CHAPTER 04

41 5 0
                                        

ANG buong akala ni Peter ay wala nang mas sasakit pa noong lumaki siyang walang mga magulang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ANG buong akala ni Peter ay wala nang mas sasakit pa noong lumaki siyang walang mga magulang... Ngunit meron pa pala.

"Peter? Peter!"

Mabigat ang pakiramdam niya ngayon habang ang dugo niya ay kumukulo sa galit. Hindi niya lubos na aakalaing sa kamay pala ng mga demonyo namatay ang kaniyang mga magulang. Ang dating kalmadong kilos niya ay napalitan ng hindi mapigilang galit na lumamon sa kaniya. Kinuyom niya ang kaniyang mga kamao, sinusubukang pigilan ang galit, ngunit lalo lamang sumasama ang kaniyang pakiramdam.

Tumulo ang mga luha sa kaniyang mukha habang ang kaniyang buong pagkatao ay nilalamon ng galit, pagkabigo, at pagtataksil.

Wala sa sarili itong tumayo at lumapit kay Hugo. Nanginginig pa ang mga kamay niya habang ipinapatong ang dalawang kamay sa balikat ni Hugo.

"Tu-tulungan mo 'ko..."

"Patayin natin siya. Patayin natin ang Tandang Ozul!"

***

"Sigurado ba kayo sa pinaplano niyo?" maingat ngunit nagdududang tanong ni Sandra.

Pinag-uusapan kasi nila Hugo at Peter na lumabas ng bahay upang masundan ang kilos ng demonyo nang palihim. Dito nila balak alamin kung ano ang kahinaan nito at kung paano ito mahuhuli at mapapaslang.

Ito na rin ang nagsisilbing revenge plan ni Peter para sa kaniyang mga magulang. Hindi niya hahayaang mapunta sa wala ang sakripisyo nila para mailigtas siya.

"Mas mabuti nang may gawin tayo kaysa ganito na lang lagi. Huwag kang mag-alala, Sandra, hindi mo kailangan sumama. Ikaw na muna ang bahala rito sa bahay ko," saad ni Peter.

"Hindi ako papayag maiwan lang dito!" sagot naman ni Sandra.

Tumingin si Peter kay Hugo na para bang nanghihingi ng tulong sa pinsan. Ngumisi lang si Hugo at umiling-iling. "Well it is dangerous, but she's old enough. Besides, you're there to be her taga-bantay. If anything happens, it's on you."

Ngumiti nang parang bata si Sandra at saka tinignan si Peter na tila kinukumbinsi ito na payagan siyang sumama. Nagpapasalamat si Sandra kay Hugo sa kaniyang isipan dahil hindi nito kinampihan ang pinsan.

"Tama! At saka kahit hindi mo rin naman ako bantayan, e, kaya ko naman sarili ko, 'no!"

Wala nang ibang nagawa si Peter kun'di ang sumang-ayon sa gusto ng dalaga kahit pa na labag ito sa kaniyang kalooban. Pinagpatuloy nila ang pag-uusap tungkol sa kanilang mga plano at naghanap ng mga gamit na kakailanganin nila tulad ng flashlight, itak, at kaunting mga pagkain.

Sa ngayon, plano nilang lumabas nang dalawang araw upang suriin ang demonyo. Pagkatapos, titignan nila kung paano nila mahuhuli ang demonyo at tapusin na ang lahat ng ito.

"Kapag namatay na ba ang demonyong Ozul, lalabas na rin ba ang araw?" tanong ni Peter.

Walang nakasagot sa kaniyang tanong. Wala naman kasi talagang nakaaalam kung anong koneksyon ng buwan at ni Tandang Ozul. Basta ang alam nila ay dito ito lumalakas at naglilibot.

Blood Hunter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon