Chapter 5 ♠ Bruise

12.8K 336 1
                                    

Alexandra Sophia Samaniego

Patuloy lang ako sa paglalakad at pasimpleng lumilingon sa likod pero nakatingin pa rin sya sakin kaya umiwas kaagad ako. Ilang minuto na nyang ginagawa yun. Hindi pa rin kami humihinto at hindi ko naman alam kung saan kami pupunta. Wala naman syang sinasabi o ano.

Ang sabi nya lang ay mauna akong maglakad. Wala syang sinabi kung anong gagawin namin o anong bibilhin nya dito sa mall.

It's really my unlucky day huh.

Napatigil ako sa pagsasalita sa sarili ko nang higitin nya ang collar ng damit ko mula sa likod.

"A-Aray" reklamo ko at pilit na tinatanggal ang kamay nya dahil nasasakal ako. Hinila nya ako papasok sa isang shop at dun na nya ako binitawan nang salubungin kami ng dalawang saleslady.

'Golden Lock' yun ang nabasa kong pangalan sa labas.

"How we may help you, sir? Maam?" tanong nung isang babae. Napalingon naman ako kay Ace tapos dun sa babae. Eh hindi ko naman alam kung anong gagawin namin dito. Hindi ko naman alam bakit kailangan nya ako.

"Is Cheska here? She told me to come here," sabi ni Ace habang nilibot ang tingin, hinahanap siguro yung Cheska.

"Ah kayo siguro yung kaibigan ni Maam Cheska. Wala po sya dito pero may ibinilin po syang instruction samin."

He then turned to me briefly. "Then you know what to do."

"Please take a seat." Itinuro nung babae ang black couch hindi kalayuan samin ni Ace. Nang makaupo na kami, tinanong ko na siya.

"Ano ba talagang kailangan mo sakin?"

"Later," sagot lang nya at kinuha ang cellphone mula sa bulsa. Hindi ko na sya inabala pa dahil mukhang busy. Tumingin na lang ako sa ibang costumers na namimili ng mga damit. Hindi lang naman kami at yung dalawang babae ang nandito.

Bumalik na ang dalawang babae at sa harapan namin ay mga rack ng mga damit. Tumayo si Ace at sinundan ko lang sya ng tingin. Namimili sya ng damit mula sa tatlong rack.

"Dimwit." Napalingon kaagad ako sa kanya...dahil alam kong ako ang kinaka-usap nya. Sinimangutan ko lang sya nang pinalapit nya ako. Wala akong nagawa kundi ang sundin sya.

"Ano?" tanong ko nang makalapit na ako. Tinignan nya muna ako mula ulo hanggang paa tapos bumalik ang pansin nya sa mga damit.

"Try these on her," sabi nya at naghablot na lang ng mga damit tapos binigay sa dalawang babae.

"Ang dami naman nyan," reklamo ko pero binigyan nya lang ako ng isang bored look at nagpatuloy sa ginawa nya.

"Taci" [Shut up] Kahit na hindi ko naiintindihan ang sinabi nya ay nafe-feel kong hindi maganda yun.

Hindi ko na alam kung ilang damit ang binigay nya sa dalawang babae. Hindi ko na mabilang sa dami.

"Is that all, sir?"

"Yeah," sagot nya sa babae at umupo sa upuan.

"This way, maam." I groaned and just followed the two ladies. And I think the fashion show is about to start.

Pumasok kami sa isang pinto at binigay sakin nung isang babae ang damit na pinili ni Ace. Kinuha ko na lang yun at pumasok sa fitting room. Lumabas ako ng pinto at humarap kay Ace na ngayon ay nakatingin sakin. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. I'm wearing a baby pink ankle length dress na may white ribbon as a belt at one shoulder with a flower designed on top.

Nanatili syang nakasimangot kaya alam kong hindi nya nagustuhan ang damit. Aba malay ko ba sa kanya. Sya pumili nito eh.

"Tss you look like going to Prom. Next." He looked down to check on his phone at itinaas ko ang kamao ko na para bang susuntukin ko sya but he suddenly lifted his eyes on me and I smiled immediately.

Threatened By A Gangster [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon