Chapter 52 ♠ Voice

8.5K 233 7
                                    


Alexandra Sophia San Mañego

Three days have passed at sa mga araw na yun hindi na kami nag-uusap ni Ace. Kahit simpleng hello o di kaya good morning ay wala.

Usually sya naman ang unang uma-approach sakin pero sa dumaang araw wala na. Hindi na din ako sumasabay sa kanila. Una akong umaalis ng bahay, masyadong malaki ang pride ko ngayon para sumabay sakanila.

Akala nya siguro magso-sorry ako sakanya. Huh! Like that would ever happen, besides sya ang nauna. Okay nga yun eh. I could pretend na hindi sya nag-e-exist.

Today, a normal quite afternoon, nasa sala ako at nagbabasa ng libro nang makita ko si Ace sa peripheral vision ko. Hindi ko sana sya papansinin pero kinausap nya ako.

"Nakita mo si Cath?" I almost rolled my eyes and just sighed without looking at him.

"Hindi ako tanungan ng girlfriend mo."

"Tinatanong kita ng maayos. Sagutin mo na lang."

Nilipat ko ang page ng librong binabasa ko at nagpanggap na hindi ko sya narinig. Bahala syang mamatay sa inis.

My anger skyrocketed nang kinuha nya mula sa kamay ko ang libro.

"Ano ba?!" bulyaw ko and he glared at me.

"Ano bang problema mo? Is this about the last time we talked?"

I crossed my arms. "Kung ikaw kaya ang tawagin kong womanizer? Matutuwa ka?"

"I didn't say—"

Pinutol ko na ang sasabihin nya. "Yun pa din ang iniisip mo."

He was about to talk back nang dumating si Cath at Dwayne. "Are you guys still fighting?" sabi ni Dwayne at yumakap na lang bigla si Cath kay Ace.

"Saan kayo galing?" tanong ni Ace and I really did my best not to roll my eyes. Kung mag-P-PDA sila, wag sa harap ko.

"Bumili lang kami ni Kuya ng gamot."

There goes my normal quite afternoon. Tumayo ako at kinuha ang libro mula sa kamay ni Ace. Aakyat na sana ako sa kwarto ko nang may nag-doorbell.

Ako na ang lumabas, ang Chaos ang nandito at may dalang malaking box si Chase.

Pinagbuksan ko sila ng gate. "Anong ginagawa nyo dito?"

"May dala kami para kay Ace, nandito ba sya?" sabi ni Luke at tumango ako.

Pagpasok namin sa bahay hinila agad nila si Ace at pinaupo sa sofa.

"What is this about?" tanong nya.

"We have something for you," sabi ni Chase at binigay kay Ace ang box. I peered on the box. Ano kayang laman nun?

"Ano 'to?" Binuksan nya ang box at may nakita akong iba't ibang gamit sa loob.

"Those are your stuff. Pinadala ng parents mo dahil baka may maalala ka." Tinignan nya ang mga gamit nya... pero mukhang wala pa din syang naaalala.

Pumunta ako sa kusina para maghanda ng juice para kina Chase at pagbalik ko may hawak na cellphone si Ace.

"Is this mine?" he asked. Binigay ko na sakanila ang juice.

Luke took a drink. "Oo, actually nakita namin yan malapit sa pinangyarihan ng aksidente. We thought maybe you dropped it."

In-open ni Ace ang cellphone pero hindi na gumagana ang sim tsaka wala na ang memory card.

"Can I look?" sabi ni Cath at binigay naman ni Ace sakanya ang cellphone.

Threatened By A Gangster [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon