CHAPTER 11

20 1 0
                                    

SA ISANG iglap, natagpuan na lamang nina Peter at Sandra ang kanilang mga sarili na napalilibutan ng mga anino na tila ba natatakam pa dahil sa mga ngiti na nakikita nila sa kanilang mapupulang mga mata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SA ISANG iglap, natagpuan na lamang nina Peter at Sandra ang kanilang mga sarili na napalilibutan ng mga anino na tila ba natatakam pa dahil sa mga ngiti na nakikita nila sa kanilang mapupulang mga mata. Nakuha nilang gibain ang ilang sulok ng bahay at naging agresibo rin ang kanilang mga kilos.

"Lumayo kayo!" depensa ni Peter habang pinapakita sa kanila ang hawak na punyal. "Hindi niyo gugustuhin gagawin ko," matapang na wika niya habang pinoprotektahan si Sandra sa kaniyang likuran.

Sa kabila ng naramdaman niyang kirot sa puso, hindi niya pa rin pinababayaan si Sandra. Malamang ay sa halos isang buwan nilang pagsasama sa iisang bubong, nagkaroon siya ng sense of protectiveness sa mga taong mahalaga sa kaniyang buhay ngayon.

Pinakiramdaman at pinagmasdan ni Peter ang mga demonyo sa kaniyang paligid upang makahanap ng pagtatakasan. Gumaan ang pakiramdam niya at umaasa nang makita ang butas sa pagitan ng demonyo at sirang bahagi ng bahay.

"Sandra, tumakbo ka na! Ako ang bahala sa 'yo!" sabi ni Peter sa dalaga at humarap sa kaniya.

Bumibilis ang tibok ng puso ni Sandra habang nakatayo sa harap ng mga demonyo, tila ba hindi na niya naririnig ang mga sinasabi ni Peter sa kaniya. Iisa lamang ang pumapasok sa kaniyang utak.

"Nasaan si Hugo?! Anong ginawa niyo sa kaniya?" sigaw ni Sandra. Tumawa nang pagkalakas-lakas ang mga demonyo. Nakabibingi at nakababaliw ang sabay-sabay nilang pagtawa kaya paheras nilang tinakpan ang kanilang mga tainga.

"Pinatay na namin siya! Ang mga inutil na mortal ay dapat nang pinapatay!" pang-aasar ng demonyo sa kanila.

Hindi makapaniwalang napatingin si Sandra sa nagsalita. "Hi-hindi..." ang tanging nasabi niya.

"Totoo! Pinagsaluhan namin ang dugo ng mortal na iyon. Mainit-init at malinamnam! Halatang inaalagaan ang katawan nang mabuti. Bihira lang kami makatikim ng ganoong klase ng dugo!" Tumawa ang mga demonyo pagkatapos ay sumeryoso.

Biglang umihip ang malakas na hangin sa kanilang paligid, gumulo ang kanilang mga buhok at damit dahil doon. Tumingala sila upang makita ang mga demonyo. Muling sumilay sa kanilang mga mukha ang nakakikilabot na ngiti.

"Hindi totoo 'yan!" sigaw ni Sandra. Biglang pumatak ang mga luha niya.

Pinagmasdan ni Sandra ang paglapit ng mga demonyo. Puno ng malisya at gutom ang kanilang mga mata habang unti-unti silang bumababa kapantay nila. Alam niya na hindi siya dapat sumugod sa mga demonyo ngunit bigla siyang nakaramdam ng tapang dahil sa adrenaline na dumadaloy sa kaniyang mga ugat. Pakiramdam din niya ay anumang oras, sasabog na siya sa galit kung totoo man ang sinasabi ng mga demonyo.

Pumikit siya nang ilang segundo at sumugod sa direksyon ng mga demonyo nang hindi nag-iisip. Inipon niya ang lahat ng lakas niya at tumakbo padiretso. Ngumisi ang mga demonyo habang papalapit siya. Huli na nang napagtanto ni Sandra na ang kaniyang katapangan ay walang halaga kumpara sa kanilang supernatural na kapangyarihan. Sa paglapit nila sa kaniya, pinagsisihan niya ang kaniyang hangal na desisyon. Ngunit huli na ang lahat.

Blood Hunter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon