EPILOGUE

53 2 2
                                        

'SING BILIS ng kidlat na nagpalitan ng atake si Tandang Ozul at si Hugo na ngayon ay sinaniban ng kaluluwa ni Pedro

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

'SING BILIS ng kidlat na nagpalitan ng atake si Tandang Ozul at si Hugo na ngayon ay sinaniban ng kaluluwa ni Pedro.

Dumiretso sa kaniya si Tandang Ozul at umiwas naman si Pedro pakaliwa. Ngunit tila inaasahan na ni Tandang Ozul iyon at inilapag niya ang isang kanang kawit sa gitna ng dibdib ni Pedro.

Pakiramdam ni Peter ay parang titigil na ang puso niya sa pagkabigla ngunit mabuti na lamang ay malakas ang pangangatawan ni Hugo. Bumangon si Pedro at muling sumugod kay Tandang Ozul.

Samantala, hindi naman makapaniwala si Peter sa nangyayari. Panay ang pag-agos ng luha sa mga mata niya. Totoo bang nasa katawan ni Hugo si Pedro?

Paulit-ulit na naglaro sa kaniyang isipan ang mga alaala noong bata pa siya — noong pinapasyal siya ng kaniyang mga magulang sa parke, kung paano siya inalagaan ng mga ito, hanggang sa namatay sila. Muling bumalik ang kaniyang mga alaala kasama ng mga magulang niya.

Totoo ngang mas malakas ang puso kaysa sa dugo.

"'Pa?!" sigaw ni Peter. "Totoo bang ikaw 'yan?"

"Oo, Peter, ako nga ito. Nandito ako para protektahan ka at ang bayan na ito," sagot ni Pedro habang umiiwas sa atake ni Tandang Ozul.

"Pero pinatay ka ng mga mortal!" bulalas ni Peter. "Hindi sila nararapat na protektahan."

"Pero sila rin ang may mabuting puso na tinanggap ako, lalo na ang iyong ina. Natural lang sa kanila ang matakot sa nakaraan ko dahil may pinoprotektahan sila. Lahat ng bagay ay kaya nating gawin para sa mga pinoprotektahan natin." Nasuntok si Pedro sa mukha kaya naman dumugo ang ilong nito.

Mabilis na ginamit ni Tandang Ozul ang oportunidad na 'yon upang itusok ang mahaha niyang kuko sa sikmura ni Pedro.

"Huwag kang makinig sa kaniya, Peter! Ako ang nagsilang sa 'yo sa mundong ito!" sigaw ni Tandang Ozul. Walang ano-ano'y bigla na lamang pinihit ni Tandang Ozul paikot ang kaniyang kamay sa sikmura ni Pedro, dahilan para mas lalong dumami ang dugong pumapatak sa sahig.

Ngumisi si Pedro kahit pa umaagos na ang dugo mula sa kaniyang bibig. Mahigpit na hinawakan ni Pedro ang kamay ni Tandang Ozul at saka ginamit ang kabilang kamay upang hiwain ang ulo ng kalaban.

Sumigaw-sigaw si Tandang Ozul na parang nauulol na halimaw hanggang sa unti-unti itong nawala sa hangin.

Hilong-hilo at napakalabo man ng paningin, pilit na lumapit si Pedro kay Peter at niyakap ito.

"Anak, kailangan mong puntahan ang madreng nag-alaga sa 'yo bago ka namin ampunin. Siya ang tumulong sa 'kin para maging tunay na mortal. Kailangan mo siyang puntahan ngayon din para makabalik ka sa dati mong pamumuhay!" utos ni Pedro sa kaniya.

"Pero, 'Pa, paano ka na?" naluluhang saad ni Peter. Kung si Peter ang masusunod, ayaw na niyang umalis pa sa bisig ng kaniyang ama, kahit pa gamit nito ang katawan ni Hugo.

Blood Hunter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon