Chapter 29 ♠ Keir

9.6K 264 31
                                    


Alexandra Sophia San Mañego

"A-Ah eh... HINDI! Ano... u-uhm...na-nag...nagse-selfie ako!" Inopen ko kaagad ang camera at nagselfie tapos pinakita ko pa sa kanya.

"Kita mo? Nagse-selfie lang ako wala akong binasa sa message mo," walang prenong paliwanag ko.

Kinuha lang naman nya mula sakin ang phone nya at wala naman syang sinabi kaya para akong lumutang sa ulap sa relief.

"Let's go eat." Sumunod naman ako sa kanya pero hindi kami sa cafeteria papunta.

"Saan tayo kakain?"

"Sa Leisure Room namin," sagot nya. Ano kayang nangyari sa kanya at sinama nya ako? Libre ba ang lunch ko ngayon?

Pagpasok namin ng Leisure Room nila naka-upo sa sofa sina Dennis, Chase at Zack at hawak nila ang cellphone nila.

"Tol, nasaan na ang lunch natin?" tanong ni Zack at hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa cellphone nya.

"Luke's getting it," sagot ni Ace.

Tumabi naman ako kay Chase sa sofa at sinilip ang ginagawa nya. Ano kayang ginagawa nila? Mukhang busy eh.

"Hoy Chase! Kung magdo-donate ka wag na lang!" bulyaw ni Zack kay Chase.

"Pasalamat ka pa nga nag-donate ako eh!"

"Tss nag-donate nga level 1 barbarian naman!"

"Eh di sorry!"

Iniwas ko na lang ang tingin ko sa phone ni Chase at sumandal sa sofa. Wala naman akong na-gets sa nilalaro nila. Bumukas naman ang pinto at pumasok si Luke na may dalang cart ng pagkain.

"Ui Luke, attack ka na. Five hours na lang ang war," sabi naman ni Dennis.

"'Geh, maya na."

Inayos nina Ace at Luke ang table kaya lumapit ako sa kanila para tumulong. Ako na ang naglagay ng plato bago kami nagsi-upuan.

"Okay, let's eat! Kanina pa ako nagugutom!" Kukuha na sana ng pagkain si Dennis pero pinigilan ko sya.

"Sandali lang..." napalingon silang lima sakin.

"Mag-pray muna tayo."

"Sophie naman. Kailangan pa ba nyan?" reklamo ni Dennis pero sinamaan sya ng tingin ni Ace.

"O-Oo nga naman! Kailangan nating magpasalamat sa Panginoon, diba Sophia?" kinakabahang sabi ni Zack.

Nag-sign of the cross ako at pinagdaop ang palad ko at ginaya naman nila ang ginawa ko.

"God, thank you sa pagkain at blessings na binigay mo samin. In the mighty name of Jesus Christ, we pray, Amen."

"Okay! Totoo na 'to, let's eat. Gutom na ako."

Nagsimula na kaming kumain pero hindi ako nakikisali sa usapan nila. Nagsasalita lang ako kapag tinatanong nila ako.

"Sophia, bakit ka nga pala nandito? Hindi sa nagrereklamo ako ha," tanong ni Luke at napalingon naman ako kay Ace kaya sumunod ang tingin ni Luke tapos napatawa sya.

"Oh I get it. Someone's guilty here. Ace, hindi ka pa rin nakakaget-over dun sa—"

"Shut up Evans or do you want me to stab you with this fork?" Malamig na sabi ni Ace, pati ako natakot sa threat nya!

"Chill! Masyado namang mainit yang ulo mo."

"Hindi maka-get over saan?" tanong ko. Si Crystal baa ng pinaguusapan nila?

Threatened By A Gangster [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon