CHAPTER 15

20 0 0
                                    

"KATAPUSAN niyo na!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"KATAPUSAN niyo na!"

Misteryo. Iyon lang ang tanging rason kung bakit napadpad sa bayan na ito si Hugo. Nais niyang malaman ang mga kasagutan tungkol sa alamat ni Tandang Ozul at kung bakit kinatatakutan siya ng mga tao. Wala sa plano niya ang intindihin ang buhay ng ibang tao dahil isa lamang iyong hadlang sa kaniyang misyon.

"But love is an emotional thing, and whatever is emotional is opposed to that true cold reason which I place above all things," ika nga ng paboritong detective ni Hugo.

Ngunit nagbago ang kaniyang pananaw nang makita niya ang mga effort ni Peter upang tulungan lahat ng nangangailangan, kahit pa ikapahamak ito ng buhay niya.

Binaling ni Hugo ang kaniyang tingin sa hawak niyang punyal. Nakasabit naman sa kaniyang leeg ang flashlight dahil hindi na niya talaga maigalaw ang isa niyang braso. Ayaw niya mang aminin ngunit kinakabahan na siya dahil 'di hamak na mas malakas ang pinsan niya ngayong nakaanyong demonyo ito.

Does this dagger have a chance against him? isip ni Hugo. Tsk! palatak niya.

Hindi niya nais humantong sa ganito ang lahat. Kung tutuusin, nais pa niyang tulungan ang pinsan kahit pa masama ang loob nito sa kaniya.

Sa nakalipas na buwan, ang mundo ay nababalot ng kadiliman. Ang kawalan ng araw ay nagdulot ng kaguluhan, kamatayan, at desperasyong mamuhay sa buong mundo. Ngunit ngayon, dalawang oras na lang at sisikat na ang araw. At sa oras na iyon, kailangan niyang pakalmahin si Peter dahil kung hindi, dalawa lang ang pwedeng mangyayari sa kaniya. Maaaring mamatay si Peter dahil sa sikat ng araw o mananatili siyang isang demonyo magpakailanman.

"Walang susugod! Hayaan niyong mag-bonding kaming magpinsan," utos ni Peter sa mga demonyo na ngayo'y nagbalik anyo bilang anino at saka ngumisi.

Isang malakas na angil ang pinakawalan ni Peter bago sumugod sa direksyon ni Hugo. Sa kaniyang pagsugod, bumwelo siya ng isang malakas na suntok. Hindi man bihasa si Hugo sa kahit anong armas ngunit sinalubong niya ito sa kalagitnaan upang ipagtanggol ang sarili.

Mas mabilis ang suntok ni Peter kaya tumilapon si Hugo na para bang lata na pagulong-gulong sa sahig. Napaungol siya sa sakit pero kaagad rin siyang tumayo.

"Peter, I know you're still in there," desperadong saad ni Hugo, alerto sa sunod nitong magiging galaw.

"Ako 'to, Hugo! Si Peter! Ang prinsipe ng mga bampirang anino." Malakas itong tumawa. Iba na rin ang boses nito. Ang dating mahinahon na boses niya ay napalitan ng mas malalim at malaki.

Muling sumugod si Peter, mas mabilis at mas malakas ang kaniyang mga suntok kumpara kanina. Ang tanging nagagawa na lamang ni Hugo ay harangan ito gamit ang hawak na punyal. Ayaw rin kasi niyang gamitin ang punyal upang patayin ang pinsan. Naniniwala siyang makababalik pa ito sa dati.

"Anong pakiramdam na mas malakas na 'ko sa 'yo?" panunuya niya. Napadaing si Hugo sa gigil habang sinasangga ang mga suntok ni Peter, ngunit tumawa lang ang huli.

Blood Hunter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon