Chapter 36 ♠ I Miss You

11.1K 289 9
                                    


Alexandra Sophia San Mañego

Dinala ako ni Ace sa condo nya at pina-upo nya ako sa sofa. Nanatili pa din akong nakatitig sa kawalan. Ang daming tumatakbo sa utak ko ngayon gaya ng nangyari kanina. Hindi ko inakala na aabot ito sa ganun.

Ngayong wala na ako sa puder nina Aunty... anong gagawin ko? Wala akong bahay na matitirhan, wala akong trabaho at wala akong pera. Saan ako pupulutin nito?

Ayoko namang manatili dito sa condo ni Ace dahil ayaw kong magmukhang gold digger at lalong ayokong umasa sa kanya.

Napatakip ako sa mukha ko gamit ang dalawang palad. It's too much to take in in just one day. Wala akong ibang mahihingan ng tulong dahil wala akong kilalang ibang kamag-anak ko.

Biglang may humigit sa dalawang braso ko upang maalis sa pagkakatakip ang kamay ko sa mukha ko. Nasalubong ko ang nag-aalalang tingin nya.

"What's wrong?" yumuko ako, pumikit nang mariin at napahikbi.

"Hey, stop crying. I'm right here," mahinahong sabi nya at inangat ang ulo ko. Patuloy pa din ako sa pag-iyak.

"You know I hate it when you cry," sabi nya habang pinupunasan ang pisngi ko pero ayaw pa ding tumigil sa pagtulo ng luha ko. Hinila na nya ako sa isang mahigpit na yakap at naramdaman kong hinahalik-halikan nya ang ibabaw ng ulo ko.

"Sophia, making ka. I'm right here, okay?" Tumango ako bilang sagot. I rested my head on his shoulder hanggang sa huminto na ako sa pag-iyak. Kakalas na sana ako sa yakap nya pero ayaw nya akong bitiwan.

"Ace?"

"You got me really d*mn worried! Bakit nilihim mo yun sakin?" matigas ang pagkakatanong nya at lalong humigpit ang hawak nya sakin.

"K-Kasi wala ka namang kinalaman sa problema ko sa bahay." Hinawakan nya ako sa magkabilang braso at nilayo sakanya.

"F*ck that reason, Sophia! Akala mo ba hindi ako nabaliw nung isang lingo kang hindi nagpakita sakin?! If you told me sooner sana hindi na umabot sa ganun!"

"Hi-Hindi ko naman inakala na aabot yun doon," mahinang sabi ko at napayuko. Hindi ko kayang masalubong ang matatalim nyang titig.

He sighed deeply at sumandal sa sofa then tinakpan ang mga mata nya gamit ang braso nya. Nanginginig ang kamay nya and his teeth clenched.

"Kelan pa?" malamig na tanong nya. "Kelan ka pa nila sinimulang saktan?" pagpapatuloy nya at napalunok ako.

"Simula nung... mamatay ang parents ko... at iniwan ako sakanila."

"When is that exactly?"

"Nung six years old pa lang ako," lalong humina ang tinig ko.

Napatingin sya sakin at nasalubong ko ang mga mata nyang parang umaapoy sa galit.

"That long?! Bakit hindi ka umalis?!" Nagsimula ulit na tumulo ang mga luha ko.

"Hindi mo kasi naiintindihan. Wala na akong ibang kamag-anak na kilala bukod sakanila. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil bata pa lang ako!"

Hinila nya ulit ako at pinagdikit ang noo namin habang pinupunasan nya ang mga luha ko gamit ang thumb nya.

"I'm sorry. Shh. Stop crying please? I didn't mean to shout," sabi nya at hinalikan ang noo ko.

"Pakiramdam ko kasi bumalik ako dun sa kung kelan namatay sina Mommy. H-Hindi ko alam anong gagawin ko. I-I feel really helpless."

"You don't have to worry about a thing. I'll keep you safe. I'm never letting you go. Do you hear me?"

Threatened By A Gangster [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon