Chapter 42 ♠ Weekend

9.8K 282 26
                                    


Alexandra Sophia San Mañego

Maaga pa lang ay busy na dito sa mansyon ng mga Castañeda. Sa kusina ako in-assign ni Manang at halos hindi na ako makapagpahinga kahit saglit lang. Napansin ko lang na mas busy sila ngayon kesa dati, siguro ay dahil nandito si Ace.

"Sophia, tulungan mo si Grace sa paghahanda ng hapag-kainan," utos ni Manang sakin.

"Opo." Tinulungan ko si Grace sa pagdala ng mga plato at kubyertos. Ako ang nag-aayos ng mga plato habang si Grace ang sa kubyertos.

"Tatlo lang naman silang kakain, bakit ang daming platong hinanda?" tanong ko. Minsan nga kahit na si Maam Aria at Shawn lang hindi naman sila gaanong nagkakasabay na kumain.

"Dumating si Sir Lucas kagabi tapos kanina ay may dalawa syang bisita na dumating. Nandun sila sa opisina nya sa taas at sabay silang kakain."

Napatigil naman ako saglit at medyo kinabahan.

"Kukunin ko lang ang mga wine glass," sabi ni Grace bago umalis.

Hindi ko pa nakikilala ang papa ni Ace. Ano kayang itsura nya? Siguro kamukha sila ni Ace. Hindi ko mapigilang makadama ng kaba dahil...baka kapag nalaman nyang may relasyon kami ng anak nya ay tututol sya!

Waaahh! Baka matulad kami kay Go Jun Pyo at Geum Jan Di!

"Morning."

Muntik ko nang mabitawan ang platong hawak ko nang may mga braso na pumulupot sa bewang ko. Lumingon ako sa likod ko kahit na alam ko na kung sino.

"Ace naman. Wala akong pambayad kapag nabasag ko 'to." He just chuckled and pressed his lips on my right shoulder.

Itinaas ko ang kanang balikat ko para mapatigil sya. "Ang aga mo atang nagising?" Ngayon ay nakaharap na ako sakanya.

He has this smirk on his face tapos napansin kong sando lang ang suot nyang pang-itaas. Kitang-kita tuloy ang lean body nya. Ang aga-aga mang-akit nito.

Napakurap ako when he trapped me between his body and the table behind me. Nakatukod ang magkabilang kamay nya sa gilid ko.

"I can't even sleep thinking about you," he smiled showing his full set of white teeth at napalunok ako nang maglandas ang tingin nya sa labi ko. He didn't waste any time at nilapit nya ang mukha nya sakin.

Pipikit na sana ako nang makita ko si Grace na dumating at kasunod nya sina Manang na dala ang mga pagkain. Malakas kong naitulak si Ace at tumalikod agad. Nagpanggap ako na nag-aayos pa ng hapag-kainan.

Geeezz! Ang lakas tumibok ng puso ko!

Nang mapansin nila si Ace ay bumati sila. "Magandang umaga, Sir Ace."

Nakita ko sa peripheral vision ko na tumango lang si Ace at ginulo ang buhok nya gamit ang isang kamay nya bago umalis.

Tinulungan ko na din sina Manang sa pag-ayos ng mga pagkain nang bigla nya akong kinausap.

"Sophia." Sa pagsambit nya lang sa pangalan ko ay kinabahan na ako.

"P-Po?" Halos hindi ko nga masalubong ang tingin nya.

"Hindi naman sa tutol ako sa relasyon nyo ni Sir Ace at wala ako sa posisyon pero habang nagtatrabaho ka dito ay ayokong makitang pinapabayaan mo ang trabaho mo at isipin mo din na pinagsisilbihan mo din si Sir Ace."

"Opo," sagot ko lang. Argh! Si Ace kasi eh.

"Kami na ang bahala dito. Ikaw na ang maghugas ng pinggan."

Threatened By A Gangster [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon