PAGKARATING sa harapan ng lumang tahanan ni Peter ay binaba na niya si Sandra. Napansin niya ang pagbabalat ng pintura sa harap ng pinto at tinutubuan ng damuhan. Ang mga bintana ay naka-board up at ang balkonahe ay sira-sira na at may karupukan.
Pagdating sa loob, bumalik ang masangsang na amoy ng pag-abandona at tunog ng paglangitngit ng mga tabla sa sahig sa kanilang mga paa. Ang mga dingding ay natatakpan ng amag at mga sapot ng gagamba sa bawat sulok.
Mabuti na lang at may dala silang lampara na siyang nagsilbing liwanag sa bahay. Ngunit hindi dapat sila magpakakampante dahil baka anumang oras ay mamatay rin ito.
"So, dito ka pala nakatira noon," wika ni Sandra habang minamasdan ang mga dingding. Mayroon ding mga nakapaskil na larawan ni Peter noon kasama ang kaniyang mga magulang.
Sumakit bigla ang ulo ni Peter at sa sandaling iyon, may naaalala muli siya. Naalala niya noong panahon na naglalaro sila ng kaniyang ama ng baril-barilan at sabi pa ng kaniyang ama na si Pedro na balang araw ay magagamit niya ang natututunan niya ngayon sa darating na panahon.
Hindi mapigilan ni Peter ang maluha dahil sa kalungkutan nang mapagtanto niya kung gaano kalaki ang pinagbago ng tahanan nila ngunit may kasiyahan din sa pagbabalik-tanaw sa masasayang sandali ng kaniyang nakaraan.
Nakita ng binata ang isang larawan niya sa gilid ng tokador. Nakangiti ito habang nakaupo at may pagkain sa kaniyang harapan.
"Alam mo ba na dati ay hindi ako kumakain ng kahit anong gulay? Pero noong namatay sila, sa hospital, wala akong ibang kinain kun'di gulay, nagbabakasaling makita nila at bumalik sila sa 'kin."
Paheras na natahimik si Sandra at Peter sa kwento niya. Natawa na lang siya dahil sa pagkainosente niya noon. Minsan talaga, mas maganda ang buhay noong wala ka pang masyadong nalalaman sa mundo, pero dito ka rin matututo kung paano harapin ang kahit na anong sagabal.
"Sorry... I don't know what to say," tanging nasabi ni Sandra.
"Okay lang," sagot ni Peter nang may maamong ngiti. "Simulan na natin ang paghahanap."
Tumango-tango si Sandra bilang sagot kaya naghiwalay sila upang mas mapabilis ang paghahanap. Maliit lamang ang bahay at wala itong mga kwarto. Kung hindi nagkakamali si Peter, naglalatag lang sila rito sa gitna ng nagsisilbi nilang sala tuwing matutulog na.
Isa-isang hinalungkat ni Sandra ang mga papeles, litrato, at gamit na maaaring makatulong sa kanila ngayon. Ang kanilang mga flashlight ay nagpailaw sa maalikabok at gutay-gutay na mga kurtina habang sila ay naghahanap sa bawat silid.
Hanggang sa wakas, dumampi ang kamay ni Sandra sa isang bagay na nakatago sa isang nakalimutang sulok.
"Ano 'to?" pigil ang hininga na sambit ni Sandra. Dahan-dahan niyang itinaas ang bagay na iyon at napabuntong-hininga nang mapagtanto niya na ito ay isang lumang journal.
BINABASA MO ANG
Blood Hunter [COMPLETED]
Misterio / SuspensoSa bayan ng Pápa, isang alamat ng bampirang demonyo ang kilala ng bawat residente na pumapatay ng sinumang nakikita. Tuwing nakakalipas ang apat na taon sa malamig na buwan ng Nobyembre, gumagawa ng isang kakaibang kababalaghan ang demonyo. Hindi ni...