Chapter 25 ♠ Crystal

10.8K 295 9
                                    


Alexandra Sophia San Mañego

"SOPHIA!"

WAAHHH! Nandyan na sya!

Hindi ko sya nilingon dahil baka kabahan lang ako lalo. Nakalabas na ako ng cafeteria at pakiramdam ko hinahabol nya ako!

"Sophia! Come back here!" Hinahabol nga nya ako! At malapit na nya akong maabutan!

Binilisan ko pa ang takbo ko kahit na ilang beses na akong muntik na madapa. Lumiko kaagad ako sa may intersection at pumasok ako sa isang bukas na classroom.

Sa kamamadali ko napalakas ang pagsara ko sa pinto kaya gumawa ito ng malakas na ingay. Narinig ko ang mga yapak ni Ace kaya sumandal ako sa pader na katabi ng pinto para hindi nya ako makita sa glass window.

Nang malampasan na nya ang pinagtataguan ko dun ko na napnsin na may tao pala sa classroom! Nagtataka silang tinignan ako at halos mamula ang magkabilang pisngi ko sa kahihiyan!

"A-Ahm hehehe sorry," sabi ko at nag-peace sign pa bago umalis dun.

Sinilip ko ang daan kung saan pumunta si Ace at dali-dali akong tumakbo sa kabilang direksyon. Pero pagliko ko ulit sa may intersection may nakabangga ako na halos ikatumba ko. Buti na lang at nahawakan nya ako sa braso kaya hindi natuloy.

"Sorry," sabay naming sabi. Nagulat ako nang pagtingala ko... si Patrick pala ang nakabangga ko.

Binawi ko ang braso ko at nilampasan sya habang nakayuko. "Sorry ulit," sabi ko.

"Sophia, sandali." Hinawakan nya ulit ako sa braso kaya napalingon ako sa kanya. Nagpapanic na ako dito!

"Patrick, wrong timing ka naman eh!" May humahabol pa sakin!

"Kayo na ba talaga?" napatigil ako sa tinanong nya. Pinagsasabi nito?

"Huh?"

"Is it true you're dating Ace?"

Hindi ako nakapagsalita nang biglang may humila kay Patrick mula sa likod kaya nabitawan nya ako. Nagulat ako nang biglang syang sinuntok ni Ace at marahas na isinandal sa pader! Oh my God!

"Didn't I tell you not to come near her again?!"

"Ace! Bitiwan mo sya please!" Sinubukan kong pigilan si Ace pero ayaw nyang makinig sakin. Hinila ko sya palayo kay Patrick pero ayaw nya din itong bitawan.

Anong gagawin ko?! Kasalanan ko 'to eh!

"F*ck! Bakit ba ayaw nyong makinig sakin?! Ito ang tatandaan mo and this is my last warning. Huwag kang lumapit sa girlfriend ko." Marahas nyang binitawan si Patrick at napahiga ito sa sahig na hinahabol ang hininga nya.

Nanginginig akong nilapitan si Patrick para sana tulungan sya pero marahas akong hinila ni Ace sa braso at naglakad paalis.

"So that's why you're hiding from me. You were with that bastard!"

"H-Hind—"

"Shut. The. F*ck. Up!" mariing sabi nya at ganun din ang paghigpit sa hawak nya sakin. Sa sobrang higpit pakiramdam ko mababali ang buto ko.

Gaya ng dati kapag galit si Ace nakaramdam ulit ako ng sobrang takot na pati pagpapaliwanag hindi ko magawang magsalita.

Kinaladkad nya ako paakyat ng hagdan at kahit na maraming beses na akong muntik na madapa hindi pa rin sya tumitigil. Isa lang ang nararamdaman ko ngayon. Takot na takot talaga ako sa kanya. Lalo na't hindi ko alam kung anong gagawin nya.

Pumasok kami sa tambayan nila sa 4th floor at malakas nyang isinara ang pinto na sobrang ikinagulat ko.

"M-Magpapaliwanag ak—" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla nyang akong sinandal sa pader at sinuntok ang picture frame na malapit sa ulo ko!

Threatened By A Gangster [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon