Chapter 14 ♠ Nag-iba

12K 348 8
                                    

Alexandra Sophia San Mañego

"Sinong may band-aid?!" natatarantang tanong ni Dennis sa kanila at binatukan naman sya ni Luke.

"Gago ka ba? Mahahalata nya!"

"Ganito na lang," lumapit si Zack sakin at tinakpan ang nadaplisan kong pisngi gamit ang buhok ko. He then smiled... a victory smile. Na para bang na-solve nya ang isang mahirap na puzzle.

Hindi ko alam anong meron. Hindi naman ganun kalaki ang sugat pero ang OA nilang maka-react.

"Isa ka pa," binatukan din ni Luke si Zack. "Do you really think he won't check her?"

"You're right, ihatid na lang kaya natin sya? Sabihin na lang natin kay Ace na kailangan na nyang umuwi," suggest naman ni Zack at tinuro ako.

"Okay ka lang?" napalingon ako sa babaeng nagsalita. Ngumiti si Dianne sakin at tumango lang ako bilang sagot.

"I'm Dianne and... you're Alexandra?" she reached her hand out for a handshake and I accepted it.

"Sophia." Mas komportable ako sa Sophia.

Tumahimik kami saglit at nakinig sa usapan nilang tatlo. Hindi pa rin sila tapos sa problema nila, ang OA lang.

"They're really scared of him huh?" napalingon ulit ako kay Dianne tapos balik sa kanilang tatlo.

"Mmm, nakakatakot naman talaga si Ace."

"I've met him once and gosh! Tumayo ata ang balahibo ko sa batok nang sinuntok nya yung bumangga sa kanya saisang club." Sa pagkakakilala ko kay Ace... normal na yun.

"Girlfriend ka ni Zack hindi ba? Gano na kayo katagal?"

"Three days pa lang kami," sagot nya. Aware ba sya na babaero din si Zack?

Bakit kaya ang dami pa ring nagpapakatanga sa kanila, alam naman nilang hindi sila nagseseryoso? Kung long term naman ang pag-uusapan... siguro si Luke, pero ang alam ko may girlfriend na sya. Si Chase naman mukhang katulad din nina Dennis.

Si Ace naman... hindi rin. Sa paraan ng pagtrato nya kay Wendy parang laro lang sakanya ang lahat.

I was suddenly disturbed from my thoughts when Dennis pulled me from my wrist and dragged to the car.

"We have to get you out of here before he—ˮ hindi nya natuloy ang sinasabi nya nang may motorbike na dumating.

"Sh*t! He's here," mahinang sabi ni Dennis habang nakatingin sa lalaking bumababa mula sa motorbike.

"Uhm...hey Ace," bati sa kanya ni Luke. Hindi sumagot si Ace instead he kept his scary eyes glued to mine as he came closer to us.

Hindi nagtagal ang eye contact namin nang pumunta sa harapan ko si Dennis at pinatigil si Ace. I was a bit relieved when I knew that I was out of his sight. He scares me!

"Dude wait, I know it was a bad joke but she's okay. Really! You don't have to check her, in fact ako na magvo-volunteer na iuwi sya. I promise I won't let anything happen to her, you can trust me." Walang prenong sabi ni Dennis kay Ace pero hindi nya ito kinibo.

"Move," he said calmly but full of authority and pushed Dennis out of his way. I held my breath for a couple of seconds when he stared at me. He's still very intimidating that I want to run away.

Pabalik-balik ang tingin ko kay Ace at kina Dennis, nagulat na lang ako nang bigla akong hawakan ni Ace sa magkabilang balikat.

He eyed me from head to foot, front and back until he touched my cheek and I back away immediately. Tinakpan ko kaagad ang pisngi kong nadaplisan, pati ako natatakot na din sa magiging reaksyon ni Ace!

Threatened By A Gangster [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon