Chapter 28 ♠ Inis

10.4K 260 4
                                    


Alexandra Sophia San Manego

Umaga na naman pero inaantok pa ako. Pakiramdam ko ang bigat-bigat na ng eyebags ko. Nangingitim na din ang ilalim ng mata ko kaya ginamitan ko na lang ng concealer. Pero nagmumukha pa din akong walking dead.

Buti na nga lang hindi naghinala sina Aunty eh. Kanina pa nga ako hikab nang hikab dahil dalawang oras lang ang tulog ko.

Pero bakit sina Ace? Kapag nakikita ko sila hindi naman sila mukhang zombie o ano. Baka natutulog sila sa klase? o baka sanay na?

Psshh! Bakit ko ba iniisip yung lalaking yun e may iba yun?!

Nang makalabas na ako ng gate sinara ko na yun. Hindi pa nga ako nakakalakad nasira na agad ang araw ko. Ano na namang ginagawa nya dito?!

"Bakit ka nandito?" pasupladang tanong ko.

Nagkibit-balikat lang sya bago lumapit sakin. Umatras naman ako at lalagpasan na sana sya pero hinila nya ang bag ko kaya napaatras ako.

"Ano ba?!" bulyaw ko sa kanya at nagulat sya sa pagsigaw ko tapos napalitan yun ng inis.

"Bakit ka ba nagagalit?!"

Natauhan naman kaagad ako sa tinanong nya. AARRGH! Hindi dapat ako magpadalos-dalos at baka malaman nyang sinundan ko sya.

Napa-iwas ako ng tingin at lumambot ang boses ko. "W-Wala lang," tanging sagot ko.

He ran his hand through his soft hair and sighed loudly. "Tara na nga."

Hinila nya ang kamay ko kaya magka-holding hands na naman kami papuntang school. Hindi ko naman napigilang mag-roll eyes... pero syempre sinigurado kong hindi nya makikita.

Sa paglalakad namin ilang beses akong napahikab at napalingon sya sakin.

"Didn't you sleep well last night?" I winced at his question at umiling ako bilang sagot.

"Why? Where did you go?" Na-tense naman ako bigla sa sunod na tanong nya.

"M-Maaga kasi akong nagising. Bakit mo naman naisip na may pinuntahan ako?" I said and laughed awkwardly. Kung alam nya lang.

"I just... remembered someone." Yung Crystal na naman ata yung tinutukoy nya. Sino ba kasi yun? Girlfriend nya ba yun? Kung makakapit naman kasi sa kanya parang butiki.

Tanungin ko kaya sya? Sinulyapan ko si Ace na nakatingin lang sa dinadaanan namin.

"Ace... may kapatid ka bang babae?" tanong ko. Napalingon naman sya sakin at yung mukha nya ay parang nagtatanong din.

"Nope," sagot nya sabay iling. So hindi nya kapatid yung Crystal. Papatayin ko talaga 'to pag nalaman kong nagto-two-time 'tong gangster na 'to.

"Eh pinsan? May pinsan ka bang babae na sobrang close mo?" Napa-isip naman sya pero umiling din naman.

"I avoid them, they're annoying." Hindi rin? Okay! Last na 'to.

"Kaibigan na babae?" Parang hindi na ako makahinga nang mapakunot-noo sya. Kahit kaibigan lang nya ang Crystal na yun matatanggap ko na.

"Don't have one. Why'd you ask?" Nag-init ang ulo ko sa narinig ko. So may iba nga sya!

"Aminin mo nga! May ibang girlfriend ka ba?" Nanlaki naman ang mga mata nya.

"Where the hell did you get that idea?!"

"So totoo nga?"

"Of course not!"

Threatened By A Gangster [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon