Chapter 19 ♠ Doubt

12.7K 359 5
                                    


Alexandra Sophia San Mañego

"A-Ahm kanina ka pa dyan?"

"What do you think?" tumayo na sya mula sa bench at lumapit sakin. His cold eyes were fixed to mine, like a predator stalking its prey.

Napaatras ako pero hindi ko makuhang tumakbo palayo. The loud beating of my heart almost reaches my ears.

"You really think you can run away from me huh?"

Nang nasa harapan ko na sya bigla nya akong hinawakan sa batok ko at tinitigan ako sa mata. Nahugot ko ang hininga ko nang marealize ko na ang lapit ng mukha nya sakin. He displayed a smirk on his lips and massaged my nape that sends shiver down my spine.

"You can run but I'll find you and when I do... you're in trouble," he said and tapped my nose. Napapikit ako sa ginawa nyang yun at napaatras pero nahila nya ako pabalik sa kanya nang inakbayan nya ako.

"I'll take you home. I got a gang fight to go."

Nagsimula na syang maglakad kaya naglakad na din ako. Pakiramdam ko para akong poste dito sa tabi nya sa sobrang tense ko. Lahat ng estudyante na nadadaanan namin ay napapalingon sa aming dalawa.

Pumasok na kami sa sasakyan nya at hindi pa rin kami nagkikibuan hanggang sa makalabas na kami ng campus. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at nagda-drive lang sya.

♫•*¨*•.¸¸♪✧

I talk a lot of (shh) when I'm drinking, baby,

I'm known to go a little too fast.

Don't mind all my--

♫•*¨*•.¸¸♪✧

Napalingon ako sa kanya nang marinig ko ang ringtone nya. Naramdaman kong uminit ang magkabilang pisngi ko nang maalala ko ang nangyari kanina kaya binalik ko agad ang tingin sa labas ng bintana.

"Hello?"

"Yeah, I'll be there...I'm driving," he let out a short harsh laugh that made me turn to him again. "Save the leader for me, will you?" sabi nya bago binaba ang cellphone nya.

Nanindig ata ang balahibo ko sa batok nang marinig ko ang sinabi nya. He sounds scary a moment there. Nang makarating na kami sa tapat ng bahay namin pinagbuksan nya ako ng pinto at lumabas ako.

"Ahm...s-salamat." Hindi sya nagsalita at nanatili lang syang nakatayo sa harapan ko. Yumuko ako at nilagpasan sya, binilisan ko ang paglalakad para hindi nya ako mahabol.

Pero hindi pa man ako nakakaabot sa gate, nahigit nya ako sa braso at bigla na lang sinandal sa sasakyan nya. My eyes went wide and my breath quickened when he trapped me with his hands on either side of me, pinning me to his car! His eyes were still the same...cold.

Hindi ako nakapagsalita. Nanatili akong nakatayo na parang statue, hinihintay na lang kung anong gagawin o sasabihin nya.

"Bukas ihahatid pa rin kita and don't run away dahil mahuhuli pa rin kita, got it?" Napatango naman kaagad ako sa sobrang kaba.

Napangiti sya sa ginawa ko...like he's amused that he can control me easily.

"Good," sabi nya at nagulat ako nang hinalikan nya ako sa pisngi. Natulala ako at nalaglag ata ang panga ko.

Hinawakan nya ako sa balikat at inalis sa pagkakasandal sa sasakyan nya. Tinulak nya ako nang mahina papunta sa direksyon ng bahay namin. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko, I'm still gaping at him!

Threatened By A Gangster [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon