Kailan kinapos ng lalim ang pag-ibig?
No'ng pinagkahulugan ng iyong pananaw?
O talagang ito'y sadyang mababaw,
at halaga'y pilit lang nating ipinataw?
Nasaksihan ko 'ng mga inukit na pag-ibig sa bato,
ngunit sa unang alon ay naging buhangin ito;
Binuo na tila templo sa ilalim ng bituin ngunit—
pinabayaan ng nanahimik ng langit
Nag-ipon ng magpakailanman sa pumpon ng pangako,
para lang kumalat ang talulot sa unang taglamig na dumako.
Nasaksihan ko ang paghawak sa puso na tila babasagin,
kandili lamang habang ito'y nagniningning.
Nang lumamlam yaon, naghanap ng iba, nagbalatkayo
at tinawag na tadhana sa halip na pagsuko.
Kwento ng mga itinakda sa isa't isang kaluluwa,
na tila isinaad ng langit sa walang hanggang tala.
Ngunit pagsapit ng isang-libong umaga,
mga mata mo'y sumik na tila kailanma'y di sinamba.
Tinawag nilang ang pag-ibig ay angkla sa kailaliman,
ngunit iniwan din sa malayong dalampasigan.
Minsa'y ipinahayag nilang kilala nila ang pag-ibig—
subalit...
Kung yaon ang pag-ibig, bakit kay daling maglaho?
Kung tunay ang lalim, bakit agad natutuyo?
Hindi kaya't tayo ang nagsukat sa walang hanggan,
at ang pag-ibig ay ikinahon sa sariling kahulugan?
YOU ARE READING
Tulang Handog
PoetryA compilation of short tagalog or english poems about anything. P.S the poems are not related with each other. Not yet proofread
