Chapter 33 ♠ Battle

10.3K 267 16
                                    


Alexandra Sophia San Mañego

Nakaalis na si Zack kaya kami na lang ni Ace ang nandito sa condo nya. Iniwan nya muna ako dito sa kwarto nya para makaligo at makapagbihis. Nakaupo ako sa kama habang pinapatuyo ang buhok ko gamit ang tuwalya.

May napansin akong picture frame sa nightstand nya. Isang babae na maputi ang kutis at maitim ang buhok. Maganda din ang ngiti nya at medyo hawig sila ni Ace. Ito siguro ang mama nya. Naalala ko ang kinuwento ni Zack sakin tungkol sa nangyari sa mama ni Ace and it sends shiver down my spine.

It must be so hard for him to witness how his mother died.

Nang maayos na ang itsura ko ay lumabas na ako ng kwarto at hinanap ko si Ace. Nakita ko syang nag-aayos ng breakfast namin. Nang mapansin nya ako ay napasinghap ako.

"Come here, eat."

Lumapit naman ako at umupo. Tumingala ako sakanya nang mapansing isa lang ang plato na hinanda nya.

"Hindi ka kakain?" tanong ko.

"Tapos na ako," sagot naman nya na hindi nakatingin sakin.

Pinapanuod ko sya sa ginagawa nya and sighed in a frustrated way. Why does he always look good without too much effort? Unbuttoned ang first three buttons ng polo nya at yung sleeve ay nakalukot hanggang sa siko nya. His disheveled hair also adds up to his...charm.

Napailing ako para makapag-focus na lang sa pagkain. Pagkatapos nito ay uuwi na agad ako. Wala naman akong rason para mag-stay dito at hindi ko nga alam bakit ako nandito. I'm no longer his girlfriend... wala kaming relasyon...yet I'm here.

Sa gitna ng pagsubo ko ay umupo sya sa tapat ko. His expressionless eyes bore through mine and I gulped. What's with the look? It's making me uncomfortable!

Tumikhim na lang ako at umiwas ng tingin. Kahit na hindi ko nakikita ay alam kong nakatitig pa rin sya sakin. Nang sumilip ako ay tama nga ang hinala ko. Napaiwas naman agad ako ng tingin and I felt my cheeks burned.

"Do you always blush when I stare at you?" Napatigil ako sa pagsubo at unti-unting tumingin sakanya. He's still staring at me with an annoying smirk.

Sinamaan ko lang sya ng tingin at binilisan ko ang pagkain tapos tumayo ako pagkatapos. Nilagay ko sa sink ang pinagkainan ko.

"Ako na maghuhugas. Aalis din ako agad." Sinimulan ko na ang paghuhugas.

"You don't have to leave." I tried my best not to look at him.

Not to leave? Pano si Crystal? Tsk. Sinong niloloko nya? I'm not falling for his tricks again.

"Ayokong makaistorbo. Siguradong hindi matutuwa si Crystal kapag nakita nya ako dito. Ayokong magalit sakin ang girlfriend mo."

"Walang kinalaman si Crystal dito... at wala ng iba pa. Who gave you the idea we're dating?" His tone was as cold as ice pero hindi ko yun pinansin.

"Hindi nyo naman tinatago ang relasyon nyo sa school." In fact, I can see it every day.

"Nothing's between us. You can see it for yourself."

I scoffed. "Wag na. Wala naman talaga akong pakealam." Ini-off ko na ang faucet at hinarap sya... but I was taken aback when he was in front of me after all.

My stupid heart started thumping again. Napasinghap ako nang lumapit sya kaya napaatras ako hanggang sa wala na akong space na maatrasan.

"Take that back. I know you don't really mean it." His cold gaze made me nervous. Sinubukan kong magsalita pero walang salita na lumabas mula sa bibig ko.

Threatened By A Gangster [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon