Alexandra Sophia San Mañego
"Wag mo na akong hintayin, may kukunin lang ako sa locker ko. Kita na lang tayo sa classroom."
"Okay."
Tumayo na ako at lumabas ng cafeteria para pumunta sa locker. Kukunin ko lang ang libro ko sa Geometry dahil may 20 minutes pa bago mag-ring ang bell.
Konti lang ang tao sa hall dahil halos lahat kumakain pa sa cafeteria. Binuksan ko na ang locker ko at kinuha ang kailangan ko. Isasara ko na sana nang may mapansin akong kulay pula. Sinong naglagay ng rose dito?
Kinuha ko ang rose. Napalingon ako sa kaliwa at kanan ko... pero mukhang wala sa kanila ang may gawa nito. Binalik ko na lang ang rose sa loob at dadalhin ko na lang pag-uwi ko. Sinara ko na ang locker ko at naglakad papuntang classroom.
I hugged my book tightly in my chest at nasalubong ko si Patrick na may malaking ngiti na naman sa labi nya.
"Hey Sophia," bati nya sakin sabay kaway. Ngumiti lang ako bilang ganti hanggang sa malampasan na namin ang isa't isa.
Pumasok ako sa classroom namin at tumabi ako kay Maddi tapos nilagay ang libro sa table ko.
"Madd," tawag ko sa kanya pero hindi sya lumingon sakin, nanatili lang syang tulala.
"Maddison!"
"H-Ha? Bakit?"
"May problema ka ba?" pilit kong hinuhuli ang tingin nya pero umiiwas sya. Ano na namang problema ng babaeng 'to?
"Nothing," mahinang sabi nya sabay iling.
I closed my mouth as I studied her. Bakit ganun? May nangyari ba nung umalis ako? Bakit hindi nya ako pinapansin?
"Madd, alam kong may problema ka. Ano yun?" pagpupumilit ko pero umiling ulit sya at binigyan ako ng fake smile.
"Wala nga. Hindi lang... maganda ang pakiramdam ko."
"Gusto mong samahan kita sa clinic?"
"No. I'm fine."
Hindi ko na sya kinausap pa dahil dumating na ang subject teacher namin. Whole afternoon sinusulyapan ko si Maddi. I'm trying to find out why she became like this all of a sudden.
Pero kapag tinatanong ko sya puro 'nothing' lang ang sagot nya. Hanggang sa uwian na ganun pa rin sya. Ni hindi man lang sya nagpaalam sakin, pagka-ring ng bell bigla na lang nyang kinuha ang bag nya at mabilis na lumabas.
Gusto ko sana syang habulin pero mukhang iniiwasan nya ako. May ginawa ba ako?
Kinuha ko na lang din ang bag ko dahil konti na lang ang natira sa classroom. Sinabit ko sa balikat ko ang bag ko at lumabas. Nagulat na lang ako nang may kamay na humawak sa braso ko at hinila ako palayo sa walang tao.
"Patrick, saan mo 'ko dadalhin?" Gusto kong bawiin ang braso ko pero mahigpit nya akong hinahawakan. Hila lang sya nang hila sakin hanggang sa tumigil na kami at hinarap nya ako.
"Gusto kita," he suddenly said and it made my eyes open widely!
"Ano?!"
"Alexandra Sophia San Mañego, may gusto ako sayo." He said calmly pero ako mukhang magha-hyperventilate na sa mga sinasabi nya!
I raised both my hands telling him to stop.
"Sandali lang." Ang hirap atang i-process nito. Sino bang hindi magugulat? May lalaki na lang na biglang nanghila sayo tapos sasabihin na gusto ka nya!
BINABASA MO ANG
Threatened By A Gangster [Under Revision]
Novela Juvenil[WARNING: Contains cringey stuff hihih Will edit soon] Her name is Alexandra Sophia Samaniego. At the age of 6, her parents died leaving her with her evil Aunt and cousins. At a young age, she faced problems that a normal kid can't handle but despit...