malakas naman siyang kumain ng karne kaya isinawalang bahala na lamang nila ang pag-iwas niya sa pagkain ng gulay.
"'Pa, 'Ma, saan po tayo punta?" curious na tanong ni Peter habang papunta sila sa isang maliit na bahay malapit sa gubat.
"Dito na muna tayo titira, Peter, ha? Babalik din tayo roon kapag okay na ang lahat."
***
"Earth to Peter?"
Tulala si Peter nang ibalik siya sa reyalidad ng mga salita ni Hugo. Nawala na naman siya sa kaniyang iniisip. Hanggang ngayon, sinisisi pa rin niya ang sarili sa nangyari kanina. Kung hindi lang sana siya napagod nang mga oras na 'yon, baka sakaling makakasama pa noong dalawang magkapatid ang kanilang ina. Ngunit dahil sa kahinaan niya, nauwi lang ang lahat sa isang napakasakit na pangyayari.
Kasalakuyang kumakain ang lahat ng nasa evacuation center. Wala silang lamesa kung kaya't lahat sila ay nakaupo lamang sa sahig at nagkukumpulan. Hiyang-hiya si Peter sa nangyari kanina kaya naman ginagawa niya ang lahat upang hindi makita ang lalaki at ang mga anak nito ngayon. Alam kasi niya na sisisihin din siya ng mga ito at baka kung ano pa ang mangyari.
"C'mon! Gusto mo pa bang subuan ka ni Sandra?" reklamo ni Hugo na siyang hinampas naman ni Sandra.
"Wala ka talagang silbi, ano?!" bulyaw ng dalaga.
Tila hindi makapaniwala si Hugo sa narinig at para bang nasaktan pa ito sa sinabi sa kaniya ni Sandra. "What do you mean?!"
"Okay, fine, may silbi ka naman minsan. Pero pwede bang tumino ka naman ngayon?" Tinaasan na ng kilay ni Sandra si Hugo kaya wala nang sinabi pa ang binata at humarap na lang sa pinsan.