Chapter 13 ♠ The Girl

13.1K 348 13
                                    

Alexandra Sophia San Mañego

"Any suggestions? Next week na ang School Fair," sabi ng class president namin na nakatayo sa harapan. Maraming nagpataas ng kamay para sa suggestion pero puro lang naman kalokohan ang sinasabi nila.

Mukha na ngang sasabog sa galit si Lianne, ang class president namin.

"Boys, enough with the jokes!"

"How about café booth?"

"It's too common, let's try something else."

"Oo nga, besides nakuha na ata yan ng ibang year."

Napabuntong-hininga lang ako at naghalumbaba habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Aren't you gonna suggest something?" tanong ni Maddi sakin.

"Hindi na, sakit lang yan sa ulo," sagot ko and she giggled at my response at isa pa wala din naman akong naiisip eh.

"Sophia." Napalingon ako sa tumawag sakin. I was stunned when I found out they were looking at me.

"Okay lang ba sayo?" tanong ni Lianne sakin kaya napakunot-noo ako.

"Okay saan?" Anong pinagsasabi nila?

"You'll be our artist for our Face Painting Booth," sabi ni Patrick sakin na nakatayo. At sa tingin ko sya ang may pakana nito!

"Ako? Artist?" tanong ko at napaturo sa sarili ko. Nagbibiro ba sila?

"Why not? Magaling ka naman sa arts ah?" Patrick raised his eyebrow at me.

"Tsk choose someone else, wala akong tiwala sa babaeng yan." Napalingon kaming lahat sa nagsalita at sumang-ayon sa kanya ang mga kaibigan nya.

"Oo nga!"

Napatikom ako sa bibig ko. Lianne crossed her arms over her chest and shoot deadly glares at them.

"Mas wala naman kaming tiwala sa inyo, kung makareklamo kayo parang nakakatulong kayo sa meeting na'to ah? You might as well leave if you don't want to cooperate," she spat at them and the four girls looked irritated.

"Fine!" she slammed her hands on the table and grabbed her bag before leaving, sumunod naman sa kanya ang tatlo. Tumahimik saglit ang classroom bago nagsalita ulit si Lianne.

"Ano na, Sophia? Is it okay with you?" tanong nya sakin pero inunahan ako ni Maddi.

"It's okay with her! And I'll choose the designs," masiglang sabi ni Maddi at nagpataas pa ng kamay. She grinned widely at me at pinandilatan ko sya ng mata.

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Oh come one! It'll be fun, trust me." Kumindat pa sya sakin and I groaned in response.

"Great! We'll take care of everything at may tutulong din naman sayo, I need seven more artists," sabi ni Lianne at nagsitaasan ng kamay ang iba.

I groaned again in frustration at napa-ub-ob sa desk ko. Pwede bang magpahinga ng isang araw man lang? Ang dami ko namang problema!

Natapos ang meeting nang mag-ring na ang bell kaya nagsi-uwian na kami. Nasa hall na kami ni Maddi nang may biglang umakbay sakin.

"See you tomorrow, Best friend!" Saglit lang syang umakbay sakin at bigla na lang tumakbo palayo.

"That's the crazy girl from the CR!" Maddi's eyes were wide as she points her fingers at... Daphne? Daphne ata yung pangalan.

Maddi narrowed her eyes at me. "How did she know you? At kelan ka pa nagkaroon ng best friend besides me?!"

Threatened By A Gangster [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon