Chapter 9 ♠ Punishment

12.8K 334 5
                                    


Alexandra Sophia San Mañego

Maaga pa lang problema na kaagad ang hinaharap ko. Patuloy ako sa paglalaro sa daliri ko at naririnig ko din ang mahinang ingay na nililikha ng wall clock at dumagdag pa ito sa kaba na nararamdaman ko.

Nangangalay na din ang leeg ko sa kakayuko dahil nasa tapat ko lang si Ace na naka-dekwatro. 8 am pa lang ng umaga nasa labas na kami ng opisina ni Sir Kendall.

Kinakabahan ako sa punishment na ibibigay nya. Hindi ko alam kung bakit hindi pa nya ako pinapasok eh nasa loob na si Maddison kasama sina Wendy. Mga ilang minuto na din kaming naka-upo ni Ace at hindi naman nya ako kinikibo. Baka naka-get over na?

Pagagalitan lang siguro ako ni Sir tapos palilinisin ng CR o di kaya mag-community service. Okay na yun! Kaya ko yun!

Tumalon ata ang puso ko sa gulat nang biglang bumukas ang pinto. Napakagat-labi ako nang nagsilabasan sila na nakasimangot. Gaano ba kalala ang punishment?

Napatayo ako nang lumapit si Maddi sakin na para bang iiyak na.

"Anong punishment mo?" tanong ko sa kanya.

"I'll be washing dishes later at the cafeteria! Shi-ru!" Tinakpan pa nya ang mukha nya gamit ang dalawang kamay nya at umaktong umiiyak.

[Trans: No way!]

"Arte mo!"

"Ace, San Mañego. Inside now." Napalingon naman ako kaagad sa may pinto nang tawagin na kami ni Sir Kendall. Napalunok ako bago tumingin kay Maddi. This is it!

"Kita na lang tayo mamaya," sabi ko sa kanya bago pumasok sa office ni Sir.

Nang sumara na ang pinto, parang nanindig ang balahibo ko sa batok. Umupo na si Sir at tinuro nya ang dalawang upuan sa front ng table nya.

Umupo naman kaming dalawa ni Ace at napalunok ulit ako. Pakiramdam ko mamamatay na ako! Ang lamig dito!

"Ano na namang problema nyong dalawa?" napalingon ako kay Sir tapos kay Ace na nilalaro ang ballpen sa table ni Sir.

I saw Ace smirk before looking at me and I looked away immediately.

"Why don't you ask her?" Napasinghap ako nang marinig ang boses ni Ace at nasalubong ko ang nagtatakang tingin ni Sir.

"U-Uhm, aksidente lang po yung nangyari. I...kinda jumped on him," mahinang sabi ko.

"What?!"

"Pero aksidente lang po yun!" ulit ko naman kaagad. Makakalabas pa ba ako ng buhay dito?!

Napatikhim lang si Sir bago ibalik ang tingin kay Ace.

"And you. It's just an accident pero pinatulan mo pa rin sya!"

"So it's my fault? Again?" bagot na sabi ni Ace.

"I'm not saying it's your fault. I'm just saying what you did is wrong! Hindi ka dapat pumapatol sa mga babae. When will you learn?!"

"What's new? I'm always wrong, nasanay ka na dapat dyan."

Nanatili akong tahimik habang nag-aaway ang dalawang magkapatid. Ace is still wearing his blank expression pero si Sir Kendall... parang bulkan na sasabog sa sobrang inis.

"I don't know what to do with you anymore," napa-iling na lang si Sir Kendall.

"Then leave me alone and would you just give us that f*cking punishment? May lakad pa ako," naiinis na din na sabi ni Ace.

Hindi sumagot si Sir pero may kinuha sya sa drawer ng table nya at lumapit sya samin. Hindi nakatingin sa kanya si Ace pero nakatingala ako kay Sir Kendall.

Threatened By A Gangster [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon