CHAPTER 12

26 1 0
                                        

"TULUNGAN niyo po ako, ayoko na po mamuhay ng ganito," pagmamakaawa ng isang demonyo sa isang madre

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"TULUNGAN niyo po ako, ayoko na po mamuhay ng ganito," pagmamakaawa ng isang demonyo sa isang madre.

"Bakit?" Tanong ng madre na hawak-hawak ang rosaryo.

"Dahil nakilala ko si Rosa! Gusto ko na pong tigilan ang pagpatay sa mga taong tulad ninyo na walang ginagawa kundi maging mabait sa kapwa. Mapayapa ang buhay ninyo kundi lang dahil saming mga demonyo. Nais ko po maging parte ng mundo ninyo." 

"Sigurado ka ba na hindi mo lang kami nililinlang?" Nakataas ang kilay ng madre habang tinatanong ang demonyo.

"Hindi po! Mahal ko po si Rosa. Tulungan niyo po akong maging mortal at handa akong maging sandata ninyo laban sa mga demonyo." 

Si Pedro ay laking demonyo na umaaligid sa bayan ng Pápa. Sa loob ng maraming taon, ilang tao, mapa bata man o matanda, ang kanilang mga binibiktima. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala ni Pedro si Rosa. Isang dalagita na humarap sa kanya nang hindi man natatakot bagkus kinakamusta pa siya.

Una niyang nakilala si Rosa noong naligaw ito sa kanilang kagubatan. Mag-isa lamang ito at tila hindi makalabas sa gubat kahit anong lakad niya. Lalapangin na sana niya ito ngunit bigla na lang siya niyakap ni Rosa sa tuwa sa kadahilang nalaman niyang hindi siya nag iisa. Dahil doon, lumambot ang puso ni Pedro at tinulungan siyang makalabas ng gubat. 

Ilang araw pabalik-balik si Rosa sa bungad ng gubat upang makausap si Pedro. Nagkakilala sila at nagmahalan.  Unti-unting nakita ni Pedro ang  mapayapang buhay ng mga mortal ngunit alam niyang hindi sila dapat magsama ni Rosa dahil isa siyang demonyo. 

Ngunit ipinakita ni Rosa na hindi magbabago ang kanyang tingin sa kanya kahit pa na siya ay isang demonyo. Labis na natuwa ang lalaki sa turan ng dalaga kaya naman  humanap siya ng madre para bautismuhan siya. 

"Pakiusap po." 

Nag-alinlangan ang madre ngunit nakita niya ang desperasyon sa mga mata ni Pedro at pumayag. Matindi ang naging seremonya, ngunit nang matapos ito, pakiramdam ni Pedro gumaan ang kanyang pakiramdam. Tila binigyan ng bagong buhay si Pedro habang niyayakap si Rosa, nagpapasalamat sa pagkakataong manirahan bilang isang mortal kasama ang mahal niya.

Sa mundo ng mga demonyo, pinamumunuan sila ni Tandang Ozul, ang hari ng mga bampirang anino. May dalawang uri ng bampirang anino. Una, ang mga may patay na kaluluwa ay mamumuhay bilang isang anino at upang mapanaliti ang kanilang anyo, kailangan nilang kumain ng laman-loob ng mga tao. At ang sunod naman ay ang mga may kaluluwang buhay pa, sapat na sa kanila sumipsip ng dugo mula sa mga tao upang magpatuloy sa buhay. 

Hindi sila lumalabas sa kanilang gubat dahil kayang-kaya silang patayin ng mga tao. Ngunit nagbago ang lahat matapos malaman ni Tandang Ozul ang pagtataksil ni Pedro sa kanya.

"Paano niya tayo pinagtaksilan ng ganito?" bulalas niya matapos ibalita sa kanya ang pagpapalit anyo ni Pedro.

Bakit niya napiling ipagpalit ang mga demonyo sa mga mortal? Sila ay mga pagkain at kaaway lamang nila,  hindi mga kaalyado. Nagtiwala si Ozul kay Pedro, at ngayon ay nagmukha siyang tanga.

Blood Hunter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon